43 - The difference between...

55.3K 1K 138
                                    

"Atienza, Kyle Bernardo" tawag ni Ma'am kung kaya ay umakyat na ng stage si Kyle.

Kinuha nya na yung diploma at saka pumunta sa may gitna para gawin yung paglipat nung tali sa kabilang side.

Tinitigan ko syang mabuti pero hindi nya ako tiningnan. Kasalanan ko talaga to! Puh-teq naman kasi Coleen!!!

Sinubukan ko syang habulin kanina nung umalis sya papalayo pero hindi ko sya naabutan. Sinampal ko man si Jonas ng napakalakas ay balewala yun.. Ba't kasi ako nadala sa huling mensahe ni Jonas sa'kin?! Nakakainis talaga punyems!!! Kung pwede lang sumigaw ng mura dito, nagawa ko na kanina pa @#%&!!!

Yan tuloy, di ko na sya naimbita.. Di nya na din ako pinapansin.. Yung sabi nyang sabay kami uuwi, di na rin nangyari.. Mamaya pa'y mag hihiwalay na din kami tapos.. Magiging mag classmate na lang ulit kami..?!

Pero, onga pala, wala na! Wala na kaming relasyon kahit mag kaklase! Wala na! Punyems naman kasi talaga Coleen!!! Nakakainis ka!!! @#%& ugh! Naiiyak na ko!!! Amp! Di!!! Di pwede!!! Mahahalata ako nina Mama! @#%& Ayoko naaaa gusto ko ng umuwi..

"Coleen?"

Naramdaman ko ang haplos ng kay ni Kristel sa may likod ko habang nakatungo ako at mabilis na pinapahid yung mga luha ko. Ugh! Wag ka ngang mahina Coleen! @#%&!!! Putek naman!!! Ang sakit naman kasing isipin na ako pa itong malakas ang loob na gumawa non! Eh kung iisipin, si Kyle pa nga itong gumagawa ng lahat para iwasan yung mga babaeng lumalapit sa kanya tapos ako? Ayun?! Pumayag magpahalik? @#%& Ba't ganito ang graduation ko?! Parang ayoko na!!! Tae ka kasi Coleen..

"Ey Coleen, tama na.. Ba't ka ba naiyak? Ano bang nangyari?" tanong ni Kristel.

Pinigilan ko yung hikbi ko at saka sya sinagot,

"Mukhang malaki ang posibilidad na.. Maghihiwalay kami.." humihikbi kong sabi habang kinukusot yung mata.

"Kasalanan ko naman kasi! Ang t@nga t@nga ko kasi!" dagdag ko pa.

Hinahaplos lang ako ni Kristel hanggang sa pinilit kong tumahan dahil baka may makapansin pa. Tutal malapit na rin kaming pumila.. Pero hindi ko talaga @#%&!!! T@nga talaga Coleen!!!

Mamaya pa'y nakuha na namin yung diploma ko. At nagpicture picture.. Pero mabilis din namang natapos dahil lahat daw ng kuha ko ay puro nakasimangot o yung bang parang wala sa mood.. Kaya umuwi na rin kami.

Pagkauwi ay rinig na rinig ko ang mga hiyawan ng takbuhan ng mga pinsan ko at kantahan ng mga tito at tita ko pero dumiretso ako sa kwarto at natulog na lang. Ni-locked ko yung pinto pero dahil may duplicate ay nabuksan rin naman nila. Kinausap ako ng sandali ni Mama hanggang sa sarhan nya ulit yung pinto kaya pinikit ko na lang mata ko at natulog.

Humihiling ako na sana makatulog ako pero hindi iyon nangyari. Biglang pumasok sa isip ko yung pag iwas ni Kyle sa'kin nung graduation kaya nalaman ko na lang na basang basa na yung kumot at unan ko sa kakaiyak.

2am na nung tumigil ako sa pag-iyak hanggang sa nalaman ko na lang na umaga na.

Pinilit kong imulat yung mata kong napakahapdi at pinilit na bumangon para kumain. Tahimik lang naman si Mama habang kumakain ako. Wala na rin yung mga bisita, yung tent at yung videoke sa may labas. Tanging yung tarpaulin na lamang ang naroroon. Nakita ko tuloy yung salitang 'boyfriend' kaya inalis ko agad yung tingin ko don at saka umakyat ulit sa kwarto para tingnan yung cellphone ko.

Umaasa ako na magparamdam man lang sya sa'kin pero wala akong ibang mensaheng natanggap kundi mga GMs ng mga kakase ko na nagpapasalamat sa lahat dahil na-enjoy raw nila yung highschool nila dahil sa'min.

At speaking of GMs ng mga kakla.. se..

Nakaramdam na naman ako na parang tutulo na naman yung mga luha ko kaya tumingala agad ako para di mangyari.

Pero kahit tumingala ako, wala ring nangyari dahil mabilis itong lumbas mula sa mga mata ko at walang kahit sinumang makakapigil rito.

Wala ng pag-asa.. Malabo ng maging kami ulit.. Kahit sino atang makakita ng ganun, walang magpapatawad. Dahil inaamin ko, kung ako man ang makakita non, hinding hindi ko na ulit sya kakausapin pa at hinding hindi ko sya mapapatawad pa kahit anu mang sabihin nyang paliwanag ay hinding hindi ko yun paniniwalaan.

Tanggap ko na.. Na wala na ito.. Na mamaya ay kahit makita namin ang isa't isa sa daan.. Hindi na namin kilala ang isa't isa..

Kahit masakit sa umpisa.. Matatanggap ko rin. Kailangan.. Kailangan kong tanggapin.. Ako naman yung may kasalanan eh.. Kaya ako dapat ang magdusa sa ginawa ko.

Napaiyak na naman ako habang iniisip yung eksenang, magkikita kami pero kahit isang tingin ay hindi nya maibabalik sa'kin.. Makakalimutan nya na nag exist ako at pumasok sa buhay nya.. Dahil, isa na kaming 'strangers' sa isa't isa..

Mabuti pa nga yung "Classmate" eh, kahit di ka niya nakakausap ay kilala ka nya dahil kaklase ka.. Pero yung.. "Stranger" ka, kahit sulyap galing sa kanya, wala kang makukuha.

- - -

Author's note: Matatagalan ang next update. Chill

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon