Chapter 11

270 8 4
                                    

Chapter 11

"What's that?", I asked Hailey.

"Foundation week na ng university next week 'di ba? Nalaman ko kasi kay Kuya Justin na 'yung booth nila sa Archi 'e may ganap na ise-send 'yung love letter doon sa crush mo tapos with freehand sketch pa. Nagbayad na ako kay Kuya tapos ise-send ko sa pinsan mo", ngumiti siya na parang baliw at kinilig pa.

"You could've just asked me to hand it over to my cousin, Hailey. Gumastos ka pa tuloy", ngumuso ako habang tinitingnan ang napakahabang letter niya na mukhang hindi pa yata tapos.

"Kapag kina Kuya Justin, may kasamang sketch. Marunong ka bang magdrawing? Hmp"

I chuckled and looked at her letter again. I have never written a letter to anyone. Siguro ay sa mga simpleng birthday cards lang na may maiikling birthday greetings, mayroon. Pero itong katulad ng ginagawa ni Hailey, kahit kailan hindi ko pa nagagawa.

Sabagay, sino nga bang pag-aabutan ko ng ganyan?

"Ikaw, wala ka bang pagbibigyan ng ganito? Do you even have a crush, Adrianna Gale?", pinaningkitan niya ako kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Wala. Hindi ko pa naiisip ang bagay na 'yan"

Sa hindi malamang dahilan ay nag-init ang pisngi ko. Nasa bench kami ngayon at mula sa di kalayuan ay tanaw namin ni Hailey ang soccer field.

"Grabe ha! Tao ka pa ba? Kahit gwapo, wala?", natatawa niyang sambit at saglit na tinabi ang loveletter niya para sa pinsan ko.

"M-mayroon naman pero hindi ko crush"

"Sino? Si Rafael ba?", sinundot niya ang tagiliran ko at tinampal ko ang kamay niya.

"Hailey!", I said and her eyes widened.

"Gaga ka! Ba't ka nakangiti, ha? Nagagwapuhan ka kay Rafael? So crush mo nga siya?"

"Hindi 'no! I mean... gwapo siya pero hindi ko siya crush! Gwapo silang magpipinsan–"

"Pero si Rafael ang pinakagwapo para sa'yo?", tinaasan niya ako ng kilay.

"H-hindi! Si Naxus ang pinakagwapo para sa akin...", ngumuso ako.

Totoo naman 'yon. Iba ang dating ni Naxus. Pare-pareho silang magagandang lalaki pero si Naxus ang pinakamalakas ang dating sa kanila. Kahit kasi nakatayo lang sa gilid si Naxus, kahit walang imik, mapapansin mo pa rin talaga siya.

"Sus! Pero kung may mapapangasawa ka sa kanila, sino ang gusto mo?"

"Huh? Why would I marry one of them? Nababaliw ka na, Hailey! Parang mga nakatatandang kapatid ko na ang mga 'yon!"

"Hypothetical lang naman. Ano nga? Sino?", sinundot niya muli ang tagiliran ko kaya natawa ako. "Wala namang makakaalam! Tsaka sa akin ka pa ba mahihiya 'e ako nga lantaran talaga na gusto kong maging future wife ni Ashton!"

"Huwag mo naman akong igaya sa'yo", saad ko at hinaltak niya nang pabiro ang buhok ko.

"Bruha ka! Parang krimen 'tong ginagawa ko ah? Ano nga? Isa!", pangungulit niya kaya napaisip na rin ako bigla.

Kung sa hitsura naman ang pagbabasehan, para sa akin talaga, si Naxus ang pinakagwapo sa kanila. Syempre, magkakaiba naman ng tipo ang mga babae. Kaya baka para sa iba ay si Xythos, o si Theo, Rafael, Pierson. Kung isasali ang tangkad, si Pierson ang pinakamatangkad. Kung sa kulay naman, lahat sila ay mga mestizo maliban kay Pierson na may pagka-moreno. Kapag naman sinali ang talino, lahat sila matatalino.

Kapag sa ugali, lahat din sila ay mababait. Tahimik si Naxus at Xythos, samantalang sina Theo at Rafael ay maiingay. Si Pierson naman ay makulit din pero sakto lang.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now