21 - The precious bangs

97.4K 1.7K 180
                                    

"Classmate"

Napatingin ako kay Kyle.

"Practice tayo?" alok nya.

"Uhm okay" sagot ko.

Lumapit ako sa kanya.

Uwaaa! Parang nung inalok nya ako eh parang ganun din, (SANA) malaking sana, yung pagkakasabi para sa "Let's dance?" sa prom. Pero sige na nga! Charot lang yon. As if!

"Kaw na yung kumanta para may timing ah" sabi nya.

"Ah sige" sagot ko naman.

"1, 2.. 3" pagbibilang nya.

Nagsimula na syang magpa-cute. Ako naman, nagsimula na ring magpa-cute habang kumakanta.

"I'm a Barbie Girl! In a Barbie World~ Life a plastic, it's fantastic! You can brush my hair---"

Nawalan ako sa konsentrasyon ng hawakan ni Kyle yung bangs ko at saka inayos. Kaya yung lyrics eh medyo naging undefined.

"Narerene ne-ne-ne nenene ne-ne nenenenenenene.."

Napansin kong napatawa sya.

"Ganun na lang gawin natin ah" sabi nya.

"Ah okay" sagot ko.

Umupo muna kami sa may bakanteng upuan sa may gym. Pinapanuod 'namin' yung nagsasayaw.

Parang nanunuod lang ng sine! Pero syempre, malaking charot lang ulit iyun!

Mamaya eh nalaman na lamang namin na nagmumura na yung D.I. namin. Di ata makuha ng mga nasa 3rd part yung steps na naituro na kanina tapos di daw sabay sabay.

At ayun, hanggang mag 7pm na't sinabing uwian na. Practice-in daw sa bahay yung tinuro. Oks!!!

Pra-practice-in ko talaga ang pagpapa-cute! Kaka-reerin ko na yun! Humanda ka salamin!

- - -

"Ey Coleen!!! Sa February pa pala labas ng UPCAT results!" bungad nya sa'kin.

Thursday na! Mamaya.. February na! Speaking of February, sa Friday ay February 1. Tapos may Computer time! Yahoooo!

"Onga daw" sabi ko habang busy sa pagbubukas sa Piattos.

Tapos sa February 14.. Masasaktan ako. Charot! De! General Practice yun ng Parents' Day! Pero.. Baka nga masaktan ako don. Aray! (Agad na?!)

Mamaya ay hinigit ni Kristel yung Piattos mula sa'kin. Syempre napatingin ako ng masama dahil kinuha yung pagkain ko!

"Uy! Kayo ah! Ni "Classmate" mo! Kahapon! Uyyyy" ngi-ngisi ngisi nyang sabi sa'kin.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon