Chapter 1

130 37 130
                                    

Present

MAGKATABING nakaup sa isang bench sa labas ng municipal hall sina Celine Villareal-Gryfton at Neilson Gryfton. Gryfton pa rin si Celine o Celia sa sandaling iyon. Pero kapag pumasok na sila ni Neilson sa loob ng korte at pumirma sa annulment papers, babalik na siya sa pagiging Villareal.

Isang taon na ang nakalipas mula nang magpakasal sila. Hindi engrandeng kasal ang nangyari. Isang judge na kakilala ng pamilya ni Celine ang nagkasal sa kanila ni Neilson sa Baguio.

Isang simpleng kasal. Celine was wearing white dress just inches below her knee while Neilson was wearing a white polo shirt. Pero kahit simple lang ang lahat dahil kapatid lang niya at mga pinsan ang naroon, isa iyon sa mga pinakamemorable na araw sa buhay ni Celine.

Isang taon sila naging mag-boyfriend ni Neilson. Apat na buwan naman ang itinagal nila bilang mag-asawa. At ang apat na buwan na iyon ang sumubok kung talaga bang para sila sa isa't isa.

Apat na buwan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng nangyari sa loob ng apat na buwan na iyon.

"Hanggang dito na lang talaga?" tanong ni Neilson na siyang bumasak sa katahimikan sa pagitan nila.

Tinignan ni Celine ang asawa. Asawa pa rin niya ang lalaki hangga't hindi pa sila pumipirma. May mga panahong sa kaniyang buhay na tuwing titingnan si Neilson ay napupuno siya ng tuwa. Ito ang nag-iisang taong gusto niyang makita tuwing magigising at huli rin na gustong titigan bago matulog.

Para kanino ka gumigising? —linya sa isang TV commercial.

Para kay Neilson.

Noon.

Habang tinitingnan si Neilson ngayon ay kumikirot lang ang kaniyang puso. May masakit at masamang pakiramdam na naghahari sa buong pagkatao niya. At higit sa lahat, mag galit. Kahit siya, hindi rin mapaniwalaan na ang taong ito na bumubuo sa mundo niya ay siya ring wawasak sa mundong iyon.

Pagod na pagod siya. Hindi pagod ng katawan. It was more than that. Her heart and her sould were tired.

"Hanggang dito na lang," sagot niya sa boses na walang emosyon.

Tumango si Neilson. Mula pa kaninang dumating sila—may kalahating oras na ang nakalilipas—isang beses pa lang tumingin ang asawa sa kaniya. Puno ng lungkot ang mga mata nito.

"I gues we can't be friends?"

Napangiti nang mapait si Celine. "Hindi tayo naging magkaibigan. Sa tingin ko, huli na para simulan natin ngayon."

Humarap ang asawa niya na may lungkot at pait sa mga mata. "Then, I guess this is really good-bye."

"It is."

"Sana puwede nating balikan ang nakaraan. No'ong nagsisimula pa lang tayo."

Kung puwede lang ay ginawa na ni Celine. Kung kaya lang niya. Pero imposible. At kung makakabalik man sa nakaraan, hindi rin niya alam kung paano aayusin ang lahat. Sirang-sira ang lahat sa kanilang dalawa. Hindi sila plato na nabasag na puwedeng i-glue lang. They were like crystal glasses shattered into tiny little pieces.

Kinapa ni Raya ang tiyan. Umaalon ang dibdib niya. Napuno na naman ng pait ang kaniyang puso. Tuwing gagawin iyon, para siyang natutunaw na kandila. She was hurting. And it would always hurt.

Nang tumayo siya, tumayo rin si Neilson. Paglabas nila ng municipall hall ay opisyal na silang hiwalay. Hindi na sila mag-asawa. Siya na uli si Celine Villareal.

Tumigil sila sa dulo ng gadan at nagharap. Then, Celine remembered a myth she had reading during her college days.

The story of the sun and the moon. They were husband and wife and the stars were their children.  The moon told the sun never touch their kids because he might burn them. Hi did touch them anyway. They died. At bilang parusa, inilayo ng buwan ang iba pa nilang anak na bituin sa araw. Hindi lang iyon, pati ang buwan ay hindi na rin nagpakita sa araw. They were forever separated.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon