Chapter 41

356 11 3
                                    

Chapter 41

Hindi agad ako nakatulog noong gabing 'yon kahit pa pagod ako sa biyahe. I waited for Rafael to arrive at their house and then he called me again.

That night also when I went inside the house, nasaktuhan na pababa ng hagdan si Kuya Brandon at pinuna pa niya ang labi ko na namamaga raw. Sinabi ko na lang na lip liner lang 'yon tapos ay nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko.

What can I do? Pinupog ni Rafael ng halik ang labi ko. Kung hindi lang siya aalis papuntang Davao ngayong Lunes at kung wala lang din akong trabaho ngayon, baka mas nagpagabi pa siya kagabi.

"Good mood?", tanong ni Leina sa akin.

Nasungitan kami ni Architect Malana kanina dahil hindi niya nagustuhan 'yung design na pinasa namin pero kahit ano talagang pagsusungit ni Architect, hindi 'non mapapawi ang saya at ngiti ko.

"Maganda lang ang gising ko", sagot ko tapos ay tinuloy na ang mga ginagawa para sa trabaho.

Kanina lang ay nag-board na si Rafael. Maya-maya ay lalapag na rin sila sa Davao. He was updating me earlier but I told him I couldn't reply immediately because I'm at work and he says it's okay because he just wants to give me updates.

I'm eating lunch. Nakalapag na kayo?

Natapos ang lunch namin nang hindi pa rin sumasagot si Rafael. Siguro ay nasa loob pa rin siya ng eroplano. Noong nakaupo na ako sa desk ko ay tsaka ako nakatanggap ng reply mula sa kanya. Hindi pa naman tapos ang lunch time, mabilis lang talaga kaming natapos kumain nina Leina kaya pwede pa naman akong hindi agad bumalik sa trabaho.

Just landed. Anong lunch mo?

Palihim akong nangiti.

Beef salpicao, mango tapioca, and water. Kumain ka na muna.

Pagka-send ko ay wala pang ilang segundo't nakapagbalik kaagad siya ng dalawang reply sa akin.

We will. Pupunta lang kaming hotel tapos ay kakain na rin.

You always order beef salpicao. Is that one of your favorites?

Yep. Alam mong lutuin?

Ipagluluto kita pagbalik ko.

Ganoon lang kami buong Lunes. When I have time off work, sumasagot ako sa mga text niya at siya rin naman sa akin noong tapos na ang meeting nila. Mayroon daw gagawing dam sa Davao at ang Deltrazo Holdings ang nakakuha ng contract kaya binisita nila ang site.

Pagkauwi ko sa bahay ay naligo ako at nagbihis ng pantulog. Rafael said we'll FaceTime so I prepped myself. I don't understand why I am being conscious again with my face. He has seen me without make-up. He has seen my "just woke up" face too. Ewan ko ba kung bakit ngarag na ngarag ako sa pag-aayos ngayon.

Nothing really changed, I guess, except that we now have a label. Hindi na nakakalito kung bakit lagi kaming magkasama. Hindi na rin ako mapapaisip kung bakit lagi kaming magkausap. Hindi na rin ako magtataka kung bakit masyado siyang maalaga at kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong kiligin sa mga ginagawa niya.

He's finally my boyfriend!

"Hi!", I said and smiled. Hindi katulad ko na nakasuot na ng pantulog, siya ay nakasuot pa ng long sleeves niya.

His right hand's holding his phone while his left hand's trying to take off his tie. I swear, he looks so hot doing that.

"Hi! Wait a sec", saad niya at naghanap ng papatungan ng phone niya. Nang maipatong niya ang phone niya, tsaka niya mabilis na naalis ang tie niya gamit ang dalawang kamay.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Where stories live. Discover now