3 - First conversation

131K 2.5K 350
                                    

Hanggang sa magising na naman ako na naka-uniform at nakaupo na naman sa upuan kong malas sa pinaka-malas. Well I guess it's another boring day.

6:30 am pa. Di pa nagsisimula yung klase. Mga 12 lang kami ngayon sa room. At oo, kaya ako pumapasok ng maaga kahit 7 pa ang klase ay dahil maaga si classmate. Oo na, ako na ngang haling na makita sya!

Kinuha ko yung phone ko at naglaro. Wala naman kasing assignment na pwedeng magawa at lalong wala naman akong makausap dahil di naman karamihan ang nakakausap ko sa classroom.

349 na yung nahahati kong prutas dun sa larong Fruit Ninja. Tense na tense ako dahil isang maling slide ko sa screen ay matatamaan ko yung bomba.

May bigla nga lamang na kumulbit sa'kin sa likod kaya napa-slide yung kamay ko sa may bomba.

"@#%&!!!!" dahil undefined yung word na nasabi ko, hindi sya ma-recognized.

"Kainis ka naman Kristel ei!" inis kong sabi sabay lingon sa likod. Lagi naman kasing kukulbit-kulbit si Kristel e-----h

"Ay sorry, nagpapa-high score ka ata"

Teka.. Anong.. Date ngayon? Birthday ko ba? Bakit ako bigla kinausap ni classmate?! Explain it to me!!! Whyyyyyy?!!!!

O baka guni-guni ko lang? Pero kung guni-guni ko ito, bakit di pa sya naglalaho sa harap ko? At bakit tinititigan nya pa rin ako?!

"Uhh bakit?" sabi ko sa pinaka-normal kong paraan sabay lagay ng phone ko sa may bulsa ko.

"Ah.. Kasi ano, may gunting ka ba?"

"Gu.. Gunting?" di ko alam kung bakit ko inulit pero na-weird lang ako dahil ang layo ng pinunta nya para itanong kung may gunting ako.

Like, what was that?! O baka nag aassume na naman ako! Ba yan! Siguro walang may gunting kaya wala syang choice kundi lumapit sa'kin.

"Wala kasi e" sagot ko kasi alam ko namang di ako nagdadala ng gunting.

"Ah ganun ba. Sige.." sabi nya sabay balik sa upuan nya.

Syempre di ko sya hinabol ng tingin. Pero alam mo ba yung view ng mata na hagip buong lugar kahit di mo igalaw yung mata mo? Yun yung ginawa ko habang nkatingin sa screen ng cellphone ko.

Dali-dali akong pumunta sa "Calendar" app at gumawa ng event sa October 16 (Tuesday). At ang event name? "First convo with classmate".

Syempre di ko mapigilang mapangiti habang nilalagay ko sya. Yung pangarap ko, nangyari na! I'm so happiness talaga!

Wait? Happiness?

Mamaya ay unti unti ng nagkakatao sa room. Hanggang sa dumating na si Ma'am.

- - -

December 7

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon