2 - First confession

140K 2.6K 350
                                    

"Ey guys, anong gaawin natin? Arte ba tayo o tutula o kakanta?"

Eto nga pala ang buhay highschool, puro ganito. Puro oral presentations na nakakaumay ng mag isip ng tema.

Busy sila sa pag iisip. At dahil di namin goal ang mataas na marka, sinabi ng leader namin na mag impromptu na lang.

At ayun, nung sinabi nya yun, nagsimula na sila sa kwentuhan. Wala man lang binigay na plot sa'min.

Nung sinabi ng teacher naming we only have 5 minutes to discuss and plan, dun lamang sinabi sa'min ang aming mga roles. At ang nakuha ko? Ayun, naubusan lang naman ako! Ba't kasi napaka simple ko at hindi masyadong makakuha ng atensyon eh.

Tulad ng nangyayari ngayon, di ko man lang makuha yung atensyon ni "Classmate".

"Class, sa isang group, may gagawa ng narrative report. Kahit di na sya kasali sa oral presentation tutal sya na ang sa written."

Pagkasabing pagkasabi nun, alam ko na ang mangyayari sa'kin. Lagi naman eh, di pa ko nasanay.

"Ikaw na lang gumawa ng narrative report ng group natin. May cellphone ka ba na de-camera?"

Ano naman lagay nito sa'kin? Na amapoor? Hmp! Malas malas malas! Lahat na lang ng napupunta sa'kin, malas! Eh wala naman akong balat sa pwet ah!

"Meron" ngumiti pa ko na para bang ayos sa'kin na ako yung gagawa ng written report. Lagi namang napapatapat sa'kin yung ganun eh.

"At dun ka pwepwesto sa pagkuha ng pictures ah para hagip kami lahat."

Napatingin ako sa tinuturo nya. Kahit di pa nga ako nakatingin, kilig vibes na agad ang nararamdaman ko.

Ohmygod! Akala ko walang kwentang leader ito pero tingnan mo?! Sabi nya dun ako pumwesto sa lugar ni Kyle?! Seryoso?

"Ah okay"

Pinabalik na kami ng upuan matapos ang 5 minutes. Group 3 kami at kating kati na kong tumayo at magpicture! Ito na atang oral presentation na ito ang pinaka inabangan ko ng todo sa buong highschool life ko! Gagawin ko talaga yung written report mamaya din dahil sa tuwa ko!

Mamaya ay natapos na ang Group 2 at tinawag na kami ng teacher. Ohmygod, this is it!!!

Syempre, dahan dahan pa ko sa paglalakad pero ang tunay nyan, gusto ko ng tumakbo para makapunta dun sa pwestong gustong gusto kong pwestuhan! At last, makakapunta at lapit na ako kay "Classmate"!

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Ewan ko ba pero di ko talaga magawa. As in! Para nga akong nagprepresent din eh, dahil kinakabahan din ako!

Habang nagprepresent sila, sa kanila lang ako nakatingin. Di ko sya magawang tingnan kahit crush ko sya. Ewan ko ba, ayoko kasing malaman nyang crush ko sya. Tama ng si Kristel lang yung may alam.

Hanggang sa mag out of battery yung phone ko. Ohmygod! Parang sa tingin ko pwede na itong rason para kausapin sya!

Titingin pa lang ako SANA sa kanya ng marinig kong tapos na pala yung presentation namin. Awts kalungkot naman yun! Pero ayos na rin!

Syempre balik na ako sa upuan ko. Wala man lang kakilig kilig na nangyari. Pero kinikilig ako lalo na pag naaalala kong minsan sa aking buhay ay naging malapit ako kay "Classmate" tulad nung elementary.

- - -

"Uy Col.. Di ako makakasabay! Kase.. Si Francis.."

"Naku naman, nahiya pa ang loka! Sige, ayos lang ako! Ingat sa date nyo! Ayiee"

Ngumiti si Kristel sa'kin. Ngiting in love. Nakakatuwa naman at yung crush nya, crush rin sya.. Samantalang ako, nganga!

Hindi naman ako naiinggit. At lalong hindi ako yung taong dahil may boyfriend na yung kaibigan ay kailangan din ng kalandian. Alam naman nyang loyal ako kay "Classmate".

Naglalakad ako papalabas ng school ng makita ko sa may gitna ng daanan sina Kyle at si Niña, yung ka-MU nya. Nag uusap ata sila. Mabuti na lang at malaki yung daan kaya nakatungo akong dumaan sa may gilid.

At dahil nakatungo ako, may nabangga pala ako. At sa amoy ng uniporme nya, lalaki.

"Ah sorry" sabay hawak ko sa ulo ko.

"Di, ayos lang yun. Sinadya ko."

Tumingala ako. At nakita ko si Rui, yung Half-Japanese na nagtransfer last year sa school. Akmang aalis na ko ng hawakan nya yung braso ko.

"Uh.. Rui, yun yung pangalan ko."

Pakialam ko? Kilala ka po sa school! Teka? Lumalandi ba sya o assumera lang ako dahil wala pang lalaking lumandi sa'kin? At bakit kung saan malapit kay classmate?! Bakit??? <//3

"Pwedeng malaman ang pangalan mo?"

"H'wag mo ng alamin." sagot ko agad.

"Ahahahahaha!!! It's Coleen di ba?"

Tiningnan ko sya. Tumingin din ako sa blouse ko. Di ko naman suot yung ID ko ah? Paano nya nalaman?

"Ikaw yung crush ko, kaya kilala kita."

Medyo nag init mukha ko nun at tumibok ng mabilis yung puso ko. First time ko kasing makarinig ng ganun tapos malalaman ko pang may itsura yung nagsabi.

Pero siguro loyal nga ata talaga ako kay classmate at naglakad akong mabilis para makalabas na at agad na sumakay ng jeep ng makauwi na sa bahay. Tumulog agad ako at di ko inisip yun.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon