CHAPTER 33

1.2K 34 0
                                    

Belle's POV

Para akong unti-unting pinapatay sa uri ng pagsipa at pagsampal sa akin ni Kim...Tiningnan ko si Emerson para humingi ng tulong sa kaniya pero nag-iwas kaagad siya ng tingin sa akin. Why Emerson? Why did you do this to me?

Sinipa niya ako sa kaliwang legs ko. Tiniis ko lahat nang masakit na sipang ginawa niya, ayoko sumigaw...pagod nako sa lahat ng pahirap nila sa akin. Gusto ko ng sumuko, bakit hindi pa nila ako tapusin? Panatag na rin akong nakay Nhixed na ang mga anak ko.

Hinila niya ang buhok ko doon ko na hindi napigilan sumigaw dahil na rin sa panghihina. "Aray!" Humalakhak na naman siya saka itinutok sa aking harapan ang hawak niyang baril.

Tiningnan ko muli si Emerson pero kagaya ng kanina, wala siyang pakialam...wala siyang emosyong pinapakita sa mukha niya. "He won't help you Belle!" Sigaw niya sa akin kasabay ng putok sa kaliwang legs ko. Napasigaw ako sa sobrang bilis ng pangyayari sa sobrang bilis ng pagputok niya ng baril!

"How was it Belle? Anong feeling ng nabaril, masakit ba?" Sinubukan kong igalaw ang legs ko pero nagsi unahang lumabas ang luha ko sa sobrang hapdi.

"'yan nga, ganiyan nga! Gusto kong makita kang luhaan! Akin parin ang huling halakhak, sa akin si Nhixed!" Hindi na ako makpag-isip ng kung ano-ano dahil sa nangyari. Ang daming dugo na rin ang nawala sa akin.

"Let's count 1-10 kapag hindi pa dumating si Nhixed papatayin na kita kasunod ang dalawa mong anak!" Oh God please help me. Kahit hindi na dumating si Nhixed basta nasa maayos na kalagayan ang mga anak ko ayos na ako.

"Isa!" Umpisa niya sa bilang na may kasabay na palakad-lakad at patingin-tingin sa kaniyang relo.

"Kuya, tingnan mo kung sino ang mga dumarating." Parang asong nagsunod-sunuran si Emerson sa kaniya umalis. Pagka-alis niya nilapitan niya ako saka ako sinabunutan, na may kasabay napakalas na sampal.

"Bakit pati ang kuya ko nagustuhan ka?!" He loves me, but he loves you more than anyone Kim.

"Alam mo bakit ko siya pinaalis? Nababasa kong ano mang oras papakawalan ka niya rito." I know...hindi magagawa ni Emerson 'to na wala siyang dahilan. Nakasama ko siya ng limang taon sa France alam kong may tinatago siya mula sa akin.

"Mas mabuti na 'yung naroon siya, I know he will help you anytime. I know my brother well. Kung sanang hindi na kayo umuwi mas malaking chance tatanggapin akong muli ni Nhixed." Nababaliw na ba siya? Akala ko bang sinabi ni Nhixed wala na silang communication simula pa noong mga panahong nawala ako?

"Lima!" Sigaw niyang muli at sipa kung saan niya ako binaril. Napa-igilk ako sa sakit na naramdaman. Nahihirapan na ako...hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay dahil sa dami ng armadong tauhan niya rito sa loob.

"Pito!" Sampal na naman niya sa akin. Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagkasa ng baril sa harapan ko. Kasabay ng pagputok nito sa braso ko.

"Argghh!"

"Hindi na siya nadarating Belle! Papatayin na kita!" Natapos siya sa pagbibilang hanggang sa narinig ko ang boses ni Emerson... Minulat ko ang aking mga mata saka siya tiningnan at ngumiti.

I mouthed thank you...

"No. Belle!"

Babarilin na naman niya ako ng biglang sumigaw si Emerson at sinalo ang bala para sa akin. Niyakap niya ako saka siya ngumiti...ngiting ngayon ko palang nakita sa buong taon na magkasama kami. "Kuya!" Nabitawan niya sa panginginig ang hawak niyang baril nang makitang sinalo ni Emerson ang baling para sa akin.

Nhixed Suarez -(Billionaire Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon