Epilogue (Part 2)

419 11 4
                                    

Epilogue

It is still a wonder to me how one person could bring chaos and calm to my life at the same time.

Sa aming magkakapatid, ako ang pinakakalmado lagi. I learned that from my father. Hindi man kami magkasing ugali dahil kung anong seryoso ng Papa ay siyang kengkoy ko naman, pero natutunan ko sa kanya na maging kalmado sa lahat ng sitwasyon. My father taught me that keeping my calm at all times could save me from making decisions I might regret in the future.

Nakakaramdam man ako ng kaba o excitement, I don't let them shake me.

Kaya takang taka pa rin ako kung bakit kayang yanigin ni Adrianna ang pagiging kalmado ko.

"Katulad mo, nalulungkot din ako sa pagkawala ni Sam. Napakabait ng pinsan mo kahit baliw 'yon madalas. Kung tutuusin, parang bestfriend ko na nga 'yun dahil ako ang walking diary niya 'e", huminto ako saglit at napaisip nang mas magagaan na salita para maintindihan ng munting isip niya. "Kaya lang kahit naman ayaw pa natin siyang mawala dahil mahalaga siya sa atin, kinuha na siya ni Lord. Maybe it's because heaven needs more kind people and it just happened that Sam's one of the kindest people we know."

Akala ko ay mapapakalma ko siya sa paghagulhol. But this kid surely cries like Samantha. Mas lalo mong i-comfort, mas lalong iiyak. Nang lalong umatungal ay nagulantang din ako dahil hindi naman ako marunong magpatahan ng bata. And I realized, I should just let her grieve and cry. That kid was so precious to Samantha and I'm sure she loved Samantha dearly too. Kung masakit para sa akin na mawalan ng isang kaibigan, siguradong ganoon din 'yon para sa batang ito.

"Pangako ko sa'yo, kahit wala na si Sam, nandito lang ako. Pwede mo akong maging kaibigan. Pero okay lang kung ayaw mo pa. Hindi naman kita mamadaliin dahil baka hindi ganoon kadali sa'yo ang makipagkaibigan. Basta nandito ako lagi para sa'yo, Adrianna".

Iyon ang pangako ko kay Samantha at gagawin ko ang lahat para hindi mabali ang pangakong 'yon. I can't fail again. Not this time. I failed to protect Samantha so I have to make sure that I'll do it right, this time for Adrianna.

Hindi katulad ng ibang mga anak mayaman at laking ibang bansa, mabait na bata ang bunsong Buenconsejo. She was aware of her privileges but she knows how to use them too to help other people. At totoo nga ang sabi ni Samantha na parang anghel sa kabaitan ang batang ito.

She was so innocent but also very smart. Kapag kausap ko siya, pakiramdam ko'y mas matanda pa sa akin ang kausap ko. Naiiling na lang din ako sa sarili sa tuwing naiisip kong hingin ang opinyon niya sa maraming bagay dahil pakiramdam ko ay mas matured pa siyang mag-isip kaysa sa mga kaedaran ko. Her perspective on things makes her stand out from the other kids in her batch. Minsan kahit hindi ako humingi ng sagot sa kanya, gusto ko lang ng kakwentuhan, ay nabibigyan niya ng sagot ang mga tanong ko without her knowing it.

So, even if Samantha asked me to take care of her and protect her, I knew I would still do it even if she didn't ask to. Si Adrianna ang tipo ng tao ng gugustuhin nino mang protektahan sa kahit anong pangit at masamang bagay sa mundo. And when I said I would protect her from anything that also includes boys.

"What did you say?", galit na galit ako at nagpantig talaga ang tainga ko sa narinig.

Alam kong may sariling buhay si Adi. She's a teenager, of course, she would want to explore things. Hindi ko alam kung saan ako nagugulat ngayon – ang makitang galit din ang anghel na 'to o ang malamang nakikipagusap siya sa mga estranghero sa Internet.

"I said don't meddle with my personal life. Magkaibigan tayo pero may hangganan ang pakikialam mo sa buhay ko. If I want to talk to some random guy from the Internet, pabayaan mo ako."

"You are a minor –"

"I am not a kid anymore!"

"But you're still a minor! Alam kong... alam kong mahirap intindihin sa ngayon kung bakit tutol ako sa ginagawa mo. Hate me all you want, Adrianna, but I will never regret reprimanding you about this."

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now