Chapter 2.

90 3 0
                                    

Hapon na nang umuwi ako sa bahay. Napasarap kasi ang stay ko sa bahay nina Alice eh. Hinatid naman nya ako pauwi.

Pag karating ko sa bahay .. ganun parin. Ay ou nga pala, nakalimutan kung sabihin. ALONE lang ako sa bahay. Except nalang kung bibisita si Manang.

Nasa province lang ang parents ko. Yung tita ko ang bumili ng bahay dito sa manila para tirhan ko.

Malaki ang bahay para sa katulad ko na nag iisa lang. 2 palapag kasi ang bahay na to. Pero umuuwi naman ang tita ko dito para magbakasyon. Minsan nga lang.

Dumeretso na ako sa kwarto ko para mag bihis. Hindi na ako kakain. Busog pa ako sa foodtrip namin kanina ni Alice.

Wala palang pasok bukas. Actually meron kaming saturday class. Since patapos naman na ang klase, wala na kaming pasok.

"Isay anjan ka ba sa kwarto mo?" Ay .. may kasama pala ako. Hihi XD. Si Manang Rosa pala yun, andito sya kada friday.

Sya kasi inutusan ng tita ko para tingnan tingnan ako. At opo, ako po yung tinawag nya. It's my nickname.

Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Manang. Pagbaba ko, naabutan ko sya sa kusina na nagluluto.

"Hello po Manang. Kanina pa po kayo?"

"Ou. Maupo ka na jan at kakain na mamaya. Teka, bat gabi ka na nga pala nauwi? San ka galing?" Sunod sunod na tanung sakin ni manang ng hindi man lang humaharap sakin.

Lumalabas na naman pagiging strikta nya. Sabagay, Naiintindihan ko naman yun.

"Galing po ako kila Alice. Tsaka, busog pa po ako, kumain po kasi ako sa kanila eh."

Ngayon nakaharap na sakin si Manang. Inaayos na nya ang mesa. "Hindi ka kakain?"

"Mamaya nalang po siguro pag nagutom ako. Kumain nalang po kayo jan Manang."

"Oh sige. Magpahinga ka na. Di ba may pasok ka pa bukas?"

"Wala na po. Pasahan nalang po ng mga projects. Tapos na po ako eh kaya pwd na akong di pumasok. Sige po, akyat po muna ako."

Tinalikuran ko na si Manang na nagsimula naring kumain. Umakyat ako sa kwarto ko then inopen ko yung laptop ko.

May messages ako. Yung isa galing kay tita, kinakamusta ako. Tapos yung isa galing kay ate Chelsea. Yung kapitbahay namin ..

Pinapapunta nya ako sa kanila bukas. Bakit kaya? Actually, nahihiya ako dun sa kanila. Hindi naman kasi kami close.

Hindi ko nga alam kung bakit nya ako pinapunta eh. Nireply ko nalang ng "opo" para wala ng ibang sasabihin.

Nag log off na ako then chineck naman ang phone ko.

From: mama
Hi anak. Miss ka na namin. Ingat ka jan palage ah? I Love You anak.

Text ni mama. Miss ko na din sila. Pero kelangan kung magtiis. Para din naman sa kanila tong gagawin ko eh. Para sa pangarap ko.

Humiga na ako at pumikit. Medyo pagod rin ako ngayon kaya siguro maaga ako makakatulog. At sana makatulog naman ako ng maayos.


I wont give up...Where stories live. Discover now