Chapter 37

361 10 1
                                    

Chapter 37

"OMG! So, nanliligaw na talaga siya?"

Pamper day namin ngayon ni Hailey. Bago pa kami nag-usap ni Rafael kagabi ay plano na talaga naming dalawa na lumabas ngayong weekend. Nagkataon lang na nangyari iyong kagabi at pakiramdam ko ay dapat alam ni Hailey 'yon.

No one knows yet except for her. I am planning to tell Cain about it but I want to tell him in person. Feeling ko ay madi-distract 'yon sa pag-aaral niya sa med kapag basta ko na lang itawag o i-text sa kanya ang nangyari. Protective pa naman 'yon pagdating sa amin ni Hailey.

"Hindi ko pa pinapayagan pero ang sabi niya ay gusto niya ngang manligaw. He's still waiting for my answer", paliwanag ko.

Hindi makapagligalig si Hailey dahil pinepedicure siya ngayon. Kung nasa ibang lugar kami ay baka nagligalig talaga ito at hindi ako titigilan sa pangungulit.

"Ay weh? So, what's holding you back?"

"Ewan ko rin. Ayaw ko kasi na biglaan. Ang dami kong nalaman last night at sa totoo lang, hindi ko pa napo-proseso lahat sa utak ko. It's overwhelming. I feel happy and syempre kinikilig din – aray! Maharot ka!", saway ko sa kanya dahil hinampas hampas ba naman ako!

"Pota ka! Kunyari pa kayong dalawa na friends lang muna mga ulol!"

Natatawa akong nagkwento ulit habang siya naman ay kung hindi impit na titili ay manghahampas. Sa sobrang exaggerated pa ng reactions niya ay pati iyong mga nagpe-pedicure sa aming dalawa ay napapatawa na lang din.

"Tangina. Ano 'yon para siyang lobong pinupuno lang ng hangin for the past four – no five years? Hindi niya masabi kaya ipon na ipon lang lahat sa kanya? May ganoon ba talaga?"

"Mayroon daw. Sabi niya siya", ngumisi ako. "Bakit, sa tingin mo possible na ganoon din sa pinsan ko?"

She scoffed. "Hindi 'no! Malabong malabo 'yon. I mean – I didn't expect that Rafael liked you before but it makes sense now. Mukhang tuta siyang laging nakahabol ang tingin sa'yo dati kapag nasa iisang lugar lang kayo. And points for him, too, dahil hinintay ka talaga niyang maging adult bago ka in-approach."

Tumango ako.

"He said he started developing feelings for me after I kissed him. I was already eighteen at that time. Iniisip ko tuloy, kung hindi ko kaya siya hinalikan, mangyayari kaya ito?"

Umirap siya at umiling iling. "Ano 'yon? May power ang halik? Ha!", nagmura pa siya, "Wala 'yon sa halik. What's not to like about you, anyway? Kahit na hindi mo na siya hinalikan noon at hindi ka rin umamin, magugustuhan ka rin 'non eventually. Wala 'yan sa halik halik na 'yan. Maniwala ka sa akin", sambit pa niya na parang may pinaghuhugutan pa 'non.

We talked more about Rafael at pagkatapos ng pedicure ay dumiretso kami sa isang sikat na cafe rito sa BGC.

"I was just around here last night", sambit ko habang humihigop ng Spanish latte ko.

"Nga pala! Saan ka sa holy week? Uuwi ba kayong probinsya?", tanong niya sa akin.

"Hindi ko pa alam. Wala pang plano 'e. Bakit?"

"Ewan ko ba! Kung punta kayong abroad or anywhere far from Manila, basta hindi kasama si Ashton, sama ako sa family niyo, ha? Ayaw ko makasama ang parents ko hangga't maaari."

"Bakit? They're still bugging you with med school?"

"Oo! Nakakainis na, sobra. Palibhasa ilang months na lang at graduate na ako, gusto na nila akong maghanda para sa NMAT. Kahit ilang beses kong sabihin sa kanila na wala talaga akong balak na maging doktor at mahihirapan ako dahil hindi naman health-allied ang undergrad ko, mapilit pa rin talaga sila", gigil na gigil siya sa pag-ikot ng fork niya sa pasta.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon