Chapter 10

13 7 0
                                    

Present

BIGLANG nagising si Neilson dahil sa amoy na parang may nasusunog. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo palabas ng kuwarto. Parang sa kusina nanggagaling ang amoy kaya tumakbo siya papunta roon. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya.

Napatigil siya sa bungad ng kusina nang makita kung sino ang naroon. She was standing there. Umuubo ito habang pinapaypayan ang kawali na umuusok.

"Hey, ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Neilson bago dali-daling lumapit.

Patay na ang stove pero umuusok pa rin ang nasusunog na kawali. Hindi niya malaman kung ano ang nakalagay roon dahil nasunog nan ang husto.

"Sorry, babe. Ipagluluto sana kita ng breakfast. Kaso, nasunog. Medyo napalakas ang apoy," nakangiwing paliwanag ni Sylvie.

Napailing na lang si Neilson habang nakatangin sa babae. Si Sylvie Andres ang girlfriend niya—halos isang taon na. Well, hindi isang taong ang relasyon nila. Hindi siya sigurado. Pero mahigit sa isang taon na silang magkakilala. May susi na nga ang girlfriend sa kaniyang condo unit. Kaya kahit anong oras na gustuhin, nakakapasok ito roon. Gaya na lang ngayon.

Kinuha ni Neilson ang kawali at isinalin sa plato ang laman niyon. "Hindi mo naman ako kailangang ipagluto. What is it anyway? Medyo hindi ko na kasi ma-recoggnize."

"Omelet," nakalabing sagot ni Sylvie. "Tumalikod lang naman ako sandal kasi aayusin ko naman 'yong para sa firend rice. 'Tapos nasunog na agad."

"It's okay." Hinawakan niya ito sa braso. "Akon a lang ang magluluto."

"Eh, kung mag-order na lang tayo? O kaya naman lumabas na lang tayo?"

"May pasok ako," sagot niya.

"Neilson, Sunday ngayon," nakataas ang isang kilay na sabi nito.

"Ah... talaga?" Linggo ba talaga ngayon?

"Opo," natatawang sagot ng girlfriend. "Sa sobrang pagka-workaholic mo, hindi mon a alam kung ano'ng araw. 'Buti na lang talaga at may Sylvie ka. Eh, di sana pumasok ka ngayon, 'tapos makikita mon a sarado ang office n'yo. Tsk."

Natawa si Neilson.

"O, bakit ka tumatawa? Totoo naman. Hindi nga siguro ako magaling magluto. But at least. I'm good at reminding you. Bonus pa na maganda ako."

"Magbe-breakfast ba tayo o pupurihin mon a lang ang sarili mo?" Natatawa pa rin siya.

"Magbihis ka na." Itinulak siya ni Sylvie. "Maglilipit na ako rito."

Bago tuluyang makalabas ng kusina, nilingon ito ni Neilson. "Don't do it again, Syl. Huwag ka nang mag-practice. Okay lang naman kahit hindi ka marunong magluto. I won't break up with you."

Lumawak ang ngiti nito. "Okay. Sabi mo 'yan, ha?"

Pero alam niyang susubukan pa rin nitong magluto. Dahil makulit ang girlfriend.

Nagkakilala sila sa isang party halos isang taon na ang nakalilipas. Ipinakilala si Sylvie sa kaniya ng isang kaibigan. Hindi siya friendly sa babae noong umpisa—civil lang. Pero sobrang cheerful ng personality ni Sylvie. Bago magtapos ang party, natatawa na siya sa mga punch line ng babae. They became friends and then lovers, eventually.

Habang nagbibihis, tumunog ang cell phone ni Neilson na nakapatong sa ibabaw ng kama. Nang makita na ang bayaw na si Austen ang tumatawag, may kung anong pakiramdam ang bumalot sa kaniya. Hindi tumatawag ang lalaki sa kaniya. Kung tumawag man, dahil ang Ate Lenny niya ang gumagamit ng cell phone nito dahil low batt ang gamit ng kapatid.

Sinagot niya ang tawag. Malamang ang ate niya iyon. "Hello?"

"Neilson."

Pagkarinig sa boses ni Austen ay natigilan siya. Ang lalaki nga talaga.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon