Chapter 8

18 8 0
                                    

PAGBALIK sa Maynila, sa bahay nina Neil tumigil sina Celia at Neil. Mahabang paliwanagan ang nangyari bago nila napapayag ang mga kapatid na umalis sila sa Bagitan. Nangako sila na uuwi tuwing ikalawang weekend. Ibig sabihin, dalawang beses sa isang buwan ay uuwi sila sa Bagitan.

Hindi alam ni Celia kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil pagbalik nila, may trabaho agad si Neil. Nag-a-apply na pala ito through online kahit pa noong nasa Bagitan na sila.

Sa loob ng isang lingo, may routine sila na nabuo. Maghapon na nasa bahay lang sis Celia. Hindi siya tatanggapin kahit na saan dahil buntis siya. Ilang buwan na lang kasi, kailangan niyang mag-maternity leave. Ibig sabihin, makakapag-apply lang siya kapag nakapanganak na. Pero hindi rin niya magagawa dahil mas gusto niyang maging hands on sap ag-aalaga sa anak nil ani Neil.

Pero nakakainip na mag-isa lang siya sa bahay. Tinatawagan niya ang mga pinsan pero hindi naman puwede na maghapon silang magkakausap. May trabaho rin ang mga ito. At dahil nga walang ginagawa kundi ang hintayin ang pagdating ng asawa, nabasa na niya ang halos lahat ng mga libro ni Lenny.

Pagdating ni Neil sa hapon, nakapagluto na siya at sabay silang magdi-dinner. Manonood sila ng TV hanggang sa antukin sila. Sa umaga naman ay nauunang gumising si Neil. Ang asawa ang nagluluto ng breakfast at gigisingin siya para sabay na sila.

Sa pangalawang lingo, hindi na kinaya ni Celia ang pagkainip at pag-iisa sa bahay. Nag-enroll siya sa isang exercise center para sa mga buntis. Tatlong beses sa isang lingo ang session. Nag-send na rin siya ng resume para sa mga editorial positions na puwedeng sa bahay magtrabaho.

Sinabi niya kay Neil ang lahat ng iyon. Payag naman ito sa mga ginagawa niya.

Pagsapit sa pangalawang Biyernes nila, excited na si Celia dahil uuwi sila sa Bagitan. Inayos na niya ang mga gamit na dadalhin nila kahapon pa. Ngayong hapon din sila magbibiyahe pag-uwi ni Neil para halos dalawang araw silang mag-i-stay sa Bagitan. Kausap din niya si Lenny sa phone at sinabi nito na puwede silang sumabay sa pinsang si Jeanne na pabalik na bukas sa Bagitan. Pero kung bukas pa si Jeanne bibiyahe papunta ng Bagitan, isang araw lang silang mag-i-stay dahil mahabang ooras ang gugugulin nila sa biyahe.

Hindi namalayan ni Celia na nakatulugan na niya ang paghihintay kay Neil. Nagising na lang siya sa mga haplos sa kaniyang mukha. Nang idilat ang mga mata, ang asawa ang kaniyang nakita.

"Hi," bati nito.

"Hi, yourself," humihikab na sagot niya. "Sorry, nakatulog pala ako."

Nang bumangon, naupo sa tabi niya si Neil. He kissed her forehead.

"Sorry, love. Medyo ginabi na ako."

"Gabi na?" Napakurap siya. Nang tingnan ang wall clock ay napanganga na lang siya. Alas-onse na ng gabi. "Kadarating mo lang?"

"Oo. Sorry. Medyo maraming trabaho sa office."

Napatitig si Celia kay Neil. Maluwag na ang tie na sugot nito. Medyo gusot din a ng buhok at ang suot na polo. Mukhang pagod na talaga ang asawa. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok nito.

"Magluluto ako. Ano'ng gusto mong kanin?" Dahil akala niya, maaga ito kaya hindi na siya nagluto. Bibili na lang sana sila ng pagkain bago sumakay ng bus.

"Nag-take out ako ng pagkain. Ikaw ang mas dapat na kumain dahil sa baby natin," hinawakan ng asawa ang tiyan niya. "I'm really sorry."

"Nag-merienda naman ako kanina," sagot niya. Sumandal siya sa balikat ni Neil. She was instantly surrounded by his scent. She inhaled deeply.

"Paano 'yan? Eh, di bukas na tayo magbibiyahe pauwi sa Bagitan?"

Hindi sumagot ang asawa niya.

"Bakit? May problem aba?" nag-aalalang tanong niya.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon