Chapter 30.

34 3 0
                                    

1week na ang nakakalipas since nung opening ng bar. Successfull ang opening. Nandun sila Alice that night. Medyo awkward nga lang kami ni Ashton dahil sa nangyari.

Nagpakabusy ako the whole week. Sa bar at coffee shop lang nakatuon ang atensyon ko. Pag umaga sa coffee shop, pag gabi naman sa bar.

Ganun din sina Alice at Ashton. Busy na rin sila. Tumatawag naman sakin si Alice. Si Ashton ? Well, hindi sya nagpaparamdam. I dont know why. Si Ken .. palage parin syang nagpapadala sakin ng flowers. Hinayaan ko nalang.

Its already 6pm kaya inayos ko na yung bag ko para makapunta na ako sa bar. Lumabas ako ng office at nilock.

"Kayo nalang ang magsara ah? I have to go. Bye"

Bilin ko sa staff ng shop. Bago ako lumabas, may inabot sya sakin na papel.

Pumasok ako sa kotse at nilapag ang bag ko. Na curious naman ako sa papel na binigay sakin kanina kaya binasa ko muna.

Trishia
    Meet me at the usual park that we used to hang out before. 9pm. I'll wait you there okay?

                                           -Ashton

Si Ashton. Napatingin ako sa oras. Medyo malayo pa yun kaya dederetso nalang siguro ako dun. Kelangan ko ring makita at makausap si Ashton.

Quarter to 9 ako nakarating sa park. Medyo traffic kasi. Pinark ko ang kotse at naglakad papunta sa part kung saan kami lage ni Ashton dati.

And there he is..

Nakaupo sya while holding a flowers. Napatayo sya pagkakita nya sakin. Lumapit ako sa kanya ng nakangiti.

"Hi. Kanina ka pa?"

"Nope. Kakarating ko lang din. Maupo muna tayo."

Hinila na nya ako palapit sa kanya at naupo kami. Tahimik lang kami habang pinapanood ang ibang mga tao. Iilan nalang din ang mga tao, gabi narin kasi.

"Ahh .. here, for you :)"

Nakangiti nyang inabot sakin yung flowers kaya ngumiti rin ako.

"Akala ko hahawakan mo nalang yan eh. Haha."

Tumawa din sya dahil sa sinabi ko. Medyo gumaan narin ang atmosphere naming dalawa. Hindi na ganun ka awkward.

"So kamusta ka? Super busy mo daw sa coffee shop and bar mo kaya di narin kita inabala. Tsaka busy rin ako eh. Hehe."

"Pareho lang naman tayong busy eh :). Si Alice din, busy. Ganto na talaga siguro pag medyo seryoso na ang buhay."

Tumawa ulet sya. Balik kami sa pagiging tahimik hanggang sa hinawakan nya ang kamay ko. Nagulat ako kaya napalingon ako sa kanya. He look so serious while looking directly into my eyes.

Napalunok ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Basta, hindi ako komportable sa sitwasyon namin.

"Trishia .. I dont know if this is the right time or not. Pero ang alam ko, there's no more time for me. Ayokong maging huli ang lahat."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita sya. Mas lalo pa nyang hinigpitan ang hawak nya sa kamay ko. Gusto kung alisin ang kamay ko pero hindi ko kaya. Dahil alam kung madidisappoint sya pag ginawa ko yun.

Nagsimula ng manikip ang dibdib ko. At bumarado narin ang lalamunan ko. Alam kung any minute, tutulo na ang luha ako.

"... gusto ko lang malaman mo kung gaano kita kamahal. Simula nung una hanggang ngayon. At patuloy kitang mamahalin. Trishia .. all I need is one chance. Just one chance. Please hayaan mong ako naman pumasok jan sa puso mo. Please .."

I wont give up...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon