Chapter 1

6.3K 93 17
                                    

Wein

"Ge ok lang naman." sabi ko.

"Ge ha, lilista na kita tapos bukas 4am dapat ready ka na, medyo malayo kasi yon dito dahil malapit na 'yun sa dulo ng Laguna! Sige na ha, alam ko naman kung saan ka nakatira kaya oks na. Bye see yah.." nagulat ako ng patayin niya agad ang call.

Ni hindi pa nga ko nagpaalam e. Bastos talaga!

Hindi ko nalang pinansin dahil mag iimpake na ko. Alam ko naman na matagal na nila 'tong plinano kaya hindi na din ako nag alala na baka maligaw kami o baka wala kaming matuluyan.

Nagising ako bandang alas tres na, di ko alam kung matatakot ako o ano. Alas tres kaseeee! Nakikita ko pa man din sa yt yung mga 3am challenge tapos may nakikita silang mumu!!

Pero dahil nga matapang ako, naligo nalang ako tapos kumain nalang ng can food at noodles. Di na lang din ako nagkanin dahil may bread naman ako dito. Nakakatamad kasi magsaing lalo na kapag nakita mong may tirang kanin na nanigas na. Kakainit ng ulo yon.

Habang kumakain iniisip ko iyong pupuntahan namin. Maganda kaya don? Hm.. Madami kayang pogi?? Madami kayang mapapasyalan? Wah I'm so exited, sa wakas ay makakalabas na din ng Manila.

Habang nagchecheck ng mga gamit ay nagulat ako ng may kumatok. "Wein." sabi ng pamilyar na boses. "Hanona, baka tulog ka pa ha!! Papasukin talaga kita tamo. Sayang gas ha.."

Napairap nalang ako sa dami ng sinabi niya. Naisumbat niya agad yung gas niya.. Di ko alam kung matutuwa ako o ano e.

Pumunta ako sa pintuan at pinagbuksan siya. "Napaka ingay Nicelle, di ka ba nainform na condominium 'tong pinasok mo at madaling araw pa? May tulog pa po." saka ko siya inirapan.. "Patulong oh.." inabot ko sakanya iyong isang bag. Ako nalang ang magdadala nung isa para hindi kami mahirapan pareho.

Napatingin ako sa suot niya. Fila white hoodie tapos jogging pants na black. May headband din siya tapos may salamin pa. Pantulog na pantulog ang career.

"Sure ka ok ka lang? Di ka inaantok?" natatawa kong sabi. Sinamaan niya ko ng tingin kaya natawa ulet ako. "Jok lang."

"Timang, ikaw kaya magsuot ng formal attire no?" inirapan niya ulet ako. "Chour ano lang talaga, hindi talaga ako yung driver."

Nagulat ako. "Sino?"

"Ex mo."

"Huh?!?!" gulat na gulat na sabi ko. Hindi ko inakala na ganon ang isasagot niya!

"Hatdog. Sabi ko ex mo yung driver.. Ano naman?!" inirapan niya ulet ako. Sa sobrang inis ko nabatukan ko siya!!! "Aray shuta! Ano ba! Pag to nabagsak bag mo wag mo kong sisihin."

"Bakit mo sinama?!"

"Ano naman?! Bitter ka ba?!" singhal niya din. Doon naman ako napatahimik. Oo nga naman kasi, bakit kasi ako mag aact ng ganon sa harapan niya. Hindi naman ako bitter e! Nabigla lang ako promise.

"Hindi no, eh di isama mo.." saka ako nagpaumuna sa elevator. Bahala siya kung makakapasok siya o ano. Maghagdan siya!

"Bobo ka ba?!" singhal niya nang makapasok siya ng elevator, tumakbo pa siya para lang makaabot. Di ko alam kung tatawa ako o maaawa e, hawak niya pa naman yung bag ko. "Pag ako naiwan iwan doon sa taas.." saka siya natawa.. Kumunot naman ang noo ko. Bipolar ang tanga. "Hahahaha bitterist ahh.. Buti nalang di ko sinabi na sasama siya, siguro kung sinabi ko..hindi ka sasama kasi bitter ka nga.." saka naman siya umirap. Sabi na e, bipolar nga.

Hindi na ko nagsalita pa at nagpaumuna nang lumabas kahit hindi ko naman alam kung san sila nakapark. Binagalan ko saglit ang paglalakad ko para mapasabay siya sa'kin, pahiya ako sa part na yon.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon