30 - Love Radio Pt. 4

88.7K 1.7K 214
                                    

Tahimik ngayon sa broadcasting room habang nakatutok naman si Kyle sa monitor habang nagbabasa ng mga greetings para mamaya.

"Malapit na pala mag 12 no.." sabi nya ng biglaan.

Pag nag 12 na kasi, tapos na yung segment namin. Yung next DJs na yung mag-tatake-over. Di na lang ako nagsalita. Medyo gutom na ako eh. (whut)

Ako: "Happy Valentines Classmates!"

"Kyle: "We're back! And you are still listening to:"

Kami: "Love Radio 2013!"

Kyle: "Dahil patapos na ang aming oras dito, babasahin na lamang namin ng babasahin ang lahat ng pinapabati nyo at lahat ng gusto niyong sabihin sa pinakamamahal niyo.

Ako: "Unfortunately, di namin mapapa-tugtog ang inyong mga requests dahil sa kakulangan sa oras. Ganun pa man, ang susunod na magtatake over na DJs na ang bahala sa pagtugtog ng mga requests niyo.

Kyle: Kaya naman, babasahin na namin. "Hello daw sabi ng isang di nagpakilala. Pabati daw sa mga bestfiends nyang sina Irish at Ces pati na rin mga nya. Pap-lay naman daw po ng song na Breth by Taylor Swift para sa taong gusto nya na si RJ. Halos 4 years na daw nya itong gusto at hanggang ngayon daw ay parang wala lang daw sya sa kanya. Sana lang makalimutan daw nya na yung feelings nya para kay RJ.

Ako: Binabati naman ni ven ang IV- Diamond/SSC ng ZNHS s.y. 2012-2013 lalo na daw ang JoLeeMaTeShi at CHARM's. Gusto din daw nyang i-dedicate ang kantang "Walang Iba" by Ezra Band kay special friend daw nya.

Kyle: Na-play na po ven yung kantang yun kanina. Binabati din ni chingkiteeelai ang III-Ruby ng LNHS. Sina Mikay, Myca, Jhay-R, Cielo, Jame, Marlene, Romabel, Jenny, Kate, Grace at Chris. Pa-play daw po ng song na "Alaala" ni Yeng Constantino. LSS lang daw sila.

Ako: Annyeong naman daw kina Janaisa sa kanyang my classmates and friends sa DLVC 3A and 3B lalo na daw kina Jane, Nikki, Treah, Miah, Maerah at Aisha. Mahal daw kayo ni Janai kahit hindi lang halata. "Hi" din daw sa kanyang crush na tinatawag nyang Suman. Sana daw ay pansinin sya nito kahit magkaibang section daw sila. Wag din daw sanang manhid kasi nakakasakit ka na raw sa kanyang feelings. Gusto daw nyang i-dedicate ang kantang "Bakit nga ba mahal kita?" ni Rachelle Ann Go kay Suman.

Kyle: "May pakiramdam akong hindi manhid itong si Suman sa kanya. Pakiramdam ko eh ayaw lamang nyang bigyang pansin si Janaisa dahil ayaw nya itong bigyan ng pahiwatig." Ganun pa man, binabati naman ni Blakhart13 yung mga kaibigan nya kahit kung nasaang lupalop man daw sila naroroon. Pakiplay naman daw yung kantang "Sorry Na" by Parokya ni Edgar. Dinededicate nya daw ito sa kanyang ex-guy bestfriend. Sana'y wala na lamang daw ilangan sa grupo dahil ginawa lamang daw nya ang sa tingin nya ay tama.

Ako: Binabati naman ni mizty underscore ace ang mga classmates nya sa TIP QC lalong lalo na ang mga IT TURTLES! Mahal daw nya kayo kahit ang kulit nyo.

Kyle: Binabati ni thatkittygirl ang IV-CHARLES school year 2012-2013 especially sa kanyang mga barkada na sina Mia, Jonalyn, Jinky at Christine. Pa-request daw po ng kantang "A thousand years'" ni Christinna Perri. Para daw sa kanya ang kanta dahil hanggang ngayon daw ay hinihintay nya parin ang lalaking itinadhana sa kanya.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon