CHAPTER 23

1.1K 40 0
                                    

Belle's POV

"Ma!"- sigaw ko, pagka-apak na pagka apak ko sa aming bakuran. Wala pa ring pinagbago kahit 5 taon na ang nakakaraan. Tiningnan ako ng maigi ni mama bago tumakbo sa aking para yakapin ako. I miss them so much...sorry ma kung pati kayo nadamay. Hindi ako naka pagsabing aalis ako sa kanila. Kaya ganito makareact si mama.

Pinisil-pisil niya ang dalawa kong pisngi, kasabay ng paghagulgol muli. Napa-iyak din ako dahil sa mga nangyari. Alam kong may mali rin ako, hindi ako nagsabing mag papangibang bansa ako pagka alis ko ng maynila.

"Ma, pasensiya na kung hindi ako naka pagsabi...ang daming kumplikadong nangyari habang nasa maynila ako. Ma..." walang tigil sa pagtulo ang luha ni mama. Natigil lamang 'yon ng marinig ko ang boses ni papa sa likuran namin.

"Anong ginagawa mo rito?" Punong hinanakit na tanong niya sa akin. Walang ka emosyon- emosyon ang pinakita sa akin ni papa di gaya ni mama.

"Pa..." sambit ko sa mahinang boses. Nilampasan ako ni papa nang papalapit ako sa kaniya. Mas masakit pa sa lahat ng masakit ang hindi ka pansin ng magulang mo. Hindi nagustuhang umuwi kapa. I have my reasons pa, alam kong may kasalanan rin ako pero hindi ko pinagsisihang umalis ako at sumama kay Emerson sa France.

Nanlambot ako sa uri ng pagtrato sa akin ni papa ng ganon. Muntik na akong matumba sa pangangalambot kung hindi lang ako nahawakan sa kamay ni Tyler at pinisil 'yon. Doon napahinto si papa sa pagpasok sa bahay at tumingin sa mga anak ko nakahawak sa kaliwa't kanang kamay ko.

"Mama...don't cry na, please po..." Umupo ako para ma level sa kanila ni Tyler. "Mama's just happy, finally I already saw my parents after 5 years common, I'll introduce you to them." Tiningnan lang ako ni papa na wala pa ring emosyong pinapakita, nakatingin lamang 'to kay Tyler at Tylor na nakangiti sa kanila.

"Tyler and Taylor meet your grandma and grandpa. Ma, pa si Tyler at Taylor po mga anak ko." Tumakbo si Taylor kay mama at papa kasalungat ng ginawa ni Tyler. Sinamahan ako ni Tyler, pinipisil-pisil ang dalawang kamay ko.

"Mama, are you okay?" Kung si Taylor siya ang hyper sa kanilang dalawa, si Tyler naman ang napaka seryoso sa buhay. Mga libro at gadget ang inaatupag hindi gaya ni Taylor puro outdoors ang lahat ng nilalaro. Ayaw na ayaw ni Tyler makihalubilo sa ibang bata, 'yung silang dalawa lang ni Taylor ang maglaro masasamahan pa niya 'to pero kapag kasama na ang iba uuwi siya. "I'm fine baby...Go, magmano kana sa lola't, lolo mo." Ayaw niya akong iwanan kaya naman kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko kinaya ko para harapin si papa.

Hindi makatingin ng daretso si papa sa akin, nakatingin lang siya kay Taylor na ang daldal. Napakarami na niyang na kwento sa dalawa. Hinawakan ako ni mama sa kamay saka niyayang samahan siyang magluto ng pananghalian namin. Nakangiti si mama habang hinuhugasan ang mga gulay sa lababo.

"Bakit hindi ka tumawag man lang noon Belle? Akala namin patay kana."- Kasabay ng pangingilabot nang marinig ko 'yon."Biglaan ka nalang kasi nawala anak...wala kaming ka alam-alam kung ano ba talaga nangyari sayo. Lumuwas pa kaming maynila para hanapin ka." Para akong pinagpira-piraso nang sinasabi ni mama 'yon. Hindi ko intensiyon hindi sabihin sakanila, takot lang akong ma trace ni Nhixed ang numerong ginagamit ko. Kaya lahat sila iniwasan ko, para walang madamay.

Gustong-gusto ko nang matahimik na buhay at nahanap ko 'yon sa france, kasama si Emerson. Siya ang naging sandalan ko sa mga panahong kailangan ko ng masasandalan. Siya 'yung nandiyan noong kailangan ko ng mga kakailanganin na gamit para sa bata. Siya rin 'yung nandiyan noong mga panahong pinanganak ko si Tyler at Taylor. Siya ang tumulong sa akin para makabangon muli. Siya lahat...

Huminga ako ng malalim bago sinagot si mama. "Napaka habang storya ma." Sambit ko habang naghahanda ng mga plato sa mesa. "Kaya simulant mo na ngayon, makikinig ako. Alam kong may mga rason ka kaya mo 'yun nagawa." –ngumiti ako sa kaniya, mabuti nalang kung ganon.

"Pagkatapos nating kumain ma, sa labas ho tayo" Ngumito naman 'to saka tumango. Saktong pagkaluto ng mga pagkain, pumasok naman si papa, Tyler at Taylor na may ngiti sa mga labi. This is the first time I saw Tyler smiled. Napansin naman niyang nakatingin ako sa kaniya, kaya ginantihan ko 'to ng simpleng ngiti.

"Ma, ngumiti si kuya diba? ang gwapo pala ni kuya kapag nakangiti. Hindi na siya mukhang monster ma" Halakhak naman ni Taylor na kina-iling naman ni Tyler. Tinabihan ko si Tyler "Oh naka simangot ka na naman?" Nagkibit balikat naman 'to saka tumingin kay papa.

"Ano po bang ginawa niyo, pa?" Baka sakaling nagustuhan niya ang mga laro kanina, dahilan ng pagngiti niya ngayon. Bumuntong hininga naman ako ng hindi pa rin ako sinagot ni papa. Nakita ko pang hinawakan ni mama ang kanang kamay ni papa para pisilin at itinuturo ako, naghihintay ng sagot.

"I like it here ma. I love the farm of grandpa, it has a lot of animals."

"Ako naman gusto ko dito kasi, ang daming tanim ni lola. Kailan po kayo mag harvest? Pwede po sumali po?" Natawa naman kami sa tanong ni Taylor. Na para bang napaka simpleng bagay lang ng pagharvest.

"Taylor hindi madali ang pag harvest ng mais, palay at mga gulay rito sa bukid. You can watch how they do it but you can't join them. You're still a kid hindi mo pa kaya ang ganong trabaho." Pumiling-iling naman 'to.

"No, mama. I want to be a cow girl like you!" Natahimik kami sa sinabing 'yon ni Taylor. Napa-ubo pekeng ubo pa si mama. Ang sakit pala sa puso na hindi kayo okay ng isa sa miyembro ng pamilya mo. Mas worst pa kung isa sa mga magulang mo 'yun. Ang hirap mag panggap na ayos ka lang sa harapan nila, sa loob-looban ko para akong pinagsasaksak sa akit.

"That's enough Taylor, kumain kana. Aayusin pa natin ang gamit na tin sa hotel mamaya." Naramdaman kong napatingin si mama at papa sa sinabi kong 'yon sa mga anak ko.

"Bakit kayo mag hotel anak? Ayaw niyo ba rito?"

"Mukhang hindi naman po kami w-

"Hayaan mo sila Vik, kung ayaw nila rit huwag mo pilitin. Tapos na akong kumain." Umalis si papa sa hapag at tumingin naman si mama sa akin ng malungkot. Nginitian ko si mama para malaman niyang ayos lang. Pagkatapos namin kumain tinulungan ko si mama maghugas ng plato kahit ayaw niya.

"Ganon lang talaga ang papa mo, parang hindi mo siya kilala. Hayaan mo kakausapin ko na rito na kayo mananatili." Pumiling ako ng mabilis kay mama.

"Ayaw ko namang pagsiksikan ang sarili naming rito ma, kaya ko naman ho ang dalawa huwag ho kayo mag-alala araw-araw po naming kayong bibisitahin." Aapila pa sana si mama pero sinabi kong buo na nag desisyon kong manatili muna sa hotel habang hindi pa kami ayos ni papa. Baka kapag rito ako nanatili hindi ko mapigilan umiyak sa harapan niya. Ayoko na nakikita akong umiiyak ng mga anak ko.

"Ma, Pa, alis na po kami. Babalik nalang po kami bukas." Nagpaalam naman ang dalawa sa kanila.

"Were going na po. Bye lo, bye la!" Hinalikan ni mama at papa sa noo si Tyler at Taylor bago umalis. Tiningnan ko si papa noong paalis na kami pero kaagad niya akong tinalikuran.

Nhixed Suarez -(Billionaire Series#1)Where stories live. Discover now