7 - Hanggang dun na lang ba?

105K 1.9K 129
                                    

Wait, napaka out-of-the-blue naman yata nun?

"De, wag mo na lang sagutin.." sabi nya sabay lagay nung isang kamay nya sa may bulsa at huminga ng malalim (rinig ko).

"Tagal naman" dagdag pa nya.

"May orasan ka ba?" tanong nya.

"Ah.. Wala e.. Yung phone ko, naiwan ko" sagot ko.

Di na ulit sya nagsalita matapos yun. Pagbalik namin ay time na. Gutom na ko, huhu

"Punta daw IV-3 sa lab for checking"

Di namin dinala yung lab gown. Yung workbook, pinasa. Kaya red ballpen lang yung dala ko. Ganun kasi pag checking lang.

Pagpasok ko ng lab, nakita kong binibigay ni Kyle yung test tube kay Ma'am. At dahil may seating arrangement ang by group pag lab ay dun ako sa Group 5. Pero dahil sinabi ni Ma'am pumunta ako sa station nina Kyle.

At ayun, wala namang nangyari masyado. For the first time, ang taas ng lab activity ko. Di kasi ganun ka-grade conscious yung mga ka-group ko eh.

- - -

Friday na. At sana hands-on ulit kami sa computer please!!!

Nagdadasal akong pumasok sa computer lab. At nalaman kong maglelecture kami. Sana pala nagreklamo ako kung bakit di kami naghahands-on! Aishh!!!

Discuss lang ng discuss si Sir at halatang halatang inaantok na halos lahat ng estudyante. Ang lakas kasi ng aircon kaya talagang aantukin ka!

Mamaya ay nalaman ko na lang na tapos na yung Computer class. Sa wakas naman. Muntik na kong makapikit eh.

Habang papunta kami sa room, tinabihan ako ni Kristel at tinanong kung may nabili na kong regalo para sa nabunot ko.

"Bukas na ako bibili. Ikaw?"

"Sama na tayo! Di pa din ako eh!"

"Eh pa'no ako pipili ng regalo sa'yo kung kasama kita?"

"Eh?! Ikaw nakabunot sa'kin?!"

"Di! Friendship gift! Sus!"

"Ayieee! May gift akong matatanggap mula sa kanya! Ok! Kanya-kanya na nga lang. Yun ang gusto mo eh. Hmff!"

Nung labasan ay mabilis na umalis si Kristel. Pero bago yon, lumapit sya sa'kin at nagbanta.

"Hoy!!! Wag mo kong susundan sa Robinsons bukas ah! Pag nakita kita dun!!!"

Tumawa naman ako. Sabihin daw ba kung san sya bibili?

"For your information, sa SM ako bibili! Pwe!!!" ganti ko sa kanya sabay tawa.

"Oi!!! Don't forget to gift your "Classmate" ah!"

"Classmate? Teacher kamo!" pang iiba ko dahil nasa may room pa si Kyle.

"Ok! That one who you are labeng labeng por almost 7 years" sabi nya sabay roll eyes at tawa.

Kinausap ko naman sya gamit yung mata ko at naintindihan naman nya dahil nag iba na yung topic. Mamaya ay nagba-bye na kami sa isa't isa. Nagmamadali sya dahil may pupuntahan daw sila ng Tita nya mamaya.

Si Kristel talaga!!! Pag ako nabuking, ipapakalat ko yung picture nya nung bata sya na nakahubad at nakapose na parang sexy star!

- - -

"Eto po yung mga Super Junior CDs namin.."

Pu.. Punyetah?! 500+ lahat?! Aba grabe naman itong si Vanessa kung makapag wish. Wish nga lang talaga!

Nginitian ko na lang yung taga-assist na babae sa may odyssey. Bakit kasi yung nabunot ko, hindi considerate?! Di naman lahat ay mayayaman at mababait ano! Wala akong perang ganun! At saka Php 200 kaya yung napagsunduan!

So ayun pumunta ko sa may mga damit. Kahit damit, ang mahal pa din. Psh! Pabango na nga lang ang ibibigay ko dun!

Papunta pa lang ako sa may bench eh natanaw ko na si "Classmate" sa may damitan. Naka-casual clothes sya at ang gwapo nyang tingnan.

Syempre example di ko pa sya nakikita kaya ayun, umarte kong pa-tingin tingin muna. Napansin kong pambabae ang mga damit dito. Di kaya bumibili sya para sa monita nya?

Sisilip sana ako para tingnan sya pero nakatingin na pala sya sa'kin sabay sabi "Uy classmate.." sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" ngumiti ako ng konti habang hawak yung hanger ng isang damit.

Ang ewan ko lang din. Bakit ko yung tinanong eh sobrang obvious na namimili sya!

"Ahh namimili ng---"

"Kyle, ayos ba to?! Para naman akong----"

Natigilan din ako habang nakita ko si Niña na nasa may dressing room at papalabas habang hawak nung isang saleslady yung damit na parehas nung suot nya na ibang size.

"Ah.." sabi nya sabay lapit kay Kyle.

"May kausap ka pala.." dagdag nya.

"Ah oo.. Uhh, Niña, si Coleen, "Classmate" ko. Siguro naman nakikita nyo ang isa't isa sa school di ba?" tumingin si Kyle kay Niña at ngumiti.

Ngumiti din si Niña at tumingin sa'kin.

"Classmate" lang. Oo nga pala.

Tumingin ako sa iba. Ibinalik ko ng mabilis yung hanger na may damit. Nangangatog pa nga yung kamay ko eh habang sinasabi kong "Andun pala si Krystel! Geh una na ko ah"

Dahil nga sa pagmamadali ko eh nahulog pa yung ibinalik ko. Sala pala yung paglalagay ko pero di ko na pinansin at agad agad na lang akong naghanap ng lugar kung san ako pwedeng mapag-isa.

Ba't ba nasasaktan ako?

Mahal ko na ba si Classmate?

Pero, talaga bang.. Hanggang dun na lang kami?

Ang pagiging mag classmate?

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon