Chapter 9

12 8 0
                                    

HINDI kumilos si Celia nang maramdaman ang paggalaw ng kama. Ramdam niya na may tumabi sa kaniya. Kahit hindi tingnan kung sino, alam niyang si Neil iyon. She knew his scent. She knew when it was him.

Nang maramdaman ang pagyakap sa kaniya ng asawa mula sa likuran, wala pa rin siyang reaksiyon. She was hurting. She felt so betrayed. Pero parang natutunaw ang puso niya dahil sa yakap ng asawa. Pero wala siyang pakialam sa kaniyang puso sa mga oras na iyon.

She stomped on her heart. No. I'm not listening to you.

"Sorry. I'm so sorry. Patawarin mo ako sa lahat ng nasabi ko."

Umiling nang umiling si Celia habang umaagos ang mga luha. Pero habang paulit-ulit na bumubulong si Neil sa tainga niya, parang wala siyang magawa.

Pero ayaw pa rin niyang sumuko. "You lied to me. I hate you."

"I hate me, too."

Pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa kaniya. She fell asleep with him alternately whispering things in her ears and kissing her hair.

KINABUKASAN, inihatid ni Celia si Neil sa station pabalik sa Maynila. Hindi siya sasama sa asawa. Dahil nangako ito. Uli.

Susunduin siya ng aasawa sa susunod na weekend. Aayusin lang nito ang schedule. Hindi na ito magtratrabaho tuwing sabado. Habang nasa tabi ng bus, hawak nila ang kamay ng isa't isa at hindi naghihiwalay ang mga mata nila.

"I don't hate you," sabi ni Celia. Kailangan niyang masabi iyon.

"I know." He kissed her forehead.

Yumakap siya kay Neil. Kahit parang ayaw nang bumitaw sa asawa, pilit niyang nilakasan ang loob. "Sige na, sumakay ka na. Baka gabihin ka pa sa biyahe."

Parang marami pang gustong sabihin ang asawa. Nangungusap ang mga mata nito. He kissed her hard on the mouth before finally letting go of her. "Babalik ako."

Halos sabay pa silang tumalikod at naglakad sa magkabilang direksiyon. Si Neil pasakay sa bus at si Ceila naman ay pabalik sa sasakyan ni Kuya Austen.

ISANG lingo uli ang lumipas. Wala pa ring Neil na dumaratting sa Bagitan. Araw-araw na tumatawag ang asawa pero halos isang minuto lang silang nag-uusap. Kapag itinatanong ni Celia kung maayos na ang schedule ni Neil, binabago nito ang usapan.

Sa sumunod na linggo ay wala na uling tawaag ni text galing sa asawa. At sinundan pa ito ng isa pang lingogo

Hindi na niya kaya. Ayaw na niyang magpatuloy sila ng ganoon. Kaya kinausap niya si Kuya Austen at Ate Lenny na magpapahatid siya sa Maynila kung hindi talaga makakapunta si Neil sa Bagitan. Kung nasaan ang asawa, naroon dapat siya. Pumayag naman ang mag-asawa.

Kahit na hapon na ay pumunta na sila sa Maynila. Ang ibig sabihin sa "sila" ay kasama niya ang Kuya Austen niya at ang asawa nito. Inihatid lang nila ito sa Maynila at uuwi rin kaagad sa Bagitan. Bahala na si Ceila na puntahan ang asawa. Hiniling niyang huwag na siyang samahan pa ni Kuya Austen at bumalik na ito sa Bagitan.

Umuwi muna si Celia sa kanilang tirahan sa Maynila. Gabi na nang makarating siya sa kanilang tirahan. Inayos niya muna ang mga dalang gamit. Nagluto narin siya nang paboritong ulam ni Neil dahil pupuntahan niya ito mamaya. Alam naman niya kung saan ang nasabing address kung saan ito nagtratrabagho ngayon.

Pagkatapos na nagbaon si Celia ng kakainin ng asawa ay agad nitong pinuntahan si Neil. Kaya kahit malalim na ang gabi ay tinatawagan pa rin niya si Neil. Gusto niya na alam ng asawa na dumating siya at pupuntahan ito. Ayaw niyang sumulpot na lang bigla. Mula nang dumating sila sa Maynila ay tinatawagan na niya ito pero hindi ito sumasagot. Nagsisimula na siyang matakot.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon