Chapter 8

323 14 4
                                    

Chapter 8

"Ikaw, magkwento ka", he said when I remained quiet after what he previously said.

We'll know when we fall.

"H-huh?"

"Kwento ka kako. Kumusta buhay mo, mare?", he chuckled.

"Hmm. Okay naman. Nahihirapan ako sa ilang subjects sa school pero kinakaya ko naman", I smiled.

"Okay lang 'yan. Ganoon talaga ang buhay estudyante. Huwag kang masyadong ma-pressure sa pagkakaroon ng matatas na grades, ha? Okay 'yon kung mataas ang grades dahil may advantage naman talaga kapag ganoon but still... mas mahalaga 'e naiintindihan mo 'yung inaaral mo"

"Sus! I remember you complaining before na kaunti na lang sana ay 98 na ang average mo pero nahatak nung Christian Living subject kaya nasa 97 ka. It's you yata who pressures yourself 'e"

"Dati 'yon! Noong highschool syempre aminado ako na harsh talaga ako sa sarili ko pero noong naging college na ako, na-realize ko talaga na ano 'e... more than being applauded and recognized for my academic standing, kailangan talaga naiintindihan ko 'yung inaaral ko. Isipin mo na lang anong mangyayari kapag mali ako ng sukat o kaya kapag namali ako desisyon sa project. Kaunting yanig lang baka magiba 'yung bahay o kaya 'yung building. Maisasalba ba 'yon ng mga 4.00 ko?"

At kung akala ko ay wala na akong mas ihahanga pa sa kabutihan ni Rafael, mayroon pa pala.

"Why did you choose Civil Engineering ba?"

"Hmm. Noong mga bata kasi kami, nakikita namin nina Xy 'yung Lolo namin minsan na nagtatrabaho. Architect 'yon tapos noong una gusto ko sana archi kaya lang mas may kilig akong naramdaman noong nakita ko na mismo sa site 'yung mga engineer na kasama ng Lolo namin sa project. So 'yun..."

This guy... his eyes sparkle when he talks about his passion. It really shows what's important in his life now and that is his studies. Sa kwento pa lang niya, I can already feel how much he wants to be an engineer. And knowing that they applied for a summer job in Trazo Real kahit hindi naman nila talagang kailangan ng pera, means he wants the experience.

"You really work hard to get what you want", I stated. He dragged a broom and swept an area on the terrace. Pagkatapos ay nag-Indian seat siya roon.

"Upo ka. Nilinis ko na 'yan. Nakakangalay tumayo", he said while tapping the space beside him.

Tumabi ako sa kanya habang yakap ang mga tuhod ko.

"Ikaw, anong gusto mo maging?"

He asked a question that I haven't asked myself. To be honest, I don't know too. Akala ko ay enough na lang na nag-aaral ako. I'm okay with anything, I guess.

"Haven't thought about that yet", I answered.

"Hmm. Bata ka pa naman kaya marami ka pang time para mag-isip. Okay lang 'yan at junior high ka pa lang naman"

"Hindi naman na ako bata, Rafael. I'm a teenager now"

"A-huh?"

Ngumuso ako at huminga nang malalim. Bakit ba kahit anong pilit ko, hindi pa rin ako makita ng mga tao sa paligid ko bilang teenager?

"Oo nga. Dalaga naman na ako. I'm turning 15 this February. Kaunti na lang ay tatanda na talaga ako nang tuluyan", I pouted and he chuckled again. "Tsaka I checked my height last time. 5'3 na ang height ko. May pag-asa pa na maging 5'4 o kaya 5'6 ang height ko"

"A-huh?", sagot niyang muli, nang-aasar.

"Tsk! Dalaga na nga ako, Rafael. Hindi na ako bata. P-pwede na nga rin akong magpaligaw at magkaroon ng boyfriend 'e", I said. I thought he'd tease me again but his facial expression changed.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now