Chapter 9

1.1K 23 0
                                    

Errors ahead.

Wein

Paulit ulit akong nagmumura habang nilalabas ko ang sama ng loob dito sa inuupuan ko ngayon. Punyeta, parang gusto ko na talagang lumubog dito sa lupa. Hindi ko alam kung may mailalabas pa ba ko na mukha kay Ben sa sobrang hiya.

Eh hindi niyo naman ako masisisi! Kaya niyo bang pigilan ang ihi niyo ng isang buong gabi? Mag sabi ng Oo eh di wow.

"Are you done?" sabi ni Ben sa labas. Muli ay napapikit ako sa sobrang hiya. Hindi ko inakala na sa dinami dami naming magkakasama dito, siya pa ang sasama sakin para lang umihi! Jusko Wein.. Kung makapal talaga iyang mukha mo tabasan mo ha. Pede ka namang umihi mag isa! Bakit naman may pasama sama ka pang nalalaman?! Buset!

"Ok na, ok na geh balik ka nalang ulit sa bangin.. Uh.. Sorry sa abala.." sabi ko. Nasa loob pa din ako at hawak hawak ang mukha! Nakakahiya talaga!!!

"I'll wait. Just take your time.." pag eenglish niya. Muli ay napapa rolled eyes ako. Bakit naman.. Bakit pa niya ko hihintayin?! Eh kaya ko na namang mag isa.

Nagulat ako ng may tumunog sa may bandang likuran ng pader.

Sabi ko nga hindi ko kayang mag isa.

Buset.

Nang malagay ko na ang saplot ko. Lumabas na ko, nakita ko naman si Ben na nag aalalang tumingin sakin. "Bakit?"

"Nothing.. Buti naabutan mo kong gising.. Pano kung pumasok agad ako sa tent? Sino sasama sayo dito? Tss.."

Muntik na kong mapanganga dahil sa sinabi niya. Teka.. Hindi ko maintindihan ha! Bakit niya, sinasabi yan? Hala!

"Andyan naman si Nicelle.. Pede ko siyang gisingin."

"Hindi mo naman ugaling mang gising ng tao. Hindi mo gagawin yon.."

Eh di wao. Sabi ko nga e.

"Ano, eh di pipilitin nalang na mag cr ng mag isa di ba?"

"Pano kung mahila ka dito?"

Sino namang hihila??! May aswang ba dito?

"Hindi naman ako naniniwala sa multo."

"Tao ang sinasabi ko. Multo lang ba ang nanghihila?"

Awts k.

"Pede rin.. Oh eh tapos na naman diba? Salamat.. Ok?"

"Tss.. Alam mo ang tigas ng ulo mo."

Nagtaka ako, ano nanamang palabas to? "Bakit? Ano nanaman ba ginawa ko sayo? Ay.. Ano nga ba?"

"Alam mo, Alam mo naman na hindi kita natitiis di ba? Gusto kitang tulungan kanina, para naman hindi kita makitang nahihirapan.. Oh eh anong ginawa mo? You use to declined it. Eh di napagod ka? Tapos kanina.. Nung kausap mo yung tour guide. Ngiti ka pa ng ngiti! Kilala mo ba yon?!" medyo naiinis na sabi niya.

Hindi ko siya magets!!!

"Ano bang pinagsasabi mo?" kalmado ngunit medyo naiinis na din na tonong sambit ko. "Oh eh ano kung ngingiti ngiti ako sa tour guide kanina? Oh eh bakit? Patay ba siya para iyakan ko? Masyado ba siyang panget para katakutan ko? Ha??" singhal ko, hindi naman siya makasagot. "Alam mo hindi kita magets e. Bakit mo ba sinasabi lahat ng yan? Tulungan.. Kaya ko naman ang sarili ko e. Kaya nga ito oh.. Nagpapasalamat ako sayo kaseee sinamahan mo ko ngayon. Salamat.. Salamat.. Salamat.."

"You're welcome." simpleng sabi niya. Nakatingin lang kami sa isa't isa habang naririnig ang ingay ng mga kuliglig. "Good night.." saka niya ko tinalikuran.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon