Chapter 15

1K 18 1
                                    

Errors ahead

Closure Part 2

Wein

"Ikaw na Wein!" kantsaw ni Nicelle sa'kin, ako na pala ang iinom, kinuha ko lang yung baso na maliit saka dirediretsong ininom yung alak..

"Wao naman, lakas uminom ahhh.." kantsaw ni Wilcon.

"Strong yan eh HAHAHAHAHA.." sambit ni Nicelle.

After kasi ng pagkasabi sa'kin ni Ben na tawagin ko siya kapag liligo na ko, nag aya agad sila na mag iinom na daw. Sayang at bumaba agad si Ben kaya hanggang ngayon, wala pa din siya at hindi pa din nakakainom.

Medyo tinatamaan na ko dahil sa pang limang shot ko. Medyo na hihilo ako kasi juice ang partner ng alak. Ok pa sana kung tubig o softdrinks e. Mahina talaga ako kapag juice.

"Akin na mic kups kanta lang ako.." hiram ni Nicelle kay Celon, agad naman siyang pinahiram nito.

Pagdating ng Panahon
Aiza Seguirra

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang siya
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon

Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin..

Habang kumakanta si Nicelle, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit parang tinatamaan ako sa kanta? Kahit na wala namang konek sa'min ni Ben yung lyrics.. Bakit parang may epekto pa din?

Alam kong di mo makita,
Narito lang siya,
Hinihintay lagi ka niya
Umaasa kahit di man ngayon..

Hahanapin mo rin
Hahanapin din..

Pagdating ng Panahon,
Baka ikaw rin at siya,
Baka tibok ng puso niya'y maging,
Tibok ng puso mo.

Sana nga'y mangyari yon,
Kahit di palang ngayon..
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating nga panahon..

Natulala ako kay Nicelle dahil sa pagpalit palit niya ng lyrics sa kanta. Parang ako talaga ang pinatatamaan ng ulaga, o ako lang talaga ang natatamaan.

Hindi ko alam kung nang aasar nga lang ba talaga ang tadhana pero pagtingin ko sa may hagdan nandoon na si Ben habang nakasabit sa balikat ang twalya niya. Nagkatinginan pa kami ngunit iniwasan ko nalang din ang titig ko.

Natawa si Nicelle kaya napatingin ako sakanya na may masamang titig. Medyo natatamaan na din ako kaya masamang pangitain na to para magpatuloy.

"Ako naman!!" sabi ni Wilcon. Inagaw niya ang mic kay Nicelle at naghanap ng kanta sa song book.

Kung wala ka
By Hale

Natapos na ang lahat..
Nandito pa rin siya,
Heto nakatulala ah,
Sa mundo oh
Sa mundo oh ho..

Hindi mo maiisip..
Hindi mo makikita..
Mga pangarap niya
Para sa'yo oh..
Para sa'yo oh..

Ohhh hindi niya maisip,
Kapag wala ka..
Ohhh sa buhay niya..

Hindi ko alam kung malakas lang ba talaga ang topak nila kaya nila pinapalitan yung lyrics ng kanta o sadyang natatamaan lang ako. Bakit ba ako natatamaan? Ilang beses ko na tong nagtatanong pero bakit nga ba? At bakit din sila napapatingin sa'kin kapag binabago nila yung liriko ng kanta?

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon