53 - Super classmate

41.3K 807 48
                                    

June 18, 2013 (Tuesday)

"Mama, aalis na ko!" sigaw ko kay Mama.

Mukhang tulog pa si Mama. Busy naman ako sa pag aayos ng gamit ko. Time check: 6:20 AM

"Anong oras klase mo?" narinig kong tanong ni Mama na mukhang kakagising lang.

Tiningnan ko si Mama habang bumaba at lumalapit sa'kin.

"9" sagot ko.

Hinanap ko yung suklay at pagkatapos kong makita ay nawala na lang si Mama sa harap ko.

"Baon mo" sabi ni Mama na nasa tabi ko na pala sabay abot ng 1k sa'kin.

"Eto lang?" biro ko.

"Sensya ka na, sa biyernes pa sweldo ko"

"Ok" sabi ko at saka nagmano.

Katunayan, umpisa pa lang, alam ko naman na mahihirapan kami.. Di ko na lang sinasabi.

Pinagbuksan ako ni Mama ng gate.

"Bye" sabi ko kay Mama matapos kong lumabas at saka kumaway.

"Sige ingat ka"

Naglakad na ako doon sa sakayan ng jeep---

"O?!" nabigla ako kaya isang letter lang ang lumabas sa bibig ko @#%&

"Hatid na kita sa sakayan ng bus"

"Wala kang.. Klase?" tanong ko.

"Wala.. Mamaya pang 3" sagot n'ya sabay kuha ng bag ko.

Wala na kong masabi pa kaya naglakad na kami. May nakaparada namang jeep doon kaya sumakay na kami.

Tiningnan ko s'ya, ganon rin s'ya. Nagkasalubong na naman ang aming mga mata kaya napatungo ako at inayos yung damit ko.

"Ingat ka dun ha" narinig kong sabi n'ya.

"Sheesh" nasabi ko na lang habang pinipigilang mapangiti.

Nabigla na lang ako ng hawakan n'ya kamay ko. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin s'ya sa'kin habang nakangiti. Napangiti na din tuloy ako.

Mamaya din naman ay nasilayan ko na yung Terminal. Tumigil yung jeep at nagbabaan na mga pasahero. Sumabay s'ya sa pagbaba habang dala yung bag ko.. pati kamay ko.

"Anong sinasakyan mo?" tanong n'ya.

"Turbina" sagot ko sa kanya.

Naglakad naman kami dun sa kung saan nakapila yung bus na Turbina na naghihintay ng mga pasahero.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon