Chapter 2

62 26 13
                                    


Present

OPEN ang rooftop ng ipinagawang bahay ng mag-asawang sina Jessa at Sed. May mga lounge chair doon kung saan nakahiga ang magpipinsan. Si Jessa ang nasa pinakadulo mula sa kanan. Katabi nito si Feya. Kasunod nito si Celine na katabi naman si Glen.

"May isang oras na ba tayo rito? Tanong ni Feya habang umiinom ng juice. Naka-tank top ito at shorts.

"Wag kang mag-alala. Hindi pa rin nagbabago ang kulay mo." Si Jessa iyon. "Kaya tayo nandito para magpatan. Ni wala pa nga tayong kalahating oras." One-piece bathing suit ang suot nito habang nagbabasa ng libro.

"Tan na ako," sabi ni Glen. "Sinamahan ko lang talaga kayo." Naka-tube at shorts naman ang babae. Hawak nito ang tablet at may tinitingnan din sa internet.

"Sa totoo lang, kayo lang talaga ang magiging tan. Pagkatapos nating magbilad sa araw, ako, negrita na," matabang komento ni Celine. Spaghetti-strapped na blouse at cotton shorts naman ang suot niya. Siya ang pinakamorena sa kanilang apat.

Nagba-browse si Celine sa cell phone nang mga sandalling iyon. Tumitingin siya ng flower arrangement sa Google. Nagplaplano na rin kasi si Jessa na magtayo ng Flower Shop sa Baguio. Sa tingin niya, magandang ideya iyon.

Lahat ng tatlong kasama niya ay may mga asawa na. Ang asawa ni Jessa ay si Sedrick na kaibigan ni Lenny na hipag ni Celine. Pero wala pang anak ang mga ito. Si Feya ay may asawa na rin—si Brent. May farm sa Cordillera ang asawa nito pero madalas si Feya sa Bagitan, Si Glen naman ay kasal na sa pinsan niyang si Jonas. Hindi pa rin nagkaka-baby ang mga ito.

Sa kanilang apat, Si Celine ang walang asawa. Actually, sa kanilang lahat na magpipinsan, siya lang ang single. Kung hindi man may asawa, engaged na ang lahat. Ironic dahil siya ang unang nag-asawa sa kanila. Mas nauna pa nga siya sa panganay na kapatid na si Kuya Austen. Pero siya ngayon ang nag-iisa. Kung hindi lang sana nawala ang...

Don't ever go there, Celia.

"Saan ba mas magandang pumunta? Sa Japan or sa Korea?" tanong ni Glen.

"Bakit?" tanong ni Celia. Sa lahat ng taga-Bagitan na hindi nila kamag-anak, si Glen ang pinakamalapit sa kanilang magpipinsan. Ang babae ang una niyang naging kaibigan sa Bagitan.

"Magbabakasyon kasi kami ni Jonas. Mga two weeks daw. Gusto na kasi naming magka-baby."

"Kailangan talaga sa ibang bansa pa gagawa ng baby?" Hinubad ni Jessa ang shades a t ibinaba ang hawak na libro. Nakaarko ang mga kilay nito.

Natawa sina Glen at Feya kaya nakita na rin si Celia.

"Bakasyon na rin kasi naming. Never pa kaming lumabas ng bansa mula nang magpakasal kami. Ayaw naman niya sa US o kahit sa Eropean countries."

"Sa Japan na lang," suhestiyon ni Celia. "Spring ngayon sa Japan kaya maganda."

"Spring din naman yata sa Korea," giit naman ni Feya. "Pero kahit alin do'n ay okay naman."

Tumango-tango si Glen. Ipinagpatuloy nito ang pagbo-browse sa tablet.

Eight thirty pa lang ng umaga kaya hindi ganoon katingkad ang sikat ng araw. Napakaganda ng asul na langit na nakakalatan ng mga ulap.

Hanga si Celia sa mga tao na kayang mag-imagine ng kung ano-anong bagay sa ulap. Wala naman kasi siyang nakikitang korte. Cotton candy—iyon na ang best na kaya niyang imagine-in sa mga ulap.

Bihira ang ganoong panahon sa Bagitan kaya sinasamantala na nila. Kung hindi maulan kasi, maulap naman. Pumikit siya at malayang dinama sa mukha ang init na dala ng araw.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon