50 - Patawad

44K 986 86
                                    

"Oi Coleen, linisin mo yung mga gamit mo dito sa kwarto mo! Itong mga bagong labang damit mo,  itago mo na sa cabinet. At bakit yang bouquet na yan ay nasa study table mo pa? Itapon mo na yan, sikip na sikip na nga yung kwarto mo eh kung anu-ano pa yung mga nakatambak d'yan" utos ni Mama sa'kin.

"Mama, yung Rilakkuma kong bear?" tanong ko habang tinatago sa cabinet yung mga bagong laba kong mga damit.

"Hanapin mo na d'yan!" sagot ni Mama sabay labas ng kwarto ko. Gabi ngayon at busy ang lahat sa paghahanda. Kung anong inihahanda? Meron kasing magbibirthday na pinsan ko at 18 na s'ya. Dito pa sa bahay namin yung ginawang venue dahil dating taga-dito.

Dahil tinatamad akong maglinis, sinara ko na lang yung pintuan ko at ini-lock ito. Patuloy naman ako sa paghahanap nung Rilakkumang binigay ni Kyle sa'kin. Nasa may ilalim lang pala ng kama. Sobrang dami tuloy n'yang alikabok kaya nilinis ko muna s'ya.

Matapos yon ay bumaba na ako para kumain. Tinanong naman ako ni Mama kung malinis na ba ang kwarto ko. Sinabi ko namang 50% kahit 1% pa lang. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig para uminom.

"Uy Jen, sorry na.." narinig kong sabi ng isa kong pinsan kay Jen (na pinsan ko rin). Hindi naman s'ya pinansin ni Jen. "Uy Jen, sorry na kasi.. sorry na" ulit pa nung pinsan ko.

Dahil mukhang hindi tinatanggap ni Jen yung mga sorry nung pinsan ko, pumunta na lamang s'ya sa labas ng bahay. Ako naman, nilapitan ko si Jen at tinanong ko kung anong nangyari. "Sinira po n'ya laruan ko!" pagsusumbong n'ya. Napatawa naman ako sa sinabi n'ya.

Sana bata na lang ako ulit ako.. batang walang pakialam sa pag-ibig. Batang handang mag 'sorry' ng paulit ulit hanggang sa magbati ulit ng naging ka-tampuhan ko. Sigh.. Madali pala talaga pag bata ka pa.. pero pag pumasok ka na sa estado ng buhay mo na nagmahal ka.. sobrang hirap.. lalo na kung pinaiiral ang pride.

Siguro nasa akin na din yung problema.

Bumalik na lang ako ng kwarto ko, sinilip yung screen ng phone ko at humiga na sa kama. Nakatingin lang ako sa kawalan ng mapukaw ng aking tingin ang bouquet ng bulaklak na nasa may mesa na para bang may papel na nakasingit. Tumayo ako at lumapit dun sa bulaklak. At oo, may papel ngang nakatiklop kaya agad kong kinuha.

"Hello Coleen! Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na mahal kita. Hindi ko alam ang iyong rason kung bakit hindi ka na nagpapakita sa akin. May nagawa ba akong masama? Kung meron man, patawad. Sana mamaya, mabasa mo na yung mensahe ko sa iyo sa facebook. Mukhang hindi mo pa s'ya nababasa. Nilagay ko doon ang aking bagong numero. Niloob kasi kami ng mga magnanakaw noong May 2 at natangay nila ang mga alahas, laptops at cellphones namin. Hindi ko lang alam kung bakit kapag tinatawagan ko ang aking dating numero ay nag-riring pero walang sumasagot. Nasaksak naman ang aking ama ng magising s'ya nung gabi ding iyon dahil iihi s'ya. Sa kasamaang palad hindi s'ya nakaabot sa hosptital. Masyado raw maraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi ko na nasabi pa ito sa'yo dahil ayokong maging pabigat pa at hindi kita ma-contact. Humihingi ulit ako ng tawad kung may nagawa man akong mali. Mahal kita, Coleen. ~ Kyle."

Humihingi s'ya ng tawad kahit ako dapat yung magsabi nun.. nakakainis ka Coleen! Bakit kasi yung sarili mo lang yung iniisip mo? Sorry Kyle kung nagduda ako :(

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon