Chapter 40

417 11 1
                                    

Chapter 40

A knock on my door woke me up. Pinagbuksan ko 'yon ng pinto at si Rafael ang bumungad sa akin na bagong ligo. My eyes widened and I immediately looked at the wall clock in the room. It's 7:00 AM! Bakit ang aga niyang maligo?

"Good morning", he greeted and smiled.

Amoy na amoy ko rin ang pabango niya. He looked ready to go and here I am still in his clothes with messy hair. Ni hindi pa nga nagsi-sink in sa akin na nandito nga pala ako sa villa nila sa Nasugbu.

"Good morning. Why are you up so early?", I asked him.

"Will cook our lunch after we eat breakfast and while you're preparing. Baba ka na. Nagluto si Manang ng almusal natin. Nakakain na rin ang security mo."

"Maghihilamos lang ako", paalam ko sa kanya at tumakbo na patungong comfort room. Mabuti na lang at wala akong panis na laway!

I washed my face and brushed my teeth. Paglabas ko sa banyo ay nakasarado na ang pinto ko kaya baka bumaba na si Rafael. I immediately took out my hairbrush from my bag. Magulong magulo ang buhok ko! I brushed my hair and also prepared my clothes for later.

Wala akong shorts dito sa emergency bag ko kaya iyong mga cycling ko na lang siguro ang gagamitin ko mamaya. As for the shirt, I'll just borrow one from Rafael. Papanindigan ko na ang panghihiram ko sa kanya ng shirt at gusto niya rin naman 'yon. I took out my white two-piece bikini. Napangiwi lang ako dahil wala pala akong dalang sunblock. I'll buy some essentials later pagdaan namin sa bayan.

I opened the door and saw Rafael still standing on the side of my room's door while playing some MOBA game on his phone. Agad naman siyang tumayo at in-exit ang nilalaro niya kahit hindi pa naman 'yon tapos.

"Bakit nandiyan ka lang? Sana pumasok ka sa loob."

"Okay lang naman sa aking maghintay dito sa labas", kibit balikat niya. "Kain na tayong almusal?", yaya niya sa akin at sabay kaming bumaba.

Pagbaba namin ay pareho kaming natigilan sa pasimano ng hagdan dahil nandoon na si David. Akala ko ay mamayang hapon pa siya darating?

"Napaaga ka?", tanong ni Rafael.

"Hindi na ako nag-book ng hotel. Magastos 'e kaya ko naman mag-drive diretso pauwi", sambit niya at tumingin sa akin. "Good morning, Adi. Long time no see", bati sa akin ni David at ngumiti.

"G-good morning, Mayor", saad ko at tumawa siya.

"Huwag mo na akong i-Mayor. David na lang. Naiilang ako kapag ganoon ang tawag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak. Okay lang sa akin na first name lang", saad niya at tumango naman ako.

He's so handsome! He's famous on the Internet because he's young and really handsome, too. Ilang taon lang ang agwat nila ni Rafael kaya para akong may kaharap na kakambal din ni Rafael. He looked more mature now, too. He was always mature, though. Sa kanilang magpipinsan, siya iyong seryoso pero fun. Siya 'yung standard. Siya talaga.

"Mas gwapo ba ako sa kapatid ko, Adi?", tanong ni David kaya natauhan ako bigla at nakitang nakasimangot na si Rafael sa kanyang nakatatandang kapatid.

"H-ha?", ngunit imbes na sagutin niya iyon ay humalakhak siya.

"Sa akin talaga sila hinulma ni Naxus at ako ang original. Can't blame the people here for saying I'm the most handsome Rances."

"That's because we're not public figures like you and you're always seen outside", umirap si Rafael at marahan akong hinila patungo sa hapag kung saan nakaupo na si David.

Wow. This is not new to me because I've seen them bickering when they were younger but it's always Rafael, Pierson, Xythos, and Theo who would. Si David at si Naxus 'yung parang alam ang salitang "mature" tapos iyong apat naman ay 'yung mga parang bata lagi. Phoebe's like the stressed mom in their gang and just ends up saying "bahala kayo sa mga buhay niyo".

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now