13 - Anong nangyayari?

104K 2.1K 303
                                    

Tinawanan ko sya.

"Ano ka ba Jonas? Kaklase na kaya kita!" sabi ko na may paghampas pa.

Napalunok ako ng mabilis dahil parang medyo nasasaktan na naman ako.

Naalala ko yung nangyari kanina. January 11, naging sila na ni Niña. Friday pa, kung kelan may Computer subject na naman kami. Hayyy. Ni di ko man lang nalaman kung may pagtingin nga din ba sya sa'kin o wala.

Sabagay, di ko rin naman yun matatanong. Iisipin lang nya na napaka-assumera ko. At saka, yung nangyari sa panaginip ko ng umidlip ako sandali.. Baka magkatotoo. Ayoko nun.

"Guys, may kulang pala tayo oh!" narinig kong sabi ni Kyle.

Pagtingin ko sa likod ay nasa likod ko na sya at saka umupo dun sa bakanteng upuan sa may kaliwa ko. Bale nasa gitna ako at nasa kanan si Jonas.

"Ah? Ano yun?" tanong naman ni Jonas sabay kuha ng papel.

Nag lean-on ako kay Jonas para tingnan kung ano yung kulang namin.

"Wala naman ah. Ba't ka umalis sa pila?" tanong ni Jonas.

"Sabi kasi ni Patrick, ngayon daw yung recommendation?" sabi naman ni Kyle.

Tumingin ako sa kanya nung nagsasalita sya. Hayaan mo na akong pagmasdan sya. Tutal, hanggang doon lang naman ang magagawa ko--- teka.. Nag.. Nagtitigan ba kami ngayon ni Kyle?! @#%&!!!

Umiwas agad ako ng tingin at saka hinalikwat yung bag ko habang rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Sabi ni Ma'am, hanggang Chapter 1 to 3 lang daw muna." sinabi ko ng mahinahon. Yung tipong normal.

"Ah ganun. Sige" sabi nya sabay tayo at pumila ulit. This time, sya na yung panghuli sa pila.

"Naman oh, baka di ma-check yung atin. Mahirap na.. Busy si Ma'am at ang hirap hanapin." sabi ni Jonas na mukhang badtrip.

- - -

"Dahil may pinagdadaanan ka, eto! Lilibre kita! Anong gusto mo, Coleen?" nakangiting tanong ni Kristel habang nakatingin sa'kin at hawak yung wallet nya.

"Wow yaman" sabi ko.

Buti na lang at yung kaibigan ko ay parating nasa tabi ko. Kahit di ko masabi sa lahat yung nararamdaman ko ngayon ay alam nyang masakit.

Sabagay, parang ganun rin yung nangyari sa kanila ng boyfriend nya ngayon. Kaklase nya tapos nagkaaminan. Swerte nila sa isa't isa.

"Alam mo Col, hindi naman sa sinasabi kong tumigil ka na sa pagmamahal mo dyan kay "Classmate" mo ha. Pero sa'kin lang, why not give Jonas a chance? O si Rui?" sabi nya ng ikwento ko sa kanya yung nangyari kanina.

"Eii Kristel, intindihin mo rin ako.. Iisa lang puso ko at kay "Classmate" yun natibok!" sagot ko sa kanya.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon