Chapter 12

1K 13 0
                                    

Nicelle

Nang makapunta kami sa lugawan ni ka Ibyang ay nagtaka naman agad ang loka loka dahil ayaw niya daw mag lugaw. Gusto niya agad mag kanin. Eh wala namang kanin dito e! San niya ko patataihin non?! Eh kanin din naman ata ang lugaw! Jusko ha.

"Lugaw lang?!" asik nito.

"Bakit ayaw mo? Eh di wag! Mag resto ko kung may mahahanap ka rito. Siniloan pa jollibee dito kala mo." barumbadong sabi ko. Aba totoo naman e! Magbyahe siya dan!

Ngumuso lang ito at feeling kyut na umupo sa pwesto niya. Tinanong pa ko kung masarap daw ba ang Pilipit dito. Iyon yung gawa sa malagkit tapos ipriprito then hahaluin sa kawaling may asukal at konting mantika?

"Oo naman! Ititinda ba nila kung di masarap? Kaltukan kita e. Ilan non?!" napairap pa siya. Aba! Talagang makakaltukan e!

Napasulyap ako kay Ben at napapangisi ang ulaga. Ewan ko din kung bakit! Hindi ko alam! Wala pati akong pake! Basta ako single lang ako ha. Katulong lang ako ng mga to!

Katulong na walang sweldo!

Jusko! Sa dinami dami ba naman nilang kaibigan, ako pa?! Hindi ko din naman sila masisisi, ako lang din naman ang close friend ni Wein sa university non. Si Celon at Pat ay kakakilala niya lang before pa mag graduate.

Habang kumakain si Ben, nakatitig ito kay Wein. Tinititigang kumain ang Ex. Napatingin naman ako kay Wein.. Nag cecellphone lang ito habang kumakain. Di na nagbago.

Kitang kita ko sa mata ni Ben ang saya dahil sa nakikita niya ngayon. Maging ako ay napapangiti dahil sa nakikita ko. Dalwang taong indenial. Dalawang taong tanga sa pag ibig. Dalawang taong.. Alam kong hindi na magkakabalikan.

Iyon ang nakikita ko twing tinititigan ko sila. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naiisip ko. Siguro dahil kay Ben? Nalulungkot ako twing iniisip ko na ayon. Pero tanggap ko na din. Hindi naman kami close friend at may galit pa ko sakanya. Hindi naman sa gusto ko na agad na matuluyan siya ah.

Kasi, ang tanga tanga niya lang. Babae na ang nagmamahal sakanya oh. Babae na din ang nanligaw sakanya, babae na din ang nagtapat ng feelings, babae ang unang nagmahal, babae ang seryoso at gusto siyang makasama habang buhay. Sana maisip niya din yung effort ni Wein. Yung effort na ipagluluto siya ni Wein ng Lunch or breakfast. Lahat yon nasaksihan ko kasi sa'kin pa siya nagpapaturo ng mga iluluto niya. Sa'kin din siya nagpaturo ng manners kapag kaharap niya na ang magulang ni Ben. Bukod kasi sa malayo at hindi na siya napapansin ng mga magulang niya. Siya nalang talaga mag isa.

Si Ben at si Ben nalang ang nagpapasaya sakanya ng mga araw na yon. Siya at wala ng iba. Bonus nalang siguro yung naibibigay ko bilang kaibigan. Kasi alam ko na mahal na mahal ni Wein si Ben.

Ang tanga nila. Ang tanga ni Ben,

Umiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Bilang NBSB, inaamin ko na gusto ko din makadanas ng pagmamahal. Syempre mas gusto ko yung pagmamahal na binibigay nila Lola sa'kin.

Eh kasi, minsan naiinggit ako kela Celon and Pat. And Wein at Ben na din nung mga college days. Syempre ako bilang fifth wheel ng magbabarkada. Lagi nalang akong mag isa. Mag isang kumakain, mag isang tumutusok ng kwekwek. Mag isang nilalandi ang sarili and more! Kaya minsan napapaisip ako, gagamit ba ako ng dating apps? Baka nandun na ang forever ko ah

---

Nang nasa Wawa na kami, nag usap muna kaming lima na bigyan sila Wein ng time. Syempre kasama si Ben.

Si Wilcon, Celon and Pat, palibhasa'y hindi takot sa matatataas, sumakay agad ng ferris wheel ang mga walangya. Pero ako ay nanguna papunta sa cr kahit wala namang cr dito! Umupo nalang ako sa swing na parang bata. Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano e.

Unexpected Series#1: Benedict RuizTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon