Chapter 24

260 5 6
                                    

Chapter 24

I drank more. I danced. Contrary to what I said earlier, I partied hard. Kung hindi man ako makapasok bukas, bahala na. I just want to let this out.

And now I understand what Rafael meant by "get ready to face the toilet bowl".

Parang inikot and buong mundo at sikmura ko habang nasa toilet bowl ako. Hiyang hiya pa ako dahil muntik ko nang masukahan si Xythos, nakailag lang siya. Dinala nila ako ni Theo sa comfort room dahil sukang suka na ako.

I can't find Hailey because she was dancing too! Nagkahiwalay kami sa crowd.

"Buhay ka pa ba?", I heard Theo's voice from the outside.

Hindi ko iyon pinansin dahil sa hilo na rin. Habang nakayuko sa bowl at ginagamit ang dalawang kamay ko bilang suporta, nakita ko ang bangle na binigay sa akin ni Rafael kahapon.

Damn it.

Ano kayang binigay niya roon kay Isabella? Mas mahal ba rito? Kapag kaibigan ba, Cartier lang? Anong binigay niya sa babaeng gusto niya, ginto?

"Adi, your bodyguard's creeping me out!", Theo shouted from the outside. "Bro, bakit ang sama ng tingin mo sa akin? Hindi ko kasalanan na nagsusuka 'yun!"

"Stop it, Theo. You're embarrassing me", I heard Xythos.

Nang mahimasmasan ay lumabas na ako sa comfort room. I looked at the time, it's almost 1. Mas lalong dumami ang mga tao at ngayon pa lang nagsisimula ang gabi.

"Okay ka lang? Gusto mo na bang umuwi?"

"Ikaw ang umuwi na dahil may pasok ka pa mamaya", Xythos scolded his brother. Sinimangutan lang siya ni Theo habang nakasunod sila sa akin.

I looked at Oliver and smiled. "Okay lang ako", I said but his face remained stoic.

"I'm fine. Uupo lang siguro muna ako", I told the Deltrazo brothers.

"Pwede ka namin ihatid kahit convoy", Theo offered.

"Huwag na. You also have school tomorrow, right?", I said.

"Ikaw din naman", saad niya at mahinang pinitik ang noo ko. Natawa lang ako ngunit muntik na ulit matumba dahil sa hilo. Mabuti at nasa likod ko si Oliver kaya naalalayan ako.

"Upo lang ako", saad ko sa kanilang tatlo.

I took out my phone and searched for Isabella Silvestre, Nikki Silvestre's cousin. Gusto kong malaman kung anong klaseng babae siya. I saw her photos earlier and I immediately knew that she's pretty. She looks classy, actually. Ngunit hindi ko natitigan dahil sa irita ko sa litrato nilang dalawa.

Isabella's not my Facebook friend so I added her. May mga mutual friends naman kami kaya hindi naman siguro niya iisipin na in-add ko lang siya dahil kay Rafael. Kahit na iyon naman ang totoo.

Hindi ko makita ang Facebook photos niya kaya nagtungo ako sa Instagram. It was easy to find her account because I follow Nikki on her social media accounts. Doon ko siya nahanap sa Following ni Nikki at mabuti na lang at hindi private ang account niya.

Bumungad sa Instagram account niya ang picture nila ni Rafael. Those were the same photos she uploaded on Facebook, but with a caption. Sa Facebook kasi'y wala naman siyang nilagay na caption pero maraming pumuso 'non. Dito sa Instagram mayroon siyang nilagay.

'Just like the old times... @rafaelrances.'

Umikot ang mata ko nang makitang nag-comment din doon si Rafael.

'@silver.bella haha ang sosyal ng meeting natin parang dati mcdo lang tayo kapag may aayusin sa thesis'

Meeting? Who would believe that it was just a meeting? At kung meeting 'yon, wala man lang akong nakitang laptop o kaya'y mga papel sa mesa nila. Ganoon ang meeting 'di ba?

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now