Chapter 12.

44 4 0
                                    

Ilang araw, weeks, at months ang nagdaan, mas lalo kung nakikilala si Ashton.

Tinupad nya yung sinabi nya sakin na liligawan nya ako. Araw araw nya akong hinahatid sundo sa bahay.

Araw araw may flowers akong natatanggap galing sa kanya. At nalaman ko rin na sa kanya pala galing yung mga flowers dati.

Pati si manang close na nga nya eh. Gwapo si Ashton. Mabait at sobrang maalaga.

Pero bakit ganun? Hindi ko parin kayang kalimutan ang pagmamahal ko kay Ken?

Speaking of Ken. Close parin kami .. alam nya yung about kay Ashton. Akala ko nung una, magagalit sya or whatever. Pero nasaktan lang ako ulet dahil sa reaction nya.

"Bat di mo pa sagutin si Ashton Trishia? Bagay kayo ah? Boto ako sa kanya :))."

Ang sakit. Nag expect na naman kasi ako na baka magselos sya. Pero hindi. Mas lalo nya pa akong tinulak palayo sa kanya.

-------

"Anong balak mo after graduation?" Tanung sakin ni Ashton. Ou nga pala...

Two months nalang gagraduate na kami. Ang bilis ng panahon. Sobrang bilis.

Andito kami ngayon sa mall. Niyaya nya kasi ako lumabas since sunday naman.

Masaya ako na kahit papanu kasama ko si Ashton. Si Alice kasi busy parin sya. Minsan nalang kami nagkakasama. Pero nagkakilala narin sila ni Ashton. Mas boto nga daw sya kay Ashton kesa kay Ken eh.

"Itutuloy ko ang cruiseline. Its my dream dba?"

"Good. Ako din .. i will try. Malay mo swertehin ako sa barko. At .. malay mo magkikita parin tayo dun :))"

"Haha. Napaka positive mo talaga kahit kelan."

Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko.

"Ou Trishia. Positive ako lalo na pagdating sayo. Kahit alam kung .. medyo malabo, hindi ako mapapagod sumubok pumasok jan sa puso mo."

Napayuko ako. Naawa na ako kay Ashton. Hindi nya deserve ang maging ganto. Wala syang ibang ginawa kundi pasayahin ako. Pero ako? Alam kung nasasaktan ko na sya.

Tiningnan ko sya sa mata. Kita kung nahihirapan na sya .. at nasasaktan ako para sa kanya.

"Ashton .. im sorry. Hindi mo deserve to. Sinusubukan ko naman eh. Pero  sa ngayon, hindi pa kita kayang ma---

"I know Trishia. Sa simula palang alam ko na kung sinong mahal mo. Si Ken di ba?"

"Pa--panu mo nalaman?"

"Because its very obvious. The way you smile when he's with you. Pero okay lang yun Trishia. Ang mahalaga  mahal kita. Mahal na mahal .. "

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang. Niyakap ako ni Ashton at niyaya nya akong umuwi nalang.

Pumayag naman ako. Pinunasan nya ang luha ko at inalalayan nya akong maglakad.

Palabas na kami ng mall nang marinig ko ang boses na tumawag sakin.

Its him.

Napalingon kaming dalawa ni Ashton. And there he is, showing his smile.

But he's not alone. He's with someone... a GIRL.

Lumapit sya samin at ginulo nya ang buhok ko.

As always ..

"Nag date din pala kayo? Di mo man lang sinabi sakin Trishia. Ang daya .."

I wont give up...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon