Chapter 15

14 2 1
                                    

MAGHAHATINGGABI na pero hindi pa rin naririnig ni Neil ang pagdating ng sasakyan ni Austen. Mula nang bigla na lang umalis kanina ay hindi pa ito umuuwi. Nakatulugan na nina Jairus at Kron ang paghihintay sa ama. Siya naman ay hindi makatulog. Ilang beses niyang sinubukan na tawagan ang cell phone ni Ate Lenny pero naka-off naman iyon. Kahit ang cell phone ni Austen ay naka-off din.

Makalipas pa ang ilang sandali, minabuti niyang lumabas ng kuwarto para sa sala maghintay. Tutal, hindi rin naman siya makatulog. Pero pagbaba ng sala, nakita niya na naroon si Celia. Nakasandal ang ulo nito sa headrest ng sofa at nakapikit. Mukhang nakatulog rin yata sa paghihintay kay Austen.

Dapat ay tumuloy siya sa kusina para magtimpla ng kape. O di-kaya, bumalik na lang siya sa kuwarto. Pero sa halip, tumayo lang siya roon habang nakatingin kay Celia.

Mula sa ilaw ng lampshade, nagawa ni Neil na matingnan ang hitsura ng babae. Hindi niya magawa iyon mula pa kahapon. Kahit pa gustong-gusto talaga niya.

Nakabuka nang bahagya ang mga labi ni Celia. Her lips, as he remembered, were as red and as full as before. He was not sure if it was as sweet and addicting as before. He used to kiss her for hours. Just kissing her.

Bumaba ang kanyang tingin sa leeg nito. The inviting flesh were smooth. He swallowed the imaginary lump in his throat. Bumaba sa kaliwang balikat ang manggas ng shirt na suot ni Celia dahil malaki ang size ng damit na suot nito. Her neck and shoulders were his weaknesses. He lost his focus whenever she wore something that revealed those parts of her body.

Bumaba pa ang kanyang tingin. She was covered by the oversized shirt and pajama bottoms.

He could look at her all day and night and he still would not have his fill.

Umalis ka na. 'Wag mo na siyang tingnan. Bumalik ka na sa kuwarto mo.

Pero kahit anong sigaw ng isip ay nakatayo pa rin siya sa sala.

Isang minuto pa. Isang minuto na lang. Kahit kalahati.

Nang kumilos si Celia na parang nagigising ay nabigla si Neil. Napaatras agad siya nang hindi nag-iisip. Tumama tuloy ang likod ng tuhod niya sa center table.

Dahil doon, tuluyan na ngang nagising si Celia. Napatingin agad ito sa kanya nang idilat ang mga mata.

Mas mabilis pa ang bibig ni Neil kaysa sa isip. "Bumaba ako para tanungin ka kung dumating na ba si Kuya Austen. Hindi pa kasi siya umuuwi. Nag-aalala rin ako sa kanya. Baka lang alam mo kung nasaan siya. Pero natutulog ka pala dito. I'm just going to..." Itinuro niya ang direksiyon ng kusnina kahit hind isigurado kung kusina nga ba ang kanyang naituro.

Kinusot ni Celia ang mga mata habang humihikab. His heart skipped a beat because of how adorable she looked. Naikuyom niya bigla ang mga kamay.

"Wala pa rin pala si Kuya?" Kumunot ang noo ng babae at tumingin si wall clock. Nang makita na mag-aalas-dose na, tuluyan nang gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "Hinihintay ko siya kaya nakatulog na ako dito."

"Hindi mo ba alam kung nasaan siya?"

Sa mga mata lang ni Celia nakatutok ang paningin ni Neil. Mukhang hindi pansin ng babae na nakababa sa balikat nito ang manggas ng damit.

Must not look at her shoulder and collarbones. Must not look...

"Hindi pero..." Luminga ang babae na parang may hinahanap. Sa gilid ng sofa kung saan nakatulog ay kinuha nito ang cell phone at may tinawagan. Unti-unting kumunot ang noo nito. "Naka-off pa rin ang phone ni Kuya."

"Yeah. Ilang beses ko rin siyang sinubukang tawagan."

Lalo lang napuno ng pag-aalala ang mukha ni Celia. "Subukan kong tawagan ang iba pa naming pinsan." Ilang beses itong sumubok tumawag bago may sumagot dito. "Thank God, Keyon. I'm sorry kung nakaistorbo ako. Yes, yes. Si Kuya—ah, okay. Salamat. No. No. Ako na ang bahala."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon