15 - First Date

97K 1.9K 154
                                    

"So sinong game bukas para sa Class Date?!" sigaw ng President namin.

Nagtaasan naman yung iba. Yung mga tahimik at mga kj, patuloy naman sa pagsusulat. Nakataas rin ng kamay si Jonas habang ngingiti-ngiti sa'kin.. Pero si Kyle, patuloy lang sa pagsusulat.

Kung di sya kasama, di na rin ako!

"Pshhh! Ang dami namang KJ!!! Wag na nga lang!!!" sabi nung Presidente namin.

May mga nagprotesta habang patuloy ako sa pagsusulat sa board pero in the end, hindi na lang daw. Wala ng Class date. Pag may trabaho na daw kami, saka magkita-kita.

Ayun, napaisip tuloy ako kung ano kaya ang mararamdaman ko pag nagkita-kita kaming lahat sa edad na 30+ tapos malalaman kong kasal na pala sina Kyle at Niña sa isa't isa? O kaya kasal na si Kyle sa iba?

Pero ba't ko ba iniisip yun? Matagal pa yun. Nu ka ba Coleen?! Magtitime na, di mo pa tapos sulatin yung pinasusulat sa'yo? @#%&

- - -

"Excuse me? Ikaw ba si Coleen?"

Teka? Si.. Si---!

Ba't nya ko kinakausap?! 0__0!!!

"Uhh.. Ako nga.."

"Well.. Ako si Niña. Yung GIRLFRIEND ni Kyle."

Kailangang ipagdukdukan?!

"Kaya pwede? Pwedeng wag kang umasang may gusto sya sa'yo? Kasi.. Ayoko mang sabihin pero mas hamak na MAGANDA ako sa'yo at BAGAY kami sa isa't isa. Kung siguro ay makita ng ibang magkatabi kayo, iisipin nilang lahat na mag CLASSMATES lang kayo. So, will you back off?"

"OI COLEEN!!!"

Naramdaman ko ang yugyog ni Mama sa'kin.

"Nagpapagising tapos di naman gigising!" dagdag pa nya kaya napamulat ako.

"Ay Mama?! Anong oras na?!" tanong ko.

"Mag twe-12 na. Bangon na't tanghali na!" sagot at utos nya sabay labas ng kwarto ko.

Napatayo agad ako at hinanap yung cellphone ko. Bakit walang missed calls o texts galing kay Jonas? Di kaya nainip na yun at umalis na tutal 10 am yung tagpuan?!

Buiset naman kasi! Parati na lang akong nananaginip. Am I thinking about it too much?

Isinuot ko yung tsinelas ko at dali-daling nag-call kay Jonas. Sinagot naman agad ni Jonas yung tawag ko.

"Uhh Jonas? Umalis ka na?"

"Di. Nasan ka na?" mahinahon nyang tanong.

"Uhh kasi Jonas, kakagising ko lang" sabi ko habang hinahanda ang twalya kong panligo.

"Ganun ba?"

"Oo eh. Sorry ah! Pa'no na yung movie?" Ayos lang bang ma-late?" tanong ko.

"Ayos lang.. basta ikaw" sabi nya.

"Uhh, sa SM na lang tayo magkita"

"Ah sige. Sa tapat ng Department store malapit sa cinema"

"Ok! Pag nainip ka, umalis ka na lang ha" sabi ko bago ko i-end yung call.

Dali-dali akong nanligo, nagbihis at nag ayos. Mga 12:45 na ko natapos kahit binilisan ko. Aishh bagal ko talagang kumilos!

Patakbo akong naghanap ng dyip. At nung tumigil ang dyip sa harap ng SM ay agad agad akong bumaba. Pumasok agad ako ng SM at hinanap agad yung escalator.

Medyo inayos ko yung buhok ko dahil parang nagtitinginan sa'kin yung mga tao. Hinanap ko rin si Jonas.

Nung nakita ko syang nakangiti sa'kin ay kumaway ako at dali daling tumakbo papalapit sa kanya.

"Huyy! Sorry ah, late ako!" sabi ko na medyo kinakapos pa sa paghinga sa pagtakbo kanina.

Sinagot nya lang naman ako ng ngiti at napansin kong ibinaba nya yung tingin nya sa may paanan ko tapos tumingin ulit sya sa mga mata ko.

"Mukha nga eh" nakangiti pa nyang sabi.

Medyo nagtaka naman ako kaya ibinaba ko rin yung tingin ko sa may paanan ko at halos mag init na naman ang mukha ko sa kahihiyan.

Suot ko pa pala yung tsinelas na pambahay ko na rilakkuma at may medyas pa kong pink!

Di ko napansin dahil mas tinuunan ko ng pansin yung shorts, shirt at cardigan ko. Tapos yung salamin sa kwarto ay kalahati lang at yung itaas na parte ng katawan lang yung hagip @#%&

Seriously!!! @#%&

Naramdaman ko naman yung hawak nya sa kamay ko at hinila ako papasok ng Department store.

Now I'm kinda guilty about the tweets on twitter na patama para sa mga malalandi! Yung di pa kami, ay kung maglandian ay parang kami na. @#%&

Di po ako malandi!!! Hanggang crush nga lang ako eh! Tapos yung crush ko.. Taken na. Haruuuuy!

"Uy Jonas? Pasan tayo?" tanong ko lang kahit may ideya na ko.

"Ibibili kita ng sapatos" nakangiti nyang sagot sa'kin habang hawak pa rin yung kamay ko.

Sabi na! Eh di nyo ko masisisi! Ang hilig ko yatang manuod ng mga nakakakilig. Pero ewan ko.. Di ako kinilig. Weird!

Siguro dahil pinagtitinginan ako. Yung mga saleslady nga dito, kung makatingin sa'kin!!! Hooooy, di ko sinadyang kalimutang magsuot ng sapatos para magpabili noh! At hoooy, magtrabaho na nga lang kayo ples? @#%&

Tumigil kami sa brand ng Rusty Lopez. Pinapapili nya ako though gusto ko sa Primadonna. Idol ko si Cha eh! Yung nasa IDTIP/ILWTIP! Kinilig ako nung nagkita sina Gosu at Cha dun!

Hala wait! Nakita nyo ako on the act of being hopeless romantic!!! Ay? Di!!! Parati naman akong hopeless romantic! Ouch naman.

"Uy? Anong gusto mo?" tanong nya.

"Ha? Ah eh.. Dun na lang tayo sa sale. Hehe" sabi ko na parang hehe-mon.

"Di! Ayos lang. Pinag ipunan ko to since First Year."

Nung marinig ko yun napatigil ako.

"Ito, bagay sa'yo." may binigay syang flat shoes sa'kin.

"Di ka nagsusuot ng high heels di ba?" dagdag nya.

Kinuha ko yun at isinuot.

"Ayan, bagay sa'yo. Mahilig ka sa western-look shoes di ba?"

"Ah oo. Eto na lang" sinabi ko para makaalis na dito.

Ayoko kasi. Hindi sa ayoko sa sapatos. Ewan.. Ayoko kasing malaman na.. Marami syang alam sa'kin.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon