23 - Right or Wrong?

95.7K 1.8K 172
                                    

"Coleen! Anyare? Ansabi ng principal?" bungad ni Kristel sa'kin nung pumasok ako ng room.

"Uhm.. Lunch na?" tanong ko.

"Oo! Tara!" sabi nya sabay hila sa'kin papuntang canteen.

Habang kumakain naman kami eh kinuwento ko yung nangyari. Dinetalye ko lahat lahat.

"Edi.. Kung naitulay mo sya kay J.. Posibleng maging kayo ni K?" sabi ni Kristel na parang iniisip na ang mangyayari.

Napakamot ako sa ulo.

"Uhm, hindi ba't napaka-pangit namang tingnan kung itutulay ko si N kay J? Like.. Hello? Aware ako't di ako manhid na may gusto sa'kin si J pero! Pero di ba.. Uhh, kahit san papuntahin eh.. Mali yun?" sabi ko.

"Well.. Lahat ng tao gusto sumaya?" sabi nya naman sa'kin.

"Pero hindi ba't hindi masayang manakit ng damdamin? Paano kung masaktan sya kung nalaman nya to?" sabi ko naman.

"Takot ka bang saktan sya o natatakot kang masaktan dahil mahal mo na si J?" sabi nya.

"Ha? Hindi ah. Alam ko yung nararamdaman para kay J at kaibigan lang" sabi ko naman.

Napakunot naman ng noo si Kristel habang nag iisip.

"Try mo na lang?" sabi nya.

"Pero----"

"Ang problema kasi sa'yo Coleen," panimula nya.

"Plastic ka" dagdag nya bago tumunog ang bell.

"..." well, totoo naman.. So..

"Tanda mo di ba? Yan yung dahilan ng pag aaway natin noon? Dahil sa ugali mong yan" sabi nya.

"Ba't di mo kayang tumanggi?" sabi pa nya.

"Di mo nakilala ang dating ako, Kristel" sabi ko ng mahina noong nagtatayuan na yung mga tao sa canteen nung tumunog ang bell.

"Bakit? Ano ba ang dating ikaw?" seryosong tanong nya.

At tuluyan ng nag alisan ang mga tao sa canteen kaya hinila na rin ako ni Kristel para bumalik ng classroom.

"Time na!" sabi ko na may pag ngiti pa.

"Pero sige, kung gusto mong gawin yang pagtulay mo kay N kay J, gawin mo" sabi nya bago kami nagkahiwalay dahil iba yung direksyon kung san ang upuan nya.

Sige, pag-iisipan ko.

- - -

"Yosh! Una na ko!" sabi ni Kristel habang bitbit-bitbit nya yung bag nya at saka tinapik ang balikat ko.

"Geh!" sabi ko sa kanya sabay ayos ng gamit ko.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon