Chapter 24.

52 2 0
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa tyan ko .. nagugutom na kasi ako eh. Simula pa nung nakaraang araw ata ako walang kain :/

Nag-unat ako at bumangon. Kinusot ko pa yung mata ko at naghikab. Aalis na sana ako ng ...

Teka?!

O______O

Bat nasa kwarto na ako?! Sa pagkaalala ko, sa sofa ako nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak ko dba? How come?

Ahh .. baka naman nag sleep walk ako kaya ako napunta sa kwarto.

Tama. Baka nga siguro. Imposible naman kasing pupunta sina Alice at Ashton dito. Eh sa galit nga yun sakin dba?

Baka sila mama? ..

Ay ewan!

Tumayo na ako at tumingin sa salamin. Mugto ang mata. Tsk! Hayyy. Makapunta na nga sa kusina para makakain na ako.

Hala?! O.O

Hindi pa ako nakapagluto may pagkain na agad sa mesa?!

Lumapit ako sa mesa at tiningnan ang mga pagkain. Egg,ham,bread and fried rice. Wow!

Wala naman akong stock sa ref na mga ganto ah? Luminga linga pa ako to check kung may tao ba, wala naman.

Well, kung sino man sya i should be thankful. Kakainin ko nalang lahat to. Nagugutom pa naman din ako.

Pagkatapos ko kumain, naligo na ako. Wala naman na akong lagnat eh.

-----

"Hello?"

"Hello Good Morning. Can I talk to Ms. Gomez please?"

Kakatapos ko lang maligo nang sakto nag ring ang phone ko. At eto na nga kausap ko ngayon. Hindi ko kilala ..

"Yes speaking. Sino to?" Sagot ko.

"Ms. Gomez secretary po ako ni Mr. Jones. Gusto lang po nyang ipaalam sayo na pwd na daw pong mag start ang construction ng bar asap."

"Oh .. okay. Thank you. Email ko nalang si Mr. Jones kung kelan okay? Thank you again."

Binaba ko na ang phone pagkatapos ng usapan namin. Kumuha ako ng damit at nagbihis.

This is it! Isang pangarap ko na naman ang matutupad.

Isa nalang ang hindi ..

Napailing nalang ako at lumabas na. Pupunta muna ako sa coffee shop. For sure magiging busy ako sa gagawing Construction ng bar.

------

1week ... 2weeks.

Hayyyy.

2weeks na akong super busy. Sa shop at sa bar. Ako kasi ang pinamonitor ni Mr. Jones.

At .. 2weeks naring hindi nagpaparamdam sina Alice at Ashton. Galit parin sila ...

Si Ken ... hindi narin sya nagpaparamdam. I dont think its a good idea. Bahala na nga. Focus muna ako.

Tok tok tok

"Come in."

"Ms.. may naghahanap po sayo. Papasukin ko po ba?" Nasa office ako ng coffee shop.

Napatingin ako sa relo ko. 8pm na pala. Malapit na kami mag sara. Napatingin ako sa assistant ko.

"Sige papasukin mo." Lumabas na sya para tawagin yung bisita ko daw.

Maya maya pa .. bumukas yung pinto at niluwa ang taong hindi ko inasahan.

"Good evening. Busy ka ba?"

"What are you doing here?"

"Im here to check on you." Ngumiti ako at inayos na ang mga gamit ko.

Uuwi narin ako. Kanina pa ako walang pahinga eh. I need to rest. Tumingin ulet ako sa kanya na seryosong nakatingin sakin.

"Gabi na. Umuwi ka na. Uuwi na din ako eh, tsaka magsasara na kami."

"Okay. Hatid na kita." Nagulat naman ako sa sinabi nya. Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay.

"Trishia gabi na. Baka mapanu ka."

Wow. Haha. Nagpapatawa ba tong kausap ko? Baka naman naka drugs to? Tsk!

Lumabas ako ng office. Sumunod naman sya. Ni lock ko muna yun at nag deretso ako sa kotse ko.

"Trishia wait .."

Huminto ako sa paglalakad at nilingon sya.

"Ken .. im okay. At tsaka kaya kung umuwi mag isa kahit anong oras. Sanay akong mag isa. And .. why the sudden change? Kelan ka pa naging concern sakin? Haha."

"Im sorry. Im sorry Trishia."

Kumunot ang noo ko dahil sa pag sosorry nya.

"Sorry? For what?" Huminga sya ng malalim at lumapit pa sya sakin.

"For everything.. for being stupid! For hurting you. Im sorry ka---"

"Stop it Ken. I told you im okay right? Moved on na ako. And now you're asking for forgiveness. Pinatawad na kita. I have to go."

Naglakad ako papunta sa kotse ko at binuksan ko yon. Pero bago pa ako makapasok, bigla akong napahinto dahil sa sinabi ni Ken.

"I miss you Trishia.. I miss you so much."

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Nanatili lang akong nakahawak sa pintuan ng kotse.

Na miss nya ako ..

Gustong gusto kung lumingon sa dereksyon ni Ken at puntahan sya para yakapin sya. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang masaktan ... ulet.

Pumasok na ako sa kotse at sinarado. I close my eyes at huminga ako ng malalim.

Pinaandar ko na ang kotse at umalis. Napangiti nalang ako ng naramdaman kung may tumulo na namang luha sa mga mata ko.

Kelan ba mauubos ang mga luha jo para kay Ken? Unlimited ata to pagdating sa kanya eh. Haha.

*sigh*

Namiss nya ako .. siguro yung dating kami. Kasi ako? Sobrang miss na miss ko na din sya.

Sana ... sana kaya mo rin akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo ken.

Pagkarating ko sa condo, pinark ko agad ang sasakyan ko at pumasok na .

"Good evening po Ms.. lage ka pong gabi nauwi ah?" Nginitian ko si kuyang guard.

Medyo tsismoso -___-

Pero nginitian ko parin sya .. baka sabihin pa nito mataray ako ://

"Ganun po talaga.. busy po ako eh." Papasok na sana ako sa elevator ng pinigilan ako ni kuyang guard.

"Bakit po kuya?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ahh .. gusto ko lang pong ipalam sayo na dumaan dito yung boyfriend nyo miss. Kaninang mga ... 7pm po ata yun. Sinabi ko nalang po na wala ka."

Huh? Boyfriend?! I dont even have one! Psh! Niloloko ata ni kuya eh =__=

"Po?" Nasabi ko nalang kay kuya.

"Opo. Sya din po yung pumunta dito nung nakaraang linggo. Yung may sakit pa po kayo? Ang dami nya nga pong dalang pagkain nun eh."

Nakangiting pahayag sakin ni kuyang guard. Di nga ? Eh wala naman akong jowa eh! Bumaling ulet ako kay kuya ...

"K-kuya .. ano daw pong p-pangalan nya? Nasabi nya po ba?"

Sana hindi totoo ang hinala ko .. naku!

Nakita kung nag-isip si kuya at ngumiti sakin. Shit kinakabahan ako. Anong meron?!

"Ahh .. opo. Si ... si sir Reyes po sya. ^_^."

Q_____Q

O.O

SHITNESS!!

SI KEN?!

THE HELL!!

I wont give up...Where stories live. Discover now