Chapter 14

1.1K 17 0
                                    

ERRORS AHEAD

Closure.

Wein

"Sorry na nga." sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Sorry ba yan ha?! Sincere ka nan?!" inirapan ko siya dahil naiinis pa din talaga ako.

Akala ko talaga hahalikan niya na ako e. Akala lang pala, biset! Ang sarap niyang pagsusuntukin at pagbubugbugin.

Kahit kelan talaga.

Pero bakit umaasa ako?? Bakit nagagalit ako kasi hindi niya ko hinalikan?! Puta.. Anong pumasok sa isip ko at nagagalit ako dahil sa hindi niya ko hinalikan?

"Sorry na ngaa.."

"Bat ka nag sosorry?" tanong ko. Hindi naman niya kelangan mag sorry. Ako lang talaga ang umasa. Promise..

"Wala.. Pero gusto mo totohanin natin?"

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yon pero nahampas ko siya agad! Mga tatlong beses! Buset! Gulat na gulat talaga ako sa sinabi niya.

Anong tototohanin? Yung halik?! Tangina!

"Pakyu!"

Natawa lang ang loko at iiling iling na inakbayan ako. "Manong, bayad.. Keep the change.." nagulat ako dahil inabot niya ang P50 kay Manong na malantod.

Napairap nalang ako. Pero teka. Panong, panong nasa balikat ko ang braso nitong hayop na to? "Hoy! Braso mo!" angil ko, inalis ko pa ang braso niya dahil hindi ko pa din maalis sa utak ko yung mga pinagsasabi ko kanina.

Anong konek Wein?

"Braso pa din." pilosopo na sabi niya. "Hey.. Sakay tayo sa ferris wheel." biglang aya niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "Tanga ka ba? Takot nga ako sa matataas.. Ikaw nalang mag isa." sabi ko.

"I'm with you naman e, kapag nahulog ka, magpapakahulog nalang din ako." saka siya napatawa pero mahina lang naman.

Nako! Iyang mga pinagsasabi niya? Napaka cliché! Jusko sa dinami dami kong napapanood na ganan? Hindi naman nalalaglag yung babae! Aba eh papano ko malalaman kung nagsasabi ng totoo yung lalaki di ba? Ang unfair lang. Sana ay makabalita ako ng ganong insidente para maniwala ako.

Naniniwala kasi ako sa kasabihang, to see is to believe no! Kaya nga nung nakita ko si Ben at yung kahalikan niya na malantod dati naniwala na ako agad na manloloko siya e! Di ba?!

Ganon kase yon!

"Please.. Ako na bahala sa bayarin.." ngumisi siya sa'kin, inirapan ko nalang siya dahil mapapangisi din ako sa harapan niya!

Ang gwapo niya kasi kapag nakangisi! Plus yung pagtaas baba ng kilay niya talaga! Omg Nag fafangirl nanaman ba ko o ano?!

Ang sabi ko hindi ako nova! Hindi ako marupok!!!

"Kahit na ba! Malay mo malaglag ako tapos walang sumalo? Eh di patay ako non? Tapos yung buhok ko ang haba haba haba pa! Pano kung maipit to sa umiikot don tapos matanggal ang anit ko? Pede mo bang ipalit yung anit mo ha? Saka-" natigil ang sinasabi ko dahil biglang sumagot ang hayop.

"I'm with you.." seryoso niyang sambit. "At hindi ko hahayaang mangyari yon."

Siguro kung ako yung Wein nung mga college and jeje days, siguro naglulupasay na ko sa kakiligan ngayon dito. Alam niyo yon?! Hindi ko alam kung matatawa ako ng sarkastiko o kililigin sa mga pinagsasabi niya e! Napaka cliché!

Oo nga't cliché pero kapag totoo na palang nasabi sayo, bakit parang natatae ako? Bakit parang may mga lumilipad na paru paro sa tiyan ko? Kumain ba ko ng catterpilar ha?

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon