Chapter 8

1.2K 23 1
                                    

Wein

Buset buset buset buset! Ano mga pinagsasabi ko?! Bakit.. Bakit naman nasabi sabi ko pa?? Malay ko ba na siya ang nagluto?! Ang buong akala ko si Nicelle dahil alam ko naman na dati ay hindi nagluluto iyang si Ben.

Buset ampotek. Pano naman naging ganon kasarap ang pag iihaw niya? Ginamitan niya ba ng pagka-hot niya choz. Nagpractice at kumuha ba siya ng culinary non? Buset.

"Oh anoo.. Hahaha wanyaaa kenekeleg akoo! Sixth wheel si Self at si Bakla.. Asawahin ko nalang si Poging Tour guide.."

"Shut up!" asik ko.

"Ihhh tanggi tanggi ampt.." si Wilcon naman ang nang aasar. Umirap ako at kumain nalang ulit. Hindi na tuloy ako nakakain ng maayos!

Ramdam na ramdam ko din ang titig ng lintik na si Ben sa'kin, hindi ako makakilos o kahit makasubo man lang! Jusko! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nasabi sabi ko pa iyong bagay na yon kanina?! Ayan tuloy hindi ako makakain ng ayos! Buset!

"So ayon nga! Jusko ekekeke hay nako! Dalwang taong indenial este magpipicture nga tayo roon sa may bangin mamaya. At dahil mag asawa kuno na kayo," turo samin ni Nicelle. "Kayo ang mag partner!! Yes naman! Kami na kamo ni Wilcon, nubayan.. Bakla ang partner ko."

"Kapal naman ng paking pez mo. Ayoko din namang kapartner yung hanggang balikat ko lang.." inirapan niya si Nicelle. Natawa naman sila habang ako ang sama sama ng mukha.

Buset!

Ayoko!

Tama na!

Char.

"Kalmahan niyo pag aaway niyo, baka kayo talaga sa huli sige.." pang aasar naman ni Celon.

"Ewww!" sabay sabi nung dalawa. Napailing iling nalang ako habang sumusubo. Nagtatalo pa ang dalawa na parang mga bata.

"Ay sabay, meant to be.." biro ni Ben..

"Kayo nga ni Wein hindi sabay pero meant to be yiii!! HAHAHAHA.." nagulat ako sa sinabi ni Wilcon! Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Putangina.. Kahit kelan tong mga to. Nananahimik nandadamay.

Hindi naman sa nandidiri ako ha! Napaka awkward lang nung mga sinasabi nila! Isa pa tong si Nicelle! Parang hindi nasaksihan ang pag iyak ko dahil sa hayop na ex ko na to.

"..'Sino nagluto? Aasawahin ko na?' pang nalalaman.. Ayaw nalang sabihin na, cb na Ben.. Hahahaha charr.." harot naman ni Nicelle. Tangina bagay na bagay tong dalawa na to! Lagi nalang nang aasar!!

"Kayo nga kunwari pa kayong nag aaway, like niyo naman isa't isa." gawa gawa na kwento ko. Para may pang depensa lang! Pinagtutulungan ako sis.

"Ayy wala naa.. Mema memaa naayyy cornyyyy.." pang aasar ni Nicelle. Nahablot ko ang tinidor at kunwari'y ibabato ko sana. "Subukan mo lang! Ge!" pananakot niya.

Hindi ko nalang binato dahil madudumihan lang din yung tinidor. Wala kong gagamitin.

"Defensive~" si Celon naman ang nag aasar. Letse. Ang papangit ng attitude. Parang hindi kaibigan. Hampas ko sakanila itong malalaking tatlong krus e.

"Ikaw nga may pasubo subo pang nalalaman e! Wala kang kamay?" sagot ko. Nagulat naman si Celon at natawa sila Nicelle.

"Inggit ka?? Pasubo ka kay Ben!"

"Heh!" umirap ako. Pero hindi ko maiwasan ngumisi! Tang- nubakese pereng gego.

"Oyy ngumisi! Gusto den! Ben i kiss mo nga!!" palahaw ni Nicelle.

"Vovo ka ba!? Ganan ba epekto kapag hindi pa nahahalikan?" pang aasar ko pabalik.

"Ang kapal ng mukha mo! Nahalikan na ko oy!"

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon