Chapter 18.

54 2 0
                                    

Maaga akong umalis ng bahay dumeretso ako sa condo. Wala akong maayos na tulog kagabi dahil sa bday ko. Anong oras na kasi kami natapos eh.

"Good morning po Ms. Trishia.. para sayo po." Kakapasok ko lang sa main gate nang may binigay sakin ang guard.

Isang box. Walang nakalagay kung kanino galing. Pero nakalagay kung para kanino. At para sakin nga ..

"Sinong nagbigay nito kuya?" Tanung ko sa guard.

"Hindi po sya nagpakilala Ms eh.." tumango na lang ako at umakyat na papunta sa unit ko.

Kanino to galing ?

Tsk! Wag na nga ako mag-isip. Malay mo sa mga kaibigan ko pala to dati. At siguro naalala nila ang bday ko.

Pero kahapon pa yun dba?!

Ano ba yan! Bahala na nga lang kung kanino galing to. I dont care. Kasalanan nya kung bakit hindi man lang ako makapag thank you.

Pagkapasok ko, humilata agad ako sa sofa. Napagod ako kagabi ..

Pipikit na sana ako nang mag ring ang phone ko. Pagtingin ko, yung assistant ko ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Hello?"

"Miss Trishia good morning po. Pwd ka po bang pumunta dito sa shop ngayon?"

"Bakit? May problema ba?"

Sana naman wala ..

"Ahh .. wala naman po."

Hayy.. thanks God! Akala ko meron na agad eh.

"Oh wala naman pala. Bat kelangan ko pang pumunta jan?"

"May naghahanap po kasi sa inyo."

Napakunot naman ang noo ko at nag-iisip. Sino namang naghahanap sakin? Hindi pwdng si Alice kasi alam naman nun tirahan ko. Si Ashton din alam na nya dito.

"Sino daw?"

"Teka lang po tatanungin ko muna .." narinig kung kinausap nya yung sinasabing naghahanap sakin. Mga ilang minuto nagsalita na ulet yung nasa kabilang linya.

"Ay Miss wag nalang daw po. Sa susunod nalang. May emergency daw po kasi sya eh."

"Ganun ba? Okay. Sige bye."

Okay? What was that? Weird!!

Kesa mag-isip ako ng kahit ano, pumasok ako sa CR at naligo. Maligo muna ako bago matulog para fresh XD.

----
ASHTON'S POV

Andito ako ngayon sa office. Medyo masakit pa ulo ko dahil kagabi. Kulang pa ako sa tulog.

Napatingin ako sa phone ko. Gusto ko sanang tawagan si Trishia kaso baka busy or maybe tulog sya. Puyat din kasi yun eh. Haha.

Hayyy Trishia ...

Ou nga pala! Kilala nyo naman na ako dba? Siguro naman pinakilala na ako ni Trishia sa inyo :P!

Siguro tatanungin nyo ako kung seryoso ba talaga ako kay Trishia. Of course I am! I am dead serious!

Wala akong ibang minahal for the past 3 years.. sya lang. Kahit sinabi na nya sakin na hanggang kaibigan lang ang tingin nya sakin.

Masakit. Pero wala na akong pakialam. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa kanya eh. Gusto ko lang bantayan sya. Gusto ko lage syang masaya .

At alam kung hindi ako ang makakapag pasaya sa kanya.

Ano ba yan ang drama ko na. Haha. Buti pa puntahan ko nalang si Trishia at dalhan ko sya ng food. Para sweet dba? XD

I wont give up...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon