CHAPTER 22

1.1K 43 0
                                    

"Anong daw ang problema?" tanong ni Emerson kay Belle, pagkatapos samahan si Tyler pumunta sa magiging kwarto nila ngayong gabi. Bumuntong hininga si Belle saka napasapo sa nuo.

"May nakita daw siya kanina, kamukha niya. Wala nakong lubos maisip kung hindi si Nhixed 'yon. Mag kamukha sila." Naupo sa tabi niya si Emerson saka hinagkan.

"Don't think too much Belle...baka namalik mata lang si Tyler. And you're not going to stay here right? Malabong magkrus ang landas niyong dalawa. And you told me, you can handle it." Tumango si Belle saka bumuntong hininga muli bago na isipang tabihan na si Tyler at Taylor.

"Good night. Aalis na kami bukas, kailangan ko ng magpahinga." Emerson nodded his head and sigh pagkatalikod ni Belle.

"Sana nga hindi tama 'yung na isiisip ko."

Pagkagising na pagkagising nila nagyaya kaagad sa grocery si Taylor at Tyler para mamili ng mga kakainin nila sa biyahe. "Ma, kukuha lang ako ng mga gusto ko roon babalik ako." Ngumiti naman si Belle at tumango bilang pagsang-ayon.

Kinapapasalamat lang niya, hindi na muli nagtanong si Tyler sa nakita niya. "Ma, sundan ko lang po si kuya ha? Gusto ko candies yey!" Natawa siya sa reaction ni Taylor bago tumango.

Nagpunta siya sa halos araw-araw nilang kakailanganin. Hindi na siya bumili pa nang marami, sa probinsiya nalang siya bibili ng mga halos kailangan nila.

Nagsabi na rin kasi si Emerson na gagamitin nila nag private plane niya para hindi na sila makikipagsiksikan pa sa maraming tao. Lalo na nag-iisa lang siya, hindi siya masasamahan ni Emerson para alalayan ang mga bata dahil sa trabaho nito.

Habang naglalakad para hanapin si Tyler and Taylor, siyang kasabay ng pag atras niya pagkakita kung sino ang mga kausap ng mga anak niya. Kumabog ang puso niya dahil sa sobrang kaba.

Anong ginagawa ng mga magulang ni Nhixed rito?Bakit nila kinakausap ang mga anak ko?

"What are you doing here?" para siyang natuklaw sa ahas ng marinig ang boses na 'yon.

"Taylor, let's go mama will be mad again if we-

"Who's your mama?" Tanong ni Nhixed kay Tyler na masama ang tingin sa kaniya.

"Why would I tell you? We don't know you mister" Napatanga sa kawalan si Nhixed sa narinig. Para na 'tong matanda kung makapag salita sa harpan niya.

"Kuya! Sabi ni mama huwag kana-

Hindi na natuloy pa ni Taylor ang sasabihin niya dahil hinila na siyang muli ni Tyler palayo sa kanila. Kaagad siyang nagbayad ng makitang hinahanap na siya ng dalawa.

"Nahanap niyo ang hinahanap niyo?" Inalis niya ang kabang nararamdaman mapa hangga ngayon dahil narito pa rin sila. Hindi siya maaaring makampanti.

"Opo, mama" Binigay ni Tyler at Tylor ang mga candies na nagustuhan nila sa cart para masabay na rin mabayaran.

"Ma, are you okay?" Tanong ni Taylor sa kaniya ng makitang nanginginig ang mga kamay nito. Pinilit niyang ngumiti kahit todo na ang kabang nararamdaman.

Pagkatapos nilang mabayaran lahat handa na silang lumabas ng makasalubong niya ang hindi niya inaasahang makikita. Wala nang oras para magtago pa siya dahil kitang kita na niya 'to at gulat ang matang nakatingin sa kaniya.

Wala siyang sinabi pero alam niyang marami siyang gustong itanong mula sa kaniya. "Belle?" sambit nito ng makalapit sa kanila.

Nagmamadali man, ngumiti siya ng tipid at ngumiti. "Luke, ikaw pala." Napatingin si Luke sa dalawang bata sa kanan niya. Magka hawak kamay si Tyler at Taylor ng makita niya ang mga 'to.

"Mama, sino siya?" Mas lalong nagulat si Luke nang marinig niyang magtanong si Taylor. Napa iling nalang si Belle dahil sa kuryorsudad at kadaldalan niya paniguradong magtatanong na naman 'to.

"Mga anak mo?" tumango siya saka na hinawakan sa kamay si Tyler.

"Alis na kami Luke." Magsasalita pa sana siya ng hinila na niya ang dalawa.

"Hanggang kailan ko ba sasabihin sa inyo, na huwag kayo kakausap ng hindi niyo kilala?" tumahimik sila lalo na si Taylor.

"Gusto ko lang naman makilala si papa, mama..." Unti-unti nang tumulo ang luha ni Taylor. Hnagod naman niya ang likod nito saka pinatahan.

"Ano pa bang ayaw niyo kay papa Emerson niyo? He's here, when you needed a dad. Ginagawa naman niya ang lahat para hindi niyo na hanapin ang papa niyo pero heto pa rin kayo hinahanap ang taong matagal ng wala." Tyler nodded to her mother.

"I agree with mom this time Taylor, don't find him. If he wants to see us, matagal na dapat." Punong hinanakit na sambit ni Tyler sa kapatid. Belle didn't tell a single thing to Nhixed, pero sinabi niya sa mga anak na hindi nila totoong ama si Emerson.

"Were glad because papa Emerson is with us. He didn't left us, he didn't break a promise." Tumango naman si Tylor sa sinabing 'yon ni Tyler.

"Okay! I promise mom! I won't find him again." Parang nabunutan ng tinik si Belle sa puso niya ng marinig 'yon kay Taylor.

"That's good then. Huwag mo na, I break promise kay mama okay?" Mabilis siyang tumango saka hinalikan sa pisngi.

"Ma, pagkarating ba natin sa bahay ni Papa Emerson aalis na tayo?" Tumango naman si Belle. "Naghihintay na ang papa niyo roon." Ngiti naman ang nagising sagot ni Tyler kay Belle.

Magsisimula kaming muli, uuwi na ako finally after 5 years. Susunod rin si Emerson pagkatapos ng napakaraming meetings sa companiya niya.

"I'm really sure dude I saw here a while ago with her kids." Doon na napatingin si Nhixed sa sinabing 'yon ni Luke sa kaniya.

"Kamukhang-kamukha mo 'yung batang lalaking anak niya. Kukuhanin ko sana ang number niya kaso nagmamadali sila." Agarang tumakbo papalabas si Nhixed, pero huli na nakasakay na ang mga 'to ng taxi. Lumabas ang mga magulang niya ng matapos sila sa pamimili at nakita nilang nakahawak sa noo si Nhixed. "Anong nangyari Nhixed?" Tanong ng ina.

"Luke saw Belle, hahabulin ko sana kaso naka alis na." Luke pat his shoulder. "At least may hint na tayo na narito na siya. Hindi kana mahihirapan." Naisip niya ang sinabi ni Luke saka agarang tinawagan ang private investigator niya.

Hindi kana makakatakas pang muli sa akin Belle.

"The kids a while ago-

"Luke, I don't want to assume for now, I really badly want to know the reason, why did she left me. Hindi na muna niya ako hinayaang mag explain. And f*ck I waited 5 f*cking years and now she had kids?"

Natahimik ang magulang niya pagkatapos nilang marinig 'yon kay Nhixed. 

I don't f*cking care if you have a husband and kids Belle. The moment we'll see each other again, you can't run away from me, never.

Nhixed Suarez -(Billionaire Series#1)Where stories live. Discover now