Chapter 19

276 9 2
                                    

Chapter 19

Rafael and Xythos graduated from college. Next year, si Pierson naman dahil 5 years ang architecture program na kinuha niya at 4 years lang ang engineering sa university nina Rafael at Xy dahil sa new curriculum.

Mabilis lang din na dumaan ang mga araw kaya ilang weeks na lang at babalik na ulit ako sa school. Pabalik na rin si Hailey galing USA dahil hahabol naman daw siya sa graduation ni Kuya Ashton this week.

"So, what's the plan?", si Cain na sinamahan ko sa mall pagkatapos ng tryout.

Masama kasi ang loob niya dahil pakiramdam niya hindi niya nagawa nang maayos ang lahat ng inaral niya sa training niya para sa varsity tryout ng school. Ayoko namang malungkot siya at mag-isa kaya sinamahan ko.

Sabi pa niya, mukhang malabo na mapili siya kaya hindi na siya aasa.

"Hindi ko alam. I can't do anything about it yet. Tsaka na siguro ako aamin kapag 18 na ako."

"That's better. Huwag mo nang iwasan 'yung tao. You're only making it harder for yourself."

Tumango ako.

Somehow, Cain became my new bestie. Hindi naman nagseselos si Hailey dahil mas lamang pa rin siya pero hindi ko rin maitatanggi na malaking bagay na mayroong Cain sa buhay ko.

"How about that ass? Still calling and texting you?"

I sighed. Simula noong nanggaling ako sa Malolos, hindi na ako tinigilan ni Adrian. He kept on apologizing about what happened . He was trying to justify himself by saying that he was suprised to see me; that he wasn't expecting that I'd be there kaya hindi niya raw alam ang sasabihin at gagawin niya.

I already told him that it's fine and he should just treat that day as our farewell total wala naman na akong balak na makipagusap pa sa kanya. Iyon nga lang ginigiit niya na pwede pa rin naman daw kaming maging magkaibigan.

"He texted me last night. Hindi ko na sinasagot ang mga text niya. I tried to return the phone to Kuya but he doesn't want it anymore. Sa akin na lang daw kaya nasa kwarto ko pa rin hanggang ngayon."

"Just block him."

"That's rude."

Nasamid siya sa iniinom na frappe at natawa.

"Isn't that the same as ignoring his texts? Block mo na lang para hindi ka maistorbo. O kaya alisin mo na lang ang sim mo. Change your number."

"I'll try", tinuro ko ang cheesecake niya, "Ubusin mo na 'yan at ihatid mo na ako sa bahay. Maaga pa kami bukas."

"Oo na", ngumisi pa ang gago para mang-asar dahil alam niyang kasama ko si Rafael bukas.

I talked to my parents about the donation that I want to give to the district elementary school in Nasugbu. To raise funds, I wanted to organize an event and Rafael suggested we do a fun run.

Maaga kami bukas dahil titingnan namin mismo 'yung mga sports complex around Quezon City and Manila kung saan pwede namin gawin 'yung fun run. For the participants naman, madali na lang daw iyon sabi ni Rafael lalo na't marami naman silang kilala.

"I heard Papa wanted to help with the event, so did Dad. Pumayag ka?", si Kuya Ashton.

"Yes. I accepted the cash donations and the distilled water for the stops, na si Uncle Emilio na raw ang magbabayad. But I told them not to put their names."

"Good. Hindi naman sila ang may pa-event na ganito at kahit pa sila man 'yon, wala pa rin dapat pangalan nila ang mga donasyon."

"I also made it clear na wala banners or tarpaulins, with their faces and names, wala dapat."

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon