Chapter 7

26 16 5
                                    

Six years ago

ISANG buwan at isang lingo na sa kanaway sina Celia at Neil. Nakatira sila sa bahay ni Kuya Austen. Kasama na rin nila si Lenny sa bahay dahil asawa na ito ng kapatid niya. Isang lingo pa lang na naikakasal ang mga ito.

Hindi inaasahan nina Celia at Neil ang mga nangyari. Pagkatapos na ikasal ni Neil, pilit silang itinaboy ni Kuya Austen sa bahay ni Lolo Greg. Ang kapatid na raw ang bahalang magpaintindi ng sitwasyon ka yLenny. Wala silang nagawa ni Neil. Sa Bagitan, si Kuya Austen ang batas.

Nagbilin na lang si Celia sa kaibigang si Glen at sa iba pang mga pinsan na ang mga ito na ang bahala kay Lenny. Pero sa likod ng isip, alam niya na kaya ni Lenny na pangalagaan ang sarili. Nagulat na lang sila ni Neil na pagbalik sa Bagitan pagkalipas ng ilang araw, may namuo nang pagtitinginan sa pagitan ng mga kapatid nila.

Nang bumalik si Lenny sa Maynila ay sumunod sila. Ang ibig niyang sabihin sa "sila" ay kasama pati si Kuya Austen.

Pagbalik uli sa Bagitan, kasama na nila si Lenny. At ngayon nga, mag-asawa na sina Kuya Austen at Ate Lenny.

Ipinaunawa na agad ni Kuya Austen na hindi na nila kailangang bumukod ni Neil dahil Malaki naman ang bahay nito. Kung nasisikipan man sila ni Neil sa kuwarto, puwede nilang ipa-renovate iyon.

Hindi na nakatanggi si Celia. May sarili siyang lupa sas Bagitan. May pera din siya dahil may trust fund mula sa daddy niya. Ouwede silang magpagawa ni Neil ng sariling bahay. Pero siyempre, kailangan pa nilang pag-usapan iyon. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa. Wala pa talaga silang plano dahil bago pa lang naman silang nagsasama.

Kung gusto ni Neil na bumalik sa Maynila, okay lang sa kaniya. Kahit saan sila tumira't pumunta ay ayos lang din, basta magkasama silang dalawa.

Pero kung sa Bagitan sila titira, mas Mabuti siguro para sa kanila. Mas matutuwa siya. Una sa lahat, maganda ang klima—sariwa ang hangin at kilala na niya ang mga tao roon.

It was a safe and comfortable choice.

Gaya na lang ngayon. Maaga siyang gumising at nakaupo sa duyan sa garden ng bahay ng kapatid. Tulog pa si Neil. Nang subukan niiyang gisingin ay umungol lang ito.

"Celia."

Napalingon si Celia sa pinanggalingan ng boses. Pagkakita sa kaibigan at kababatang si Juluis ay napangiti siya.

"Juluis!"

Tumayo siya para salubungin ang paglapit nito sa kaniya.

Niyakap siya nang mahigpit ni Juluis at inangat pa sa lupa. Napahagikgik siya. She had really missed him. Parang mahigit sa isang taon na yata mula nang huli niya itong nakita. Kapag umuuwi ng Baguio, si Juluis lang ang nagpupursigeng puntahan siya para kamustahin.

"Kamusta ka na?" tanong ni Juluis nang bitawan na siya. Pero nananatiling magkahawak ang mga kamay.

"Mabuti. Masya."

"Halata naman eh." Tumingin si Juluis sa singsing na nasa daliri niya. "Kung hindi ko pa nakasalubong sa bayan si Feya no'ng isang araw, hindi ko pa malalaman na nag-asawa ka na," may himih-panunumbat ang boses nito kahit nakangiti.

"Sorry," pinisil ni Celia ang kamay ng kaibigan. "Biglaan kasi."

"Okay lang. So... puwede ko bang makilala ang lalaking bumihag sa puso ni Celine Villareal?"

"Tulog pa siya. Pero dito ka na mag-breakfast para makilala mo siya," alok niya rito.

Ngumiti ito nang malawak. "Of course. Nami-miss ko na ang luto mo. Na-miss din talaga kita."

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon