Chapter 13

1K 11 1
                                    

Errors ahead.

Nicelle

"Eh La, magkano ba daw?" tanong ko kay Lola habang naghuhugas ako ng plato.

"P300 ata apo, pero kayang ibaba siguro yon." sabi nito. Napahinga naman ako ng maluwag dahil pede pa palang pababaan.

Buti naman!

"Gusto mo bang pumunta don ngayon?" sabi ni Lola. "Ipapasundo kita sa Lolo mo."

"Ah hindi na po, sasakay nalang ako dyan sa may terminal. May tawad naman ako kapag nakikita nila. Gawa ni Tatay, kilala na ko ng mga yon.." natatawa ako.

"Oh siya sige ikaw ang bahala. Kamusta na palang ang kaibigan mo? Nag enjoy ba siya?"

"Naku. Opo sobra.. Pero napaka kawawa naman nung umakyat kami sa tatlong krus. Pati ako napagod ho eh. Oh siya La punta na kong turumba. Baka maunahan pa ko ng iba e, sayang naman ang pwesto."

"Oh siya sige sige, ingat."

Pagkadating ko sa may terminal, nakita agad ako ng isa sa mga kaibigan ni Lolo at ihinatid papuntang kabilang bayan, tinawadan niya ko ng limang piso. Aayaw pa nga sana ako kaso napaka mapilit e.

Nang makapunta ako sa gate, napangisi ulit ako. Ganitong ganito pa din ang itsura, walang pinagbago.

Pumasok ako sa may Entrance at nakita ko roon ang isang babae na naglilista, medyo nasa 40's ang edad.

"Oh ija, ikaw ba yung apo ni Ka Nestor?"

"Ah opo ako nga po. Reserved na po ba yung pwesto sa taas?" pakikipag usap ko sakanya. Mabait naman ang isang to hindi katulad ng ibang mga taga bantay.

"Alin ba ang kukunin mo? Yung A o B?"

"A ho.."

"Aba'y tamang tama avilable pa. 250 nalang sa inyo. Kasama na ata ang entrance. Sensya na ha, hindi ko pa kasi alam ang palatuntunin e. Kapapasok ko palang kasi nung isang linggo." napanganga ako ng slight sa sinabi niya.

"Ah ok lang ho. Baka kasama pa ang entrance namin. Irereserved ko nalang po yung A. Baka maunahan kasi. Bukas po kami dadating.."

"Oh siya sige ija.. Taga san nga pala ang dadating?"

"Taga Manila ho lahat." sambit ko.

"Oh siya sige itatanong ko nalang sa mga nakakaalam ha. Basta irereserved ko na muna ang A."

"Ge ho salamat."

Tinanguhan niya lang ako, pinapasok niya pa ko sa loob ng swimming pool at ang lakas lakas talaga maka throw back nito. Alam kong napakatanda na nitong nandito pero ito, inaalagaan pa din nila ng ayos.

Galing ang tubig nito sa sierra madre sa bahaging itaas ng luzon. Napaka unbelievable nga dahil napakalinis at napakalamig ng tubig nito.

Nang mga panahon ko, pumupunta kami dito nila lolo or kaya ni Daddy ng nabubuhay pa sila. Dito kami kumukuha ng tubig na maiinom namin. Oo naiinom ang tubig dito.

Dito namin kinukuha sa may umaagos ang tubig. Syempre hindi sa mismong pool no! May umaagos kasi na tubig dito na fresh from Sierra Madre pa. Ang astig lang dahil dinaig niya pa ito sa malamig na tubig.

Kitang kita mo din ang mga magagandang bato sa ilalim ng 5 ft na swimming pool. Napaka fresh at natural ng tubig. Madami dami ding naliligo dito pero kapag fiestang lupi, naku asahan niyo na mapupuno ito.

Ang fiestang lupi ay dinidiwang sa buwan ng marso, abril, mayo at hunyo. Ito ay ang pag diwang kay Birheng Maria dito. Hindi ko din sure e. Hindi naman ako taga dito.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon