Chapter 3

44 26 8
                                    

NASA huling taon na sa college si Celia sa kursong AB Literature. Hindi siya gusting payagan ng kaniyang Kuya Austen na lumayo. Sa Benguet nakabase ang kapatid kaya ang gusto nito ay sa Baguio lang siya mag-aral. Sinubukan naman niya. Isang taon din siyang nag-aral doon. Pero hindi talaga siya masaya. Kaya pinayagan na rin siya nito. Basta mangako siya na pagka-graduate, hindi niya gugustuhin na doon na sa Maynila tumira. Babalik siya sa Bagitan.

Walang problema sa kaniya. She would not trade Bagitan for any place in this world. Until a few weeks ago...

She met a guy named Neilson Gryfton.

Marami na siyang nakilalang lalaki sa tatlong taon na paninirahan sa Maynila. May mga sumubok na ligawan siya. Lumabas at nakipag-date siya sa ilan. Pero wala talagang nakakuha ng kaniyang atensiyon para gustuhin niyang makipagrelasiyon.

Pero iba itong nakilala niyang lalaki. Iba si Neilson. Nang pumayag siyang mag-lunch kasama ito, lakas-loob nitong hiningi ang cell phone number niya. Ibinigay naman niya ang hinihinging cell phone number. Pero hindi niya basta ibinigay, siyempre. Pero siya ang nagbayad ng lunch nila...

"Nakalimutan kong bumalik sa loob ng bangko," nahihiyang sabi ni Neilson.

Namumula ang mga tainga ng lalaki. Halatang-halata na nahihiya dahil si Celia ang nagbayad ng kinain nila.

"Okay lang, walang kaso 'yon."

"No," tanggi nito na sinamahan pa ng pag-iling. "Hindi okay 'yon."

Tumaas ang isang kilay niya at napahalukipkip siya. "Dahil ba sa babae ako kaya hindi ako dapat ang magbayad?" Kung ganoon ang pananaw nito, hindi niya gusto iyon.

"Hindi 'yon. Ako dapat ang magbayad kasi ako ang nagyaya sa'yo. 'Di ba gano'n naman dapat? If you insist on having lunch or coffee or whatever with someone, you must be the one to pay. Ganito na lang. Sumama ka muna sa akin pabalik sa bangko para mabayaran kita."

"No. Okay lang talaga," giit niya.

"Eh, kung ganito na lang. May utang akong lunch sa'yo," sabi naman nito.

"O... kay. Ibig mo bang sabihin, parang sinasabi mo na magla-lunch uli tayo sa ibang araw?" tanong niya na umangat ang isang sulok ng mga labi.

He smiled shyly. "Yes. So you have to give me your phone number. Para ma-text kita or matawagan sakaling may free time tayo na maglunch uli."

Namaywang siya. "Sinadya mo ba 'to? Na iwan ang wallet mo sa bangko para sumama uli ako sa'yo na maglunch?"

"Of course not!" tanggi niya dito. "Pero ngayong sinabi mo na 'yan, sa tingin ko, nangyari 'to para magkita pa uli tayo. At para ibigay mo sakin ang phone number mo. Please?"

So she gave him her digits.

Kakasakay pa lang niya ng taxi ay nag-text na agad ang lalaki at nagpakilala itong Neilson. Siyempre, sinave niya ang number nito. At mula rin noon, nangte-text na sila sa isa't isa. Binabati siya ng "good morning" at "goodnight."

Isang lingo na silang magka-text at madalang din na magtawagan kapag may bakanteng oras. They talked about random things. And then there was this game Neilson proposed.

Kiss. Marry. Kill.

Bigla na lang itong magte-text kahit anong oras tuwing umamga. Tawang-tawa siya sa unang tanong nito.

Adam Levine, Usher, Blake Shelton

Ang sagot niya?

Kiss. Marry. Kill.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon