Chapter 17

1.1K 21 0
                                    

Errors ahead

Wein

"Ok ka lang?" tumingin ako kay Clint at nginitian ko siya,

"Oo naman.. Anong sinabi sa'yo ng mga kaibigan ko? Baka mamaya pinagtripan ka non ha!" natawa ako kahit hindi naman dapat.. Nasasaktan ako e.

"Uhm.. Wala naman, ang ok nga nila kasama e.. Tapos inimbita pa nila ko sa kasalan, pero wala namang invitation.." natawa siya. Inimbita din pala siya.. Alam din nila Nicelle? Pero, sino nga ba ang ikakasal?

"Nabanggit ba nila kung sino yung ikalasal?" tanong ko, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sariling tanong. Bakit ko pa ba tinatanong yung mga bagay na hindi na naman mahalaga? Kung siya yung ikakasal, eh di congrats..

"Uhm hindi, dapat nga ako ang magtanong nan e," natawa ulit siya.. Napairap nalang ako sa isip isip, sabagay.. Hindi ko naman na din dapat malaman..

Hinatid ako ni Clint sa condo ko, Oo alam niya ang condo ko, malapit lang din naman kasi sa building ko yung building niya, trip niya din isabay ako twing nagkikita kami, ewan ko kung bakit. Ayaw ko nalang bigyan ng malisya.

Lumipas ang isang linggo nung huli naming usap, tulad ng mga nakaraang buwan, siya lang ang iniisip ko. Wala ng iba kung hindi siya. Kung siya man yung ikakasal, pede namang si Clint nalang ang jowain ko di ba? Tutal naging manliligaw ko na din naman siya. Tapos lagi ko din naman siyang nakakasama, lagi niya kong nililibre at nilalabas kung saan saan.

Para na nga kaming mag jowa e. Kung kami nalang kaya?

Kesa naman ngayon di ba? Si Ben nalang lagi ang iniisip ko kahit hindi ko alam kung ako pa ba ang iniisip niya. Minsan napagkukumpara ko na yung mga nagawa ni Ben nung mga college days sa mga ginawa ni Clint ngayong present days. Hindi ko maitatanggi natatapunan na din ni Clint yung mga ginawa ni Ben.

Syempre, ano pa nga bang ginawa ni Ben sa'kin? Eh simula nung nag hiwalay kami lagi niya na kong pinapaiyak, hanggang ngayon nga e.. Pati nung reunion napaiyak niya ko, as in kapag nakakasama ko siya.

Kaya bakit ba siya pa yung minamahal ko? Bakit sa taong laging nananakit pa? Bakit sa taong niloko ako?

Napaka unfair talaga ng love buset.

Maaga ulit akong nagising dahil may pasok nanaman, sasabog nanaman ang utak ko sa kakaaral ng mga lessons. Math at Ap teacher kasi ko. Di ko nga alam kung bakit ito ang nahawakan kong subject e. Basta may trabaho kahit maloloka ka, kiber.

Tulad ng ibang teacher pumasok ako ng room habang nagdadaldalan ang mga students.. Napatingin sila sa'kin kaya tumayo sila at binati ako. Tumango nalang ako para batiin din sila.

Sandali lang din akong magturo, pero kahit ganon kaikli ang oras, sure na sure naman ako na nakapagturo at may natutunan sila sa'kin. Hindi ko na problema kung hindi nakikinig yung iba, sino ba ang babagsak? Di ba ga't sila? Pagsisisihan din nila yan sa huli e.

Umupo muna ko saglit sa office ko para mag cellphone, breaktime ng mga bata ngayon kaya nagcecellphone muna ako. Wala naman na din akong gagawing reports since natapos ko na yun kahapon. Pedeng umiyak pero pede din sigurong gawin ang trabaho ano po?

Chineck ko ang messenger ko at as usual, sa school nanaman ang naka notif. Nilulumot na messenger lang naman lagi ang bubungad sa'kin twing bubuksan ko to. Wala naman kasi akong jowa na pedeng magsabi na

Kumain ka na?

Kamusta na jan?

Date tayo mamaya?

I miss you babe

At higit sa lahat ang I love you kuno na yan. Hay nako, hindi na ko naniniwala sa salitang yan e..

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon