Chapter 38

318 7 0
                                    

Chapter 38

"With Honors – Malinay, John Riel Macaraeg", Rafael and I clapped our hands while watching Janjan and Mang Reynaldo walk on the stage.

We were both taking pictures of the two. Hindi ko pa nalalapitan si Janjan pero alam na ni Mang Reynaldo na narito kami ni Rafael. Dumiretso kasi kami rito sa school dahil na-late kami at naligaw nang kaunti papunta rito sa school ni Janjan.

"Jan!", kumaway si Rafael at tumingin si Janjan sa amin.

I saw his eyes widened and he also waved excitedly at us. Bawal kasi lumapit sa stage dahil may official photographer naman daw ang school kaya panay zoom-in lang ako sa phone ko para hindi magmukhang masyadong malayo sa photos.

Bumaba na silang mag-ama nang tawagin ang pangalan ng kaklase ni Janjan. I can't stop smiling seeing how proud Mang Reynaldo is of his son.

Manghang mangha rin ako dahil ang tangkad at binatang binata na talaga si Janjan. Malayong malayo sa hitsura niya dati noong paslit pa lang siya.

"Mamaya kuhanan ulit natin sila ng picture doon sa stage tsaka malapit doon sa may school seal", sambit sa akin ni Rafael.

Tumango ako at pinakita sa kanya ang mga kuha ko. "I'll send the photos to Janjan later. Tsaka pwede kuhanan mo rin kami ng litrato mamaya?"

"Oo naman. Tayong apat, magpapakuha tayo ng litrato natin mamaya nang magkakasama."

Wala kaming silya ni Rafael dahil ang mga silya ay para lamang sa mga magulang. I don't mind dahil pwede naman kaming maghanap ng bench sa hindi kalayuan kapag nangalay kami.

"You think he'll like my gift?", tanong ko.

"He'll love it. Ayaw mo 'non, akin ang laptop tapos sa iyo 'yung study desk at chair niya? Package!"

"Sana magustuhan niya. If he uses the right chair, hindi masakit sa likod kapag nag-aaral siya."

"He'll love your gift. Appreciative na bata 'yang si Janjan tsaka baka nga kahit ikaw lang ang makita niya ngayong moving up niya, tuwang tuwa na 'yon."

Ngumuso ako.

"Napag-uusapan niyo ba ako?"

"Minsan", nag-iwas siya ng tingin at lumunok.

"Tungkol saan?", tanong ko ulit at namula ang tainga niya.

"Uhh... maraming bagay. Pag-aaral mo ganoon... wala naman ako masyadong masabi kasi hindi ko naman alam kung anong mga ganap sa'yo noong panahong 'yon", sambit niya at marahan akong hinila palapit sa kanya nang may malaking mamang dadaan sa gilid ko. "Bili tayong inumin?", alok niya at tumango ako.

Paglabas namin ng school ay nakita ko kaagad ang malaking tarpaulin ni Uncle sa labas. May nakalagay na "Congratulations!" para sa mga graduates ngayong taon. Mas malaki pa ang mukha niya kaysa roon sa mismong greeting.

Rafael noticed that I'm staring at the tarpaulin that has my Uncle's face.

"Nagkausap na ba kayo ng Uncle mo?", tanong niya. "Sorry... masyadong personal", bawi niya ngunit umiling ako.

"Okay lang. Hindi ka naman na ibang tao sa akin at sa pamilya namin", sagot ko at nagpasalamat nang iabot niya sa akin ang bottled mineral water na binili. "Hindi ko pa sila nakakausap mula noong umalis kami sa bahay nila. I haven't talked to my grandfather for years, too."

"I see. Hindi ko na rin sila gaanong nakikita. Wala rin naman akong balita sa Uncle at Lolo mo dahil umalis na si Kuya sa partido nila pagkatapos ng unang termino niya."

Right, David used to be in their party. Hindi ko alam kung bakit umalis ang kapatid ni Rafael but based on what I've watched from the news, my Uncle and Papa's political party are full of corrupt politicians. Siguro dahil sa mga issue na ganoon ay kaya umalis si David. Mabuti na rin dahil hindi nababagay doon si David. May prinsipyo si David at tapat sa paglilingkod kaya sigurado akong hindi rin niya masisikmura ang makasama ang mga ganoong klaseng tao.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now