Chapter 5

32 20 5
                                    

Six years ago

"NAKANGITI ka na. Ikaw na ba uli ang Celia ko?"

Natatawang kinurot ni Celia si Neil sa tiyan.

"Aray!" daing nito.

"Ano ba sa palagay mo ang nangyari? Naging alien ako?"

Ikiniskis ng kaniyang boyfriend ang mukha sa braso niya. "Okay ka na ba talaga? Maayos na ang pakiramdam mo?" sa halip ay tanong nito.

Tumaligid si Celia para magkaharap sila nang husto. Nakahiga sila sa kama at doon natulog si Neil. 'Neil' na ang tawag niya sa boyfriend niya para hindi mahirapang banggitin ang mahabang ngalan nito.

May period siya kaya nitong nakaraang mga araw, masama ang pakiramdam niya at masungit sa boyfriend. Pero nakasanayan na ni Neil na inaalagaan siya kapag masama ang pakiramdam niya. Nakasanayan na rin niya pina-pamper at ini-spoil nito.

Siyam na buwan na ang nakalipas mula nang maging official couple sila. Dalawang buwan na lang halos at ga-graduate na siya.

Sa nakalipas na siyam na buwan, naging napakasaya nila. Sa lahat kasi ng kaniyang desisyon sa buhay, ang tanggapin at mahalin si Neil ang pinakatama sa lahat. Ang kulang lang siguro sa relasyon nila ay hindi pa siya naipakikilala ng boyfriend sa kapatid nitong babae. Si Neil man ay hindi pa rin niya naipakikilala sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang Kuya Austen.

Humahanap lang daw ng tiyempo si Neil. Medyo mahigpit daw kasi ang ate nito at hanggang ngayon, baby pa rin ang tingin sa boyfriend niya. Naiintindihan niya dahil naikuwento na ng lalaki ang nangyari sa mga magulang nito at kung paano na ang kapatid na si Ate Lenny lang ang nagtaguyod dito. Halos pareho sila—dahil ang Kuya Austen na land din niya ang pinakamalapit niyang kapamilya. Pero at least, marami naman siyang kamag-anak. Pero si Neil at ang kapatid nito ay talagang nagsosolo lang.

Hindi nagde-demand si Celia ng kahit ano sa boyfriend. Kontento siya sa lahat ng ibinibigay nito. Dahil ang pinakamahalagang bagay ang laging ibinibigay ni Neil sa kaniya—ay ang oras nito. 'Yon lang ay sapat na para sa kaniya.

Dalawang araw na mula nang matapos ang period niya kaya okay na talaga siya.

Ngumite siya habang hinahaplos ng mga daliri ang mga labi ng boyfriend. "Mukha bang hindi pa ako okay?"

He bit her thumb. Dahil doon, lumabas ang dimples nito. Dinutdot niya ng daliri ang malalim na ukab. She was always fascinated by his handsome face.

"Matt Damon, Jim Carrey, Neilson Gryfton," biglang tanong ni Neil.

"Well.." Pinanggigilan niya ang mga magkabilang pisnge nito at pinisil. "Kill Matt Damon, Kill Jim Carrey, and then kiss Neilson Gryfton."

She did kiss him. He took her time exploring the curves and crevices of his mouth. Pinaghiwalay lang niya ang mga labi nila nang pakiramdam ay wala nang hangin sa baga.

"...and marry him."

Napapikit pa rin ang lalaki pero nakangiti. "That's not how the game works."

Pinaglandas uli ni Celia ang mga mata sa buong mukha ni Neil. May prominenteng peklat ang boyfriend sa kanang pisngi. Hindi iyon mapapansin kung hindi ito tititigan nang Mabuti dahil sobrang puti ng balat nito. And then, there was this tiny mole on his neck. Mayroon din siya. At napansin niya na may bakas pa rin ng pasa ang leeg ni Neil.

Napangiwi siya. Kinagat kasi niya ang boyfriend noong unang gabi ng kaniyang period. Dahil sa pinagsamang sakit at pagkainis ay wala siyang mapagbalingan. Monster talaga siya kapag masama ang pakiramdam. Pero hindi pa rin napipikon o nagagalit ang boyfriend niya sa kaniya.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon