Chapter 6

1.4K 23 0
                                    

Wein

Errors ahead ha.

Maaga kaming nagising ni Nicelle dahil nga maghihiking kami. Naghanda kami ng mga gamit namin, maliit na bag lang ang dinala ko para hindi ako mahirapan masyado. Hindi ako sanay mag hike dahil wala namang ihihike sa Manila, karamihan don ay puro building e.

"Umayos ka na ha. Baka naman mautal utal ka nanaman." umirap siya sa'kin. Naparolled eyes nalang ulit ako. "Wag mo kong irapan.." saka siya natawa.

Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Gusto ko siyang murahin dahil sa pagkanta niya yon. Hindi ko alam kung bobo siya o talagang bobo siya. Bakit niya kinanta iyong kantang yon?! Hindi ba siya maalam bumasa ng lyrics? Hindi niya ba alam na tungkol sa isang individual na gustong humingi ng second chance yung kanta?

Hindi ko alam, ayoko mag assume na nang hihingi siya ng second chance sa'kin. Ayoko mag assume.

"Oo na.." sambit ko saka sinakbat na ang bag. Exited na ko dahil sa wakas! Mag hihike na din kami. After ng stress sa works magkakaroon din ako ng peaceful life.

Nang makababa kami ni Nicelle sa lobby, kami nalang pala ang hinihintay. Napatingin ako kay Ben ngunit nagulat ako nang nakatingin din pala siya sa'kin. Napaiwas ako at medyo nagtago sa likod ni Nicelle.

"Exited na ko! Over night tayo don?" ani Wilcon. Napairap si Nicelle.

"Malamang! Nagtent pa kung hindi naman magtatagal? Di ba?" sarkastikong sabi niya. Natawa ako dahil sa pag aaway nila.

Sumakay kami ng Van. Si Wilcon daw ang sa unahan dahil magvvlog daw siya. Sumalungat pa ko dahil makakatabi ko nanaman ang ex ko ngunit need niya talaga. Hindi siya nagbibiro. So ayon! Dahil nga mabait ako ay umupo nalang ako sa malapit sa bintana sa left.

"Kala ko maghihike? Bakit mag vavan?" ani Celon.

"Bes malayo entrance non dito. Lalakarin mo dito mula don?" ani Nicelle. Umirap lang si Celon at natawa nalang din. Sinabihan niya lang si Nicelle ng napakapilosopo daw nito.

Napairap ako ng pumasok na si Ben at dumiretso agad sa katabing pwesto ko. Umusog ako ng konti para hindi kami magdikit. Bintana lang ang tinignan ko nagdamag. Hindi ako umimik. Pero nagkwekwentuhan pa rin naman sila Nicelle.

"Mataas ba yon?" ani Celon. Napatingin ako sa likod at doon nakita na nakahiga siya sa dibdib ni Pat. Napatingin ako sa sinasandalan ko. Upuan ang kingina. Ok lang! Hindi naman kelangan ng dibdib para mahiga! Batuhin ko siya ng unan e.

"Hindi naman, pero kung hindi ka sanay maghike, malamang matataasan ka." sambit naman ni Nicelle. "Pero maganda roon, hindi kayo mag sisisi na pinaghirapan niyo na akyatin yon. Tayo tayo tent tapos selfie tayo sa kita ang buong Laguna de Bay at bayan ng Pakil, kalayaan, Pangil.. Hindi ko sure kung tanaw pa yung iba e.."

"Tae.. Wag na kayong nagkwentuhan, natatae ako dahil na eexite.." natawa si Wilcon sa sarili niyang jok. Tumawa naman si Ben, Pat at Nicelle. Ngumisi lang si Celon.. At ito ako, mukhang gago na ilang na ilang sa katabi. Amoy ko pa ang mabango niyang pabango. Sarap niya tuloy icuddle.. Char.

Jok lang as if!

"We're here sa entrance!!" masayang anunsyo ni Nicelle. Bumaba kami at nakita nga ang sign na 'to tatlong krus' may nakita kaming kubo malapit sa pwesto namin. Pinuntahan namin yon para sana humingi ng tour guide. Hindi naman daw kasi alam ni Nicelle maging si Ben kung anong derekyon ron. Baka maligaw lang kami. "Tao po.." tawag ni Nicelle.

Bumungad naman sa'min ang isang lalaki. Napatingin ako rito. Kayumanggi ang kulay, matangos ang ilong, hindi man mapula ang labi, maganda naman ang pagkakashape. Gwapo tour guide ah.. Magkano gusto mong tip kuya? Ako na bahala sa'yo. Char.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon