CHAPTER 14

13 3 0
                                    

NAPABANGON si Neil dahil sa gulat sa narinig na sigawan. Gising na siya may isang oras na pero hindi pa bumabangon. May mga iniisip lang siya. Pero dahil sa mga ingay na naririnig, umalis na siya nang tuluyan sa kama at lumabas ng kuwarto. Habang naglalakad sa pasilyo, muntik pa niyang makabangga si Ate Lenny.

Pangatlong araw na niya sa bahay ng mga ito pero ngayon lang sila nagkita. Pero parang hindi naman siya nakita ng kapatid dahil hindi siya tiningnan nito. Tuloy-tuloy ito sa pagbaba ng hagdan na may dalang isang malaking lagguage na hirap nitong buhatin. Nang makita si Austen ay sinalubongn iya ang bayaw.

"Ano ang—"

Binunggo lang siya ng lalaki sa balikat at nilagpasan na parang hindi nito nakita. Mukhang sinusundan nito si Ate Lenny.

Sinundan ng tingin ni Neil ang mag-asawa. Tumigil ang dalawa nang malapit na sa pinakaibaba ng hagdan.

"Ni ayaw mong sabihin sa akin kung ano ba talaga ang problema. ''Tapos, aalis ka? Huwag ka ngang selfish, Lenny!" Ang malakas na boses ni Austen ang nag-e-echo sa buong bahay.

"Kahit sabihin ko sa'yo, hindi mor in naman maiintindihan. Kaya bakit pa? Aalis ako. Pabayaan mo na ako."

"Paano ang mga bata? Iiwan mon a lang sila?"

"Hindi ka naman papaya na isama ko sila, 'di ba?"

Halos masabunutan n ani Austen ang sarili.

Kahit na medyo malayo sa mag-asawa, ramdam ni Neil ang pafhihirap ng kalooban ng bayaw. Hindi rin niya maintindihan kung bakit biglang aalis na lang ang kapatid.

"Fine. Bahala ka. Tutal, wala naman yata ako masasabi para mag-stay ka. Umalis ka kung iyan ang makakapagpasaya sa'yo."

Tumalikod na si Austen at umakyat ng hagdan. Dinaanan lang siya nito at hindi tiningnan.

Pero si Ate Lenny ay nakasunod ng tingin kay Austen. Nang mawala nan ang tuluyan si Austen, tumalikod na ang kapatid niya at mukhang aalis na talaga.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Neil. Hinabol niya si Ate Lenny. Naabutan niya ito na kalalabas pa lang ng pinto.

Pinigilan niya ang kapatid sa braso. "Ano'ng ginagawa mong ito, Ate? Bakit ka aalis?"

Pilit na iniiwas ni Ate Lenny ang mukha pero nakita na niya ang kislap ng luha sa mga mat anito. Obvious naman na nasasaktan ito.

"Uuwi ako sa atin," sagot ni at iniiwas ang braso saka pilit na kinaladkad ang luggage.

"Ate, dito ka na nakatira. Ito na ang bahay mo ngayon. Hindi ka uuwi. Kailangan ka ng mga bata," pilit niyang inaagaw ang luggage pero mahigpit ang kapit nito.

"Hindi mo naiintindihan, Neil. Huwag ka na lang makialam."

Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Ate Lenny at tuloy sa paglalakad.

Patuloy rin sa pagsunod si Neil. Naglalakad na sila sa gilid ng daan habang hila-hila ni Lenny ang luggage.

"Oo, wala akong naiintindihan. Pero makikialam pa rin ako." Pagkatapos ng mga nangyari kahapon nang kasama niya ang dalawang pamangkin ay hindi puwedeng hindi siya makialam.

Hindi puwedeng masira ang pamilya ng mga ito. Damn it if they would be like him and Celia.

Humarang siya sa dadaanan ni Ate Lenny. Tinitigan niya nang deretso sa mga mata ang kapatid. "You don't want to do this. Trust me, Ate Lenny. Buong buhay mong pagsisisihan 'to kapag ipinagpatuloy mo. You would wake up each damn day thinking if things would turn out different if you didn't do what you're doing right now. 'Wag mong gawin ito, Ate. Please... think about the kids."

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon