Chapter 17.

46 2 0
                                    

Hindi agad nag sink in sakin yung mga pangyayari. Lutang parin ako hanggang sa lumapit sakin si Ashton at binigyan ako ng flowers.

Tinanggap ko naman yun at pinaupo nya ako sa pinaka gitna na table. Lumingon ako sa paligid. And ... wow!

Ang ganda ng mga decorations. Lahat ng closest friends and classmates ko dati andito. Including Alice.

"Do you like it?" Napatingin ako kay Ashton na nakangiti.

"So .. is this your what-so-called-emergency? Tsk tsk! But ... thank you. Ikaw ba nag plan nito lahat?"

Tumango sya at naupo sa tabi ko. "Sobrang busy mo kasi na pati BIRTHDAY mo kinalimutan mo na."

"Oi hindi ko nakalimutan ang bday ko. Hindi ko lang talaga matandaan kung anong date na ngayon."

Tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko. "Tayo ka muna jan at lapitan mo mga bisita mo."

Tinulak nya pa ako kaya sinunod ko na sya. Lumapit ako kila mama na nakatingin sakin at nakangiti ..

"Happy birthday anak :))." niyakap ko si mama pati si papa.

Si tita naman lumapit sakin at binati nya ako. Niyakap ko sya at nag thank you.

"Todo effort si Ashton nito Trishia. Pagkauwi na pagkauwi nya, inasikaso nya agad ang bday mo. Lalo na nung nalaman nya na parang nakalimutan mo na ang araw na to."

Napatingin naman ako kay Ashton na busy sa pakikipag usap sa mga tao. Lumingon sya sa pwesto kaya nginitian ko sya.

Hindi ko naman talaga nakalimutan ang araw na to eh. Busy lang talaga kasi ako. Hayy.

Why are you acting like that Ashton?

"Trishiaaa .. OMG! Happy birthday. Ang pretty mo na talaga ^_^"

Muntik na akong ma out of balance dahil sa bigla biglang pagyakap sakin ni Alice. Pero napangiti parin ako ..

I miss this girl :)

"Wala ka paring pinagbago Alice. Haha. Thank you at andito ka ngayon. Hindi ka ba busy?"

"Nope ^__^. Pag ikaw na ang pag-uusapan hindi ako magiging busy. Namiss kaya kita."

"Na miss din kita :))"

Nagkwentuhan lang kami dun. Kamustahan sa mga nangyari sa mga buhay namin. Hanggang sa umabot sa usapang pag-ibig ang topic namin...

"Kelan ka mag-aasawa Trishia.. look, 22 ka na oh?"

"Haha. Ano ka ba naman Alice. Wala pa sa isip ko yun. Bata pa ako :)"

"Ano pa bang kulang? May business ka na. Natupad mo na mga pangarap mo dba?"

Pangarap .. may kulang pa sa mga pangarap ko Alice. Meron pa ..

"Im not yet ready Alice." Nasabi ko nalang sa kanya.

"Gosh! Ahh .. alam ko na kung ano pang kulang sayo .."

napatingin ako kay Alice at seryoso sya kaya kinabahan ako.

"Wala kang boyfriend? Tsk! Anjan na si Ashton oh? He's perfect for you."

"Alice.. i know concern ka lang sa lovelife ko. Pero si Ashton.. kaibigan ko lang sya. Hanggang dun lang kami."

"Bakit? Si Kenneth parin ba Trishia?"

Napatungo ako sa tanung ni Alice sakin. Ngayon ko nalang ulet narinig ang pangalan nya.

Si Ken pa nga rin ba?

"Trishia naman! Akala ko ba pinakawalan mo na sya? Kalimutan mo na sya Trishia. Hindi sya para sayo."

Napatayo ako at napahawak sa ulo ko.

"Please Alice.. I dont want to talk about it right now. See? Its my bday. I should be happy right? Kaya Please .. stop that issue between me and Ken."

"Im sorry.. I just care about you." Magsasalita pa sana ako kaso dumating si Ashton.

"Alice, Trishia .. kanina pa kayo nag uusap ah? Baka pwdng pumunta na kayo dun." Ngumiti ako at tinanguan si Alice.

Kwentuhan, asaran at tawanan lang kaming lahat dun. Masaya ako at nakakasama ko ulet ang mga taong to.

Yung iba kung classmates nalaman ko na may mga asawa na pala. May mga anak na yung iba.

Sa bawat kwento nila, ramdam ko ang happiness na nararamdaman nila ngayon.

Napapangiti nalang din ako. At hindi ko maiwasang mapaisip. Ako kaya? Kelan ko kaya maranasan ang katulad sa mga nararanasan nilang kasiyahan?

"Trishia .. ninang ka sa magiging baby namin ah? :)"

"Haha. Ou ba. No problem. :)" isa sa mga kaklase ko dati. Haha. Magkaka baby narin pala sya.

"Ayun oh? Bigtime ang ninang ng magiging anak mo. Haha."

"Haha. Baliw ka talaga Alice. Puro tawa lang kami dun. Ang kulet kasi ni Alice eh.

Natigil lang ang tawanan namin nang biglang dumating yung katulong dito sa bahay.

"Miss Trishia .. pinapabigay po sayo." Sabay abot sakin ng flowers.

Napakunot ang noo ko at tiningnan ang card. Bago ko binasa, tumingin muna ako sa mga kasama ko.

Seryoso silang lahat at hinintay nilang sabihin ko kung kanino galing kaya binasa ko na.

Happy birtbday Trishia..
I know its late kasi 12mid. Na eh. Basta .. happy bday :). I hope you are happy.

Napabuga ako ng hininga nang malaman kung walang pangalan ng sender. Pabitin eh ://

"Walang name ng sender." Sabi ko sa kanila sabay taas nung card.

"SECRET ADMIRER?!"

At kelangan chorus talaga silaNmg lahat?! Tsk! Anong sabi nila? SECRET ADMIRER?

YEAH! WHATEVER!!

I wont give up...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon