Chapter 4

1.6K 31 5
                                    

Wein

After naming umalis sa bahay ni Nicelle, bumalik na din agad kami ng hotel. Natatawa pa ko dahil biro ng biro ang lola niya. Hindi namin naabutan si Lolo Nestor dahil gabi na daw ang uwi non. Pinagalitan pa tuloy ni Nicelle ang Lola niya at sinabi ang kanina niya pang sinasabi na 'Mag ingat'

"Wein! San kayo galing. Alam niyo bang kanina pa kaming nagaantay!!" asik ni Celon. Napansin kong wala ang bebe niya sa tabi niya.

"Wala, tulog ka pa kasi e, kakahiya naman kung gisingin kita! Alam mo naman na ayoko makaabala sayo! Kasama mo pa naman bebe mo sa kwarto." saka natawa si Nicelle, maging ako ay natawa.

"Nge! Ah ah naman! Sayang tuloy, kakaboring kaya sa hotel!" ani Celon habang nakanguso.

"Oh asan si Patrick? Gala kayo.. Ay! Oo nga pala, punta tayo sa Wawa park mamaya! Masaya don.."

"Eh? Anong oras?? Maliligo ulit ako.." natawa ulit si Celon. "Tulog pa si Pat e.. Maliligo pa yon for sure kapag nagising siya. Gisingin ko na ngayon.. Jan na muna kayo.." saka siya pumasok ulit ng kwarto nila.

Kami naman ni Nicelle ay pumasok na sa kwarto. Nahiga ako saglit at pinikit ang mga mata. "Aba ano?! Matutulog ka ulit?!" asik nito. Agad naman akong mumulat.

"Loko! Porke nakapikit tutulog na agad!" saka ko siya inirapan..

Pinabayaan niya nalang ako at lumabas ulit siya ng kwarto. Mag isa nalang ulit ako. Nubayan! San kaya napunta iyong babae na yon! Lagi nalang wala!

Binuksan ko ang messenger ko at nakita ang mga chat ng mga manliligaw ko. I mean mga nagkakagusto pala sa'kin na nanliligaw pero hindi ko naman pinayagan! Ayoko!!

Tatakot ako na baka maloko ulit ako. Naloko na ako ng isang beses at talagang masakit.

Flashback..

I was about to come in his condo pero hindi ako pinapasok ng Security Guard.

"It was Benedict! My Boyfriend! Lagi akong napunta dito manong! Hindi mo ko tanda?!" malakas na sabi ko. Naasar na ko!

"Eh mam, kasama mo naman nung mga panahon na 'yun si Sir. Eh kapag mag isa lang po bawal po talaga lalo na kapag hindi ka naman nakatira dito.." pagpapaliwanag nung Guard.

Gusto ko siyang sapakin! Oo nga't ginagawa niya ang trabaho niya pero, first aniv namin to ni Ben! Kanina pa ko nag aantay sa condo ko e, umaasa ako na susunduin niya ko o kahit chat man lang pero wala.

Umupo ako sa bench na yon para maghintay. Matagal na siyang hindi nagchachat sa'kin. Ni bati ng happy aniversary wala.. Nag aalala ako na baka meron nangyari sakanya o ano pero hindi naman pede yon.. O baka, meron na?

Ngunit hindi ako nagkamali. Akbay akbay siya nung isang babae at masaya silang palabas ng building. Nakita ako ni Ben at gulat na gulat siya. Nagulat pa ko ng hinalikan nila ang isa't isa.

Nandilim ang paningin ko at mabilis lumapit sa harap niya saka siya sinampal. Sinampal ko siya sa abot ng makakaya ko. Agad namula ang pisngi niya matapos ng ginawa ko. "Tangina mo! Manloloko!" galit na sabi ko.

"L-let me explain-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nung sinampal ko ulit siya. This time sa kabilang pisngi naman at doble ang lakas ng lagitik non kesa kanina.

"Ano pang ipapaliwanag mo ha! *smirk. Kaya pala-" di ko natuloy ang sinabi ko dahil naiiyak ako. "Kaya pala ni isang chat wala ka.. Kaya pala mas malamig pa sa yelo pakikitungo mo sa'kin nung isang araw!"

"W-Wein.."

"Sino siya?" narinig kong sabi ng babae. Muling nandilim ang paningin ko.

Hinarap ko ito nang may nanlilisik na mata. "Girlfriend niya. Bakit? Ikaw sino ka? Kabit? Di ba uso sa'yo ang magtanong kung yung nilalandi mo may jowa? Ha!" sunod sunod na sabi ko.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon