Chapter 17

249 8 2
                                    

Chapter 17

"What did you say?"

He clenched his jaw after. Hindi na maitatago ang galit sa mga mata ni Rafael. Ngayon ko lang siya nakitang ganito pero huli na bago ko pa naisip na bawiin ang mga sinabi ko.

"I said don't meddle with my personal life." I did not break our eye contact. "Magkaibigan tayo pero may hangganan ang pakikialam mo sa buhay ko. If I want to talk to some random guy from the Internet, pabayaan mo ako."

"You are a minor –"

"I am not a kid anymore!"

"But you're still a minor! Alam kong... alam kong mahirap intindihin sa ngayon kung bakit tutol ako sa ginagawa mo. Hate me all you want, Adrianna, but I will never regret reprimanding you about this."

My phone vibrated again and it caught his attention. Binulsa ko 'yon dahil sa galit niya, baka kunin niya ang phone sa akin.

"You're right. I hate you."

I turned my back and walked as fast as I can. Kung habulin man niya ako at hatakin pabalik, sisigaw na lang ako. Bahala na. Pero ilang metro na ang nilakad ko, walang Rafael na sumunod sa akin.

May dumaan na e-jeep at sumakay agad ako hanggang sa makarating ako pabalik sa department namin. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko mula sa nangyari kanina.

I can't believe I said all those words to him. Ngayon lang kami nag-away ni Rafael. At ngayon lang din siya nagalit sa akin nang ganoon.

Hailey, nandiyan pa ba kayo? Susunod ako.

I texted Hailey. Alam malamang ng driver namin na si Rafael ang susundo sa akin kaya hindi na pupunta si Manong dito. Ayaw ko na rin munang umuwi dahil mag-iisip lang ako sa bahay.

Oo. Matagal pa kami. Baka manood ng movie mamaya. Sama ka ha! Ipapasundo na kita kay Oliver.

Okay. Nasa parking ako. High school department.

Sige. Hintayin mo siya. Paalis na.

Hindi ko alam kung nasaan na si Rafael. At ayaw ko na rin naman muna siyang makita kaya sana naman ay huwag muna siyang sumulpot dito sa parking.

Masyado kaming emosyonal kanina. We were both mad at each other and I know that I was at fault. Pero may mali rin naman siya! Anong karapatan niya para pagbawalan ako kay Adrian? Hindi ko siya pinagbawalan sa mga naging girlfriend niya dati!

"Let's go?"

Si Oliver na nasa harapan ko na.

"Sorry. Hindi kasi ako sanay lumabas mag-isa", I said.

"Okay lang. Delikado naman talaga kaya tama lang na sunduin kita. Akin na ang bag mo at ako na ang magdadala nito hanggang makarating tayo roon."

"Are you sure? I can manage, though."

He smiled at me. I wanted to return the same energy but I was too preoccupied by what happened earlier. Hindi ko pa rin makalimutan at parang nanghina pa nga ako.

"Yes. High-end ang bag mo. We can never be sure."

Tumango ako at binigay sa kanya ang bag ko. Napatitig ako sa bag. Iyan pa 'yung regalo sa akin ni Rafael. Mas lalo ko lang hindi makakalimutan 'yung nangyari kanina.

"Your phone too. Ilagay mo sa loob. Take that off too."

Tinuro niya 'yong wristwatch ko. Sumunod na lang ako at pagkatapos ay naglakad na kami. Bago kami makalabas sa gate 3, nilipat niya ang bag ko sa unahan.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now